Showing posts with label games. Show all posts
Showing posts with label games. Show all posts

May magawa lang

Tuesday, May 8, 2007

Dati pinagkakaabalahan ko yung Dracula's Riddle. Level 13 palang ako. Medyo tinamad na ko eh. Pati nga rin ata si Porks eh. Pagkatapos nun, sinubukan kong magscrabble. Medyo tinamad rin ako nung nalaman kong may hint. Haha!

Para may magawa naman ngayon, naglalaro ako ng Dragon Fable at Pokemon. Si Patty nagsabi sakin nun. Dragon Fable: Level 3 palang ako. At kanina, yung Pokemon. Kakasimula ko palang. Ang saya pala maglaro nun. Haha! Ang rami ko nang Pokemon. Hehe :)

Music: Mario Vazquez - Gallery

Improving!

Tuesday, April 24, 2007

Woah! Nag-download ako sa Yahoo! Games ng Scrabble. Hehe. Wala kasi ako magawa eh. Kaya yun :P



Yun nga pala ang dahilan kung bakit ako "BUSY" sa YM. Haha! Seryosong-seryoso sa laro. ^^ Buti nalang may narating. Nanalo ko laban sa BEGINNER! Haha! Pero malaki-laki rin yung lamang ko sa kanya. Yihee. Improving nga eh. Siguro dahil Beginner lang pero kung sina Ninang Tita Merlyn at Mina yung kalaban ko, naku... talung-talo! Haha! lol.

BEST WORD: Z10O1N1E1 (36 points) Triple Word Score kasi eh.

TOTAL SCORE: 274. May minus pa yan. Di ko nagamit yung J eh. Sayang!

Sa computer, AGILE (12 points). Beginner na beginner talaga yung dating eh. Hehe.

Music: Hugh Grant and Haley Bennett - Way Back Into Love

Sudoku

Saturday, November 25, 2006

Sudoku - Ang larong kasalukuyang kinaaadikan ng III-Fleming, pero hindi naman lahat... yung mga wala lang masyadong ginagawa pag walang taughter este teacher pala. Haha! Yung Sudoku ay yung may numbers at may 81 na box na kailangan mong lagyan ng 1-9 kung saan walang magkapareho dun sa isang linya at kung saan-saan pa. Basta yun na yun. Hehe. Kasi itong Sudoku, pag nasimulan mo nang laruin, hindi ka na makakatigil pa. Maliban nalang kung wala ka nang sasagutan. Pero kung adik ka na at wala nang masagutan pang iba, mag-imbento ka nalang. Tulad nalang kahapon, habang nagsasagot ako, eh may mga mali akong kopya na numbers. Kaya yun, nasagutan ko pa at tinawag ko na itong #999 na ang level ay SUPER SUPER SUPER VERY VERY VERY HARD! Hahahaha! Basta yun na yun. Try nyo rin. Pero wag naman sana kayong maadik dito. Try lang. Yihee!


Music: 6 Cycle Mind - Sige

With Mic-mic

Thursday, April 13, 2006

Pang-apat na araw na ng pinsan kong si Mic-mic na nagbakasyon dito sa 'min. Si Micah Abigail a.k.a. Mic-mic ay yung pinsan kong makulit, per0 matalino, syempre Carrido eh! Hehe! Wala naman kami masyado ginagawa dito sa bahay namin kaya tinuruan ko nalang sya maglaro ng mga computer games. Adik na adik na nga dun sa Spider Solitaire at tsaka dun sa Pinball. Kapag pinatigil na kami sa computer ng mga tao dito, nanono0d nalang kami ng TV. Hehe! Ang dali nga lang mapaiyak ni Mic-mic. Bigla ko nalang nakikita sa isang suLok, naiyak na pala. Dahil saken yun. Hehe! Maaga siya nagigising tapos manonood nalang bigla ng TV, kaya nagigising rin ako. Kulit-kulit talaga ng batang ito... pasaway! Pero kahit na ganun, masaya siya kasama. Hehe!

Uwi na nga siya sa sabado eh, April 15. Sasabay siya sa 'min. Punta kasi kami sa Lucena, birthday ni Tetet, isa pang makulit na kalaro ni Mic-mic. =)

Music: Santana feat. Steven Tyler - Just Feel Better