La Jota Moncadenia

Saturday, November 25, 2006

Eto nga pala yung sasayawin namin para sa Cultural Presentation na magiging project namin sa MAPEH. Kakatuwa yung sayaw kahit na medyo nakakalito yung ibang steps. Nakakatuwa lalo na dun sa mabagal at tsaka napakabilis na parte. Yung iba nga hindi na masyadong inaayos yung sayaw eh... isa na ko dun! Haha! Ginagawa nalang naming katatawanan. Hehe. Partner ko nga pala si Kim a.k.a. Nuneg. Dapat nga pala habang nagsasayaw, laging nakasmile, tulad nito :D. Wala lang! Meron nga pala akong tawag sa mga galaw dun sa sayaw. Ito yung mga yun:

Taas-kamay - Ito yung sa step, brush, etc. Mabagal yung sa unang parte pero dun sa patapos na, napakabilis na!

Habulan - Eto yung sa gitnang part bago yung mabagal na steps. Dapat dalawa lang kami ni Kim, eh sumasali si Abby samin kapag wala siyang partner. Haha!

Hatakan - Ito yung sa paa. Hindi naman talaga hahatakin, mukha lang! Yihee!

Silipan - Eto na yung sa may mabagal na parte nung sayaw. Dun sa may iikot-ikot. Hehe.

Ikut-ikot hanggang makarating sa malayo - Pagkatapos yun nung silipan. Magkakalayo yung magpartner.

Yun lang. Haha! Wala lang yung mga yun. Imbento lang. IMBENTO c/o Abigail. Wala lang kasi akong magawa eh. Hehe.


Music: Mikalah Gordon - God Bless The Child

0 ang nagtaka: