Showing posts with label friends. Show all posts
Showing posts with label friends. Show all posts

Happy Birthday!

Thursday, September 11, 2008

September Birthday Celebrators. Haha!

MunSci
6 - Arjay Canete
8 - Jill Buenaobra
9 - Donuel Mendoza
12 - Keisha Perea
13 - Jesreel Alday
15 - Patrick Austria

UST
2 -Randolf Velasco
6 - Celine Regala
11 - Orien Comelon
16 - Mariv Corong
24 - Mariness Cortez
27 - Louise Limjoco

Maligayang kaarawan mga kaibigan! :)

Music: Elliott Yamin - Can You Feel The Love Tonight

Math Math Math

Friday, June 6, 2008

Continuation ng review namin ni Khim sa Y!M. Basics lang muna.

Q: True or False: A number is either a rational or an irrational, but not both.

A: True! In decimal form, a number is either non-terminating and non-repeating (so it's an irrational) or not (so it's a rational); there is no overlap between these two number types!

Q: Ano pinagkaiba ng natural sa whole number?

A: Kapag natural un ung mga 1,2,3,4,5.. (counting numbers). Kapag whole naman, natural numbers kasama ang 0.

Q: Ano yung irrational numbers?

A: Non-terminating and non-repeating. Example: pi

Q: E ano naman tawag sa mga hindi real?

A: Imaginary

Q: True or False: An integer is a rational number.

A: True. kasi ung mga integer pwede mo naman lagyan ng /1 para maging rational e

Q: True or False: A rational is an integer.

A: False. Rational numbers are fractional. Not all fractions are integers such as 2/3.

Other information:

pag integers kasama mga negative
pag rational un ung mga fractional

tapos rational + irrational = real numbers

Music: Cassie feat. Ray J - Me and You

Reviewing Math with Khim and Jownts

May quiz daw agad si Khim sa Math (Trigo at Algeb) kaya dinamay niya ako sa pagrereview. Haha! XD

Math 101 @ Y!M

Sisipag na mga bata eh. Sa Y!M pa nagreview... ng MATH! =)

Music: McFly - Umbrella

Strike Two

Tuesday, May 6, 2008

Hehe. Kanina nirelease yung results ng mga nagparecon sa UPLB na kailangan pa ng interview. Statistics and Applied Math ang mga napili ko. Sa kasamaang palad, hindi ako natanggap sa Stat. May 23 pa malalaman yung Applied Math. Haha! But its okay. Hindi na rin ako masyado umaasa sa Applied Math. USTe na talaga ko. Pero gusto ko rin naman sa UP. Kasi ika nga ni Porks:
Maguplb ka nalang pagnarecon ka. Malaki matitipid ng pamilya mo. Haha!
Pero ang mas masaklap, bago ang kaganapang yun ay nawalan/nadukutan ako ng phone sa bus patungong UPLB. Another JBX (Jonathan Barcena Experience). Wala pang isang taon, o kalahating taon, nawalan ulit ako ng phone. Nakawala ako ng phone nung 11-22-07. Ngayon ay 05-06-08. Wala lang. Haha! Strike Two.

Nakakatuwa talaga ang JBX na yun. Maraming sumuportang mga kaibigan at kaklase. Tinext kasi ni Julianne silang lahat na tawagan yung phone ko. Maraming salamat sa mga sumuporta. Malaki na ang naitulong niyong yun. At syempre, salamat sa mga kasama ko. Sila ang umagapay sa 'kin habang hinahanap ang phone ko. Nagkaroon pa ng kapkapan sa bus. Natawa nalang ako. Hindi gaya nung first time kong makawala, medyo nalungkot at naluha-luha pa. Haha! Wala pang experience eh. Ngayon, nginitian ko nalang kaysa naman malungkot. Nakamove on na ko. Kaya lang yung pamilya ko, hindi pa. Hindi nila masyadong pinansin yung unang pagkawala nung phone ko eh. Unang beses pa lang kasi. Ngayon naman, sila yung nagdadalamhati. 'Di makarecover/makamove on. Lol :))

Kaya lang nanghihinayang rin naman ako, kasi nakaunli yun. Joke! Wala na kong magagamit ngayon sa pagtetext gabi-gabi - sa pagpupuyat. Mamimiss ko lahat ng mga katext ko gabi-gabi. Haha! Nakakalungkot naman. Salamat sa lahat ng nakiramay, lalo na kina Locs at Roanne. Sila ang mga naging susi para malaman ng pamilya ko na nawala yung phone. Hindi na ako nahirapan pang sabihin. Haha!


Music: Jason Mraz - Clockwatching

Superhero Movie

Thursday, April 17, 2008

Starring Drake Bell (Drake and Josh) and Sara Paxton (Aquamarine). Hehe!

Pinanood ko kasama sina Neri at Roanne sa Festival kahapon pagkagaling sa UST. Laughtrip eh! Haha! Walang ibang ginawa kundi tumawa. Haha! Enjoy naman kahit papano, kahit medyo kurne.
I am the Hourglass!
LOL =))


Music: Estelle feat. Kanye West - American Boy

After some time...

Saturday, March 1, 2008

nakabuo na rin ako ng Rubik's Cube. Nahawa na ko sa mga tao sa school. Adeek eh! Ehehe! At yun! Maraming salamat sa lahat ng tumulong... Juzel, Lisette, Arjay, Roanne, Khim at kung sinu-sino pa! Hindi pa ko ganun kabilis, pero kaya na! Haha! Tuwang-tuwa eh. XD

Ok. That's all. And yeah, tungkol sa retreat. Required ang lahat na sumama. Pytha kasi eh! Haha!

Isa pa, naibigay na samin ung report cards. At yun... nag-improve! wahaha!

Lastly, periodical tests na this week. Aww...

Yun lang. Gagawa na ko ng projects. Research, Filipino, Economics, etc.

Music : Alvin and the Chipmunks - Bad Day

218

Monday, February 18, 2008

Happy Birthday to ME! XD


Maraming salamat sa lahat ng bumati!

Sa aking pamilya. Sa IV-Pythagoras, na bumati sa 'kin bago mag-Flag Ceremony. Sa mga nagtext. Sa mga bumati sa Friendster, Y!M, etc. At sa lahat-lahat ng hindi nakalimot. Ehehe!

Maraming salamat talaga! Napakasaya ko ngayong araw na 'to. :D

galing kay Mina


Music: The Click Five - Happy Birthday :)

3 x 3

Saturday, January 26, 2008


Music: The Red Jumpsuit Apparatus -
Face Down

Trip to UST

Monday, September 17, 2007

Pumunta kami ng UST nung Saturday para magpasa ng application form. Kasama ko sina Heide, Ralph, Lisette at Roanne. At yun, sa September 23 na agad ung test namin. Buti nalang, may kasama ko sa room, si Roanne. :D

Diretso kami ng Jollibee. At sa bus, lahat sila tulog. Kami lang ni Heide ang gising, at nag-iingay pa. Wahaha! >:)

Tapos Festival Mall. Nanood kami ng sine - I Know Who Killed Me. Wahaha! Sayang yung 120 pesos. Haha!

ITO ung iba pang pictures namin nung araw na un.


Music: Red Jumpsuit Apparatus - Face Down

Araw ng Sabado

Saturday, April 21, 2007

May review kami kanina (UPCAT). Perfect sa Trigo. Well. Tapos sa spelling... ayos lang :) Yabang! Haha :P Pagkatapos nun, diretso kami sa Festival ni Juzel. Init kasi eh, nagpalamig tapos kumain na rin. Sa KFC kami kumain; meron pa ngang kinainisan si Juzel eh, yung lalaki dun sa kabilang table... takaw raw kasi sa gravy. Sinosolo kasi yung thermos ng gravy. Haha! ^^

Pagkauwi, dalawang vehicular accident yung nasaksihan namin...
  1. Susana Heights kami dumaan. TRAFFIC! Ang tindi. Yun pala merong aksidenteng naganap. Bumaligtad yung kotse. "Uhh... Too bad naman kung ganun." Kawawang-kawawa yung mga tao na naaksidente eh. Bumaligtad na, halos masunog pa. Init-init kasi eh :(
  2. Di pa yun natapos dun. Meron pa ulit aksidente. Motor naman. Dun sa tapat ng JPA Subd. Tulog nga ko nung nalaglag ung tao sa motor eh. Di ko tuloy nakita. Si Juzel lang at yung iba pa sa jeep yung nakakita. Nakita ko nalang nasa baba na siya. Sabi ni Juzel, pumreno yung nasa harap niyang motor tapos nabunggo niya, yun nagbounce siya!
Grabe yun oh! Ang tindi! ^^

Currently Listening To: Michael Buble - Kissing A Fool

Ang Cute ng Ina Mo

Wednesday, April 11, 2007

Pinanood ko sa Robinson's Place Manila kasama si Juzel at yung kaklase niya. Haha! Napadpad kami dun kasi pinaayos ni Juzel yung kanyang cellphone.


ACNIM. Haha! Kakatuwa! Hindi naman dapat kami manonood nun eh. Nilibre lang kami nung kaklase ni Juzel :P Kaya ayun. Nakakatawa! Cute, cute, ang cute ng ina mo! ^_^ Ang galing nung sa badminton scene. Hehe. Kakaloko eh. Halos lahat ng scenes, nakakatawa. Haha! Basta yun na. Panoorin niyo nalang. Hahahaha!!!

Music: Rocksteddy - Superhero

PH

Sunday, January 7, 2007

Adik wala! Bumili si Tanya ng DVD ng PH kahapon. Galing kami sa Festival, eh dun sa dinadaanan ng mga jeep, merong mga tinitindang DVD. PH po ay Princess Hours. Haha!

Sabi ni Tanya habang nasa jeep na pag may nakita kaming DVD nun ay bababa siya ng jeep at bibili siya. Yun! May nakita si Dariel, laki kasi ng mata. Haha! Biro lang. Diretso baba si Tanya. Ang ingay nga NILA eh habang naghihintay sa kanya [hindi ako]. At ang nakakatuwa pa eh yung katabi ni Patricia eh nakikingiti. Abot-tenga yung ngiti. Hahaha! Hahaha! Tuwang-tuwa siya dun sa nangyayari. Nakikisali. ^_^

Ayun! Nakabili na si Tanya. Nakahabol pa sa jeep. P250 yung DVD ng PH. Hehe. Sa katunayan napanood na niya yung Princess Hours eh. Hiniram niya sa "kapitbahay" nila. Gusto lang niyang ulit-ulitin. Haha!


Music: Lillix - What I Like About You

Kahapon, stranded kami

Thursday, December 21, 2006

Stranded kami ni Jonnah kahapon dahil sa malaking sunog sa Tunasan. Dun sa may tabi ng Ultra Mega yung nasusunog. Hindi ko alam kung ano yung dahilan ng sunog :(

Nagpunta kasi halos lahat ng Fleming sa Festival kasi nga bukas Christmas party na. Bumili kami ng ipapang-exchange gift namin. Yihee! Saya-saya pa nga namin dun eh. 8 pm na kami nakaalis sa Festival. Nung pauwi na kami, hindi pinapadaan yung mga sasakyan sa may National Road. Yun pala ay may nasusunog na... di pa namin alam. Si Jonnah Riza lang yung kasabay ko kasi taga-Carolina siya. Hindi namin alam yung gagawin namin kaya pumunta kami sa bahay ni Patricia dahil sa JPA Subd. lang naman siya nakatira, malapit! Tumawag kami sa mga magulang namin. Sabi ni Mama, mag-isip nalang daw kami ng paraan kasi pag nagpasundo pa, hindi rin naman makakadaan :( Buti nalang naisip ko na may daan nga pala dun sa may bayan papunta sa Sto. Niño na lalabas sa may Shell. Hehe. Ako pa! Haha! Kaya lang nung una, wala kaming masakyan. Buti nalang may isang tricycle driver na napakabait at isinakay kami. Yihee! Pagdating sa tapat ng Shell, wala rin kaming masakyan kasi malapit-lapit na rin dun yung nasusunog, eh wala ngang pinapapasok dun. Kaya yun. Naglakad pa kami ng unti hanggang sa makasakay ng jeep. Nice one! Nice two! And so on... At nakasakay na nga kami. Yehey! Saya-saya ko nung mga oras na yun! Sobra!

Mga 10 pm na ako nakauwi ng bahay. Gamit agad ako ng computer at ginawa yung project sa Filipino, na sa kabutihang palad ay naipasa namin kanina. Buti nalang talaga! Hehe.

Music: Jason Mraz - Clockwatching

100

Wednesday, December 13, 2006

First time ko makaperfect ng quiz sa Advanced Algebra. 20 out of 20. Saya-saya! Yihee. Tungkol yun sa Matrices... yung adding, multiplying, etc. Tuwang-tuwa nga ako dun sa lesson na yun eh. Hehe! Kaya lang ang baba nung resulta nung sa 1st part nung summative test ko. Haha! Kanina nga pala tinest yung 2nd part nung test na yun. Tungkol yun sa matrices. Sana naman maitama ko yung mga yun. Hehe ^_^

Isa pang 100. Kaya lang ang babaw. 100 na yung testimonials ko sa Friendster Account ko. Hehe. Binigyan kasi ako ni Patricia eh. Thanks, Patty! Yun lang. Sige.

Music: Duncan Sheik - Half Life

Kainan Moments

Monday, December 11, 2006

Kanina, sumama ko sa Group 2 at 3 dahil nagplano sila para sa ipepresent nila sa English tungkol sa Hamlet. Umeepal lang. Bigla nalang sumama. Ayoko pa kasing umuwi ng mga oras na yun eh, kaya yun, sinamahan ko sila. At ang naisipan nilang pagplanuhan na lugar ay yung Greenwich/Jollibee sa Bayan, Muntinlupa.

Habang nag-uusap sila, nag-order si Michael/Donuel ng makakain nila. Nang bigla nalang merong Pizza Square! Di nga namin alam kung sino nagbayad nun eh. Si Donuel o kaya si Michael. Si Mike kasi umalis pagkaorder eh. Hehe! Basta kain lang sila ng kain. Yung group nila Julianne, medyo nahihiya pa. Eh dun ako nakitable kila Julianne, kaya nahihiya rin ako. Haha! Ayos eh no?! Libre. Salamat ng marami sa taong nanlibre nun!

Pero hindi pa natapos. Bibili kami nila Riza at Julianne ng Jolly Twirl Crunch. Nililibre kami ni Riza, eh di kami makatanggi. Syempre naman! Haha! Biro lang. Ayaw niya kasi magpabayad eh. Pati tuloy sila Abby at Klyn nalibre niya. Hehe.

Wala rin naman sila masyado nagawa. Puro kainan lang. Haha! Nakiextra lang ako, nailibre pa! Hehe. Thanks sa mga nanlibre sakin. :)

Eto pa: Pauwi na ko, nakasakay sa tricycle. Eh nilabas ko yung cellphone ko... tinitingnan nung driver! Naghahanda na talaga ko kung pano yung gagawin ko. Hehe. Buti nalang! Ang galing ko talaga! Haha!


Music: Rachael Yamagata - Letter Read

Pinasikat na Salawikain

Tuesday, July 25, 2006

» Better late than pregnant.
» Pag may tiyaga, goodluck!
» Aaanhin pa ang damo, kung bato na ang uso.
» Do Unto Others... Then Run!
» Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, lumaki sa ibang bansa.
» Ang taong nagigipit, sa Bumbay kumakapit.
» Ang taong naglalakad ng matulin, natatae!
» Pagkahaba-haba man ng prusisyon, mauubusan din ng kandila.
» Hindi baleng sabihan ng tamad, wag lang mapagod!

Haha! Tinext lang sakin 'to ni Krizia Aira. Palibhasa unlimited kasi siya eh. Wala kong magawa eh kaya pinost ko nalang dito.

Music: Audioslave - Be Yourself

Brigada Eskwela & Enrollment

Thursday, May 18, 2006

Nalaman ko ung section ko, at yun ay Feynmann, kaya lang medyo ayaw ko dun kasi boring, nasa 4th floor, at unti lang kaming Einstein dun, (8 lang). Sina Dariel, Mark, Olin, Jake, Jason (na lilipat ata ng Fermi), Abby A., Fides, at syempre AKO! At isa pang dahilan: maingay ung isang babae na nanggaling sa euclid, si Reza! Hehe! Just joking! XP

Naglinis kami ng aming bagong room (4th floor; new building; dating room ng Pascal), naglinis ng upuan, bintana at whiteboard, nagwalis, nagfloorwax, etc.

Nagpahinga ng sandali, kasama sina Dariel, Klyn at Christine. Hindi ko kaklase sina Klyn at Christine, Fleming sila. Kumain ako ng pillows at uminom ng c2.

Enrollment na! Kaya lang ang haba ng pila kaya umakyat ulit kami sa room ng Fleming. Buti pa sila second floor lang.

Nag-enroll na rin kami at nagbayad ung iba ng Deped Authorized Fee. Kaya lang ako hindi kasi kulang ung pera ko. Kaya si mama nalang ung magbabayad, maya-maya lang.

Hindi nagtagal, umuwi na kami. Kasabay ko si Stefanie, yung presidente namin sa Einstein kasi bukid rin siya. Hindi na nga lang kami magkaklase nun ngayon.

Pagkababa ko ng tricycle, saktong umulan ng malakas, at nung nasa United na ako. Grabe ang baha! Pati na rin sa may Holiday Homes Ph. 1 at Pagsanjan St. Natalsikan pa nga ako ng tubig-baha sa braso eh at unti sa mukha ko nung nasa tricycle ako pauwi samin. Too bad naman kung ganun! So dramatic! Buti nalang hindi nabaha samin. Hehe! Ayun lang!


Music: Jason Mraz - Sleep All Day

Bad Day

Sunday, May 14, 2006

Ito na naman ako. After 11 days, magpopost ulit.

Kahapon, grabe ang ulan! Hanggang ngayon! Walang kuryente sa aming subdivision kahapon. Ngayon, meron na!

Pumunta kami ng dentista kasama sila Mina at Mama, para sa braces ni Mina. Madali-dali lang kami dun, magpapagupit pa nga sana ako kaya lang sabi ni mina matatapos na siya.

Diretso kami ng Festival Mall. Kahit na may bagyo, pumunta pa rin kami upang gumala, mamili, etc. Kumain muna kami sa Wendy's tapos pumunta ng CR si Mama nang biglang nakita ko ung kaklase ko nung 2nd year, si Keisha Nakita ko rin ung kapatid niya, si Sieglinde at ung iba pa nilang kamag-anak. Hehe!

Bumili si mina ng shorts, tsinelas, damit, etc. Nakabili kami sa robinsons department store ng shorts ko.

Tapos nun, umuwi na kami, mga 7:30 pm, sakay ng fx. Ang lakas pa rin ng ulan! Nakita namin, brownout sa United Subdivision. Nagulat kami, kanina pa kasing umaga yun eh. Sa Holiday Homes ph. 1 naman, may kuryente na, pati na rin sa Banaue at Pagsanjan st. na kasama sa subd. namin. Nang pagkakita namin, walang kuryente sa aming street, Batulao. Ang dilim-dilim!

Nagkaroon lamang ng ilaw, mga 10:30 pm na. Tapos nanood na kami ng tv, Pinoy Big Brother Teen Edition ung palabas.

Nagkaroon pa ng hindi inaasahang pangyayari sa aming bahay -- pamilya, may nagkagulo! Di ko na un ipopost dito. Tinatamad na ako eh! Hahaha! Akala mo!

Sa pangkalahatan, hindi naging maganda ang araw ko ngayon. May nag-away, may bagyo, walang kuryente, walang tubig, etc. Ang nagpasaya lang, ung shorts at mall. =)


Music: Daniel Powter - Bad Day

Sana matawa ka

Thursday, April 27, 2006

Ito po yung mga funny texts na tinetext sakin ng mga tao kapag unlimited ung load nila.

From Krizia:
"Duling, bingi at bulag, nanood ng movie...
Duling: bakit dalawa ang screen?
Bingi: bad trip walang sounds!
Bulag: puro kayo reklamo! Kita nyong di pa nag-uumpisa!"

"Dan, from Bicol lives as TNT in Usa. Grocery siya; ask ng cashier: Visa or Master? Nerbyos Dan: Hanap Visa ko! Ride agad siya auto niya't harurot! But he needs to gas up. Sabi attendant: Pay first. Namutla Dan: Patay, PAPERS daw! Run siya phone booth to call home. AutoFone greeted him: AT&T, can I help you? Namutla Dan: Alam na TNT ako! Pawisang labas siya ng booth and asked ng next na Kano: Are you done? Bagsak si Dan sa gulat! Pati name ko alam nila?! Uwi na ako Pilipinas!"

From Cielo:
"Masakit magmahal pag iiwan ka lang...Masakit magmahal ng taong may mahal ng iba...Pero alam mo may mas masakit pa dun...
Pag naiwan ka sa outing lalo na kung nakabihis ka na!"

From Robert:
"Hanep talaga sa Jollibee! Pag pasok pa lang...Welcome to Jollibee, Sir! Pag labas mo naman...Thank You Sir, Come Again! Masarap na komportable pa!
Dun na lagi ako tatae!"

From Mina:
"May nagtanong sakin kung pwede ka daw bang kuning artista...under FPJ Productions, kasama mo sila...
Mico Sotto, Halina Perez, Rico Yan, Nida Blanca....
Ang title ay..."Ikaw nalang hinihintay"

From Abby D:
Nung pinanganak ako...meron akong sungay, maaalis lang yun pag meron akong mabuting kaibigan. Nang makilala kita, hanep ka pare! Binago mo image ko...
Nagkaroon pa ako ng buntot! You're the man!

Marami pang iba eh. Next time nalang. =)

Babein!

Wednesday, August 17, 2005

Nakakainis! Ako ung naging Babein sa classroom namin! Hehe! Wala lang, walang magawa! Babein kasi ung bunso. Yung activity kasi namen, ung TALA. Family members ng Einstein. Tatein, Nanein, Atein, Kein, at Babein. Si Ivan yung Tatein (tatay namin), si Fedis yung Nanein (nanay namin), si Stef yung panganay, Atein, si Kevin ung pangalawa, Kein at ako si Babein, yung bunso. Hehe! TALA! Bakit pa kasi ako ung napili?!! Nakakainis! Wala lang! Bida tuloy! =)