Showing posts with label up. Show all posts
Showing posts with label up. Show all posts

Strike Two

Tuesday, May 6, 2008

Hehe. Kanina nirelease yung results ng mga nagparecon sa UPLB na kailangan pa ng interview. Statistics and Applied Math ang mga napili ko. Sa kasamaang palad, hindi ako natanggap sa Stat. May 23 pa malalaman yung Applied Math. Haha! But its okay. Hindi na rin ako masyado umaasa sa Applied Math. USTe na talaga ko. Pero gusto ko rin naman sa UP. Kasi ika nga ni Porks:
Maguplb ka nalang pagnarecon ka. Malaki matitipid ng pamilya mo. Haha!
Pero ang mas masaklap, bago ang kaganapang yun ay nawalan/nadukutan ako ng phone sa bus patungong UPLB. Another JBX (Jonathan Barcena Experience). Wala pang isang taon, o kalahating taon, nawalan ulit ako ng phone. Nakawala ako ng phone nung 11-22-07. Ngayon ay 05-06-08. Wala lang. Haha! Strike Two.

Nakakatuwa talaga ang JBX na yun. Maraming sumuportang mga kaibigan at kaklase. Tinext kasi ni Julianne silang lahat na tawagan yung phone ko. Maraming salamat sa mga sumuporta. Malaki na ang naitulong niyong yun. At syempre, salamat sa mga kasama ko. Sila ang umagapay sa 'kin habang hinahanap ang phone ko. Nagkaroon pa ng kapkapan sa bus. Natawa nalang ako. Hindi gaya nung first time kong makawala, medyo nalungkot at naluha-luha pa. Haha! Wala pang experience eh. Ngayon, nginitian ko nalang kaysa naman malungkot. Nakamove on na ko. Kaya lang yung pamilya ko, hindi pa. Hindi nila masyadong pinansin yung unang pagkawala nung phone ko eh. Unang beses pa lang kasi. Ngayon naman, sila yung nagdadalamhati. 'Di makarecover/makamove on. Lol :))

Kaya lang nanghihinayang rin naman ako, kasi nakaunli yun. Joke! Wala na kong magagamit ngayon sa pagtetext gabi-gabi - sa pagpupuyat. Mamimiss ko lahat ng mga katext ko gabi-gabi. Haha! Nakakalungkot naman. Salamat sa lahat ng nakiramay, lalo na kina Locs at Roanne. Sila ang mga naging susi para malaman ng pamilya ko na nawala yung phone. Hindi na ako nahirapan pang sabihin. Haha!


Music: Jason Mraz - Clockwatching

Nagpaparamdam lang

Monday, April 14, 2008

Nanood ako ng Juno, Enchanted at The Eye kahapon kasama si Mina. Wala na kasi akong magawa sa bahay kaya nanood nalang ako. Enjoy naman kahit papano. Haha! Gusto ko pa manood. Nakakatamad na kasi dito sa bahay eh.

Hindi ko pa alam kung saan ako mag-aaral. Haha! Sa April 23 na enrollment sa UST. Accountancy yung course. Pareho kami ni Karla. Kaya lang nagparecon ako sa UP. Applied Math at Statistics yung courses. Eh sa May 6 at 23 pa yun. Waaah... di ko alam. Awww...

Music: Fall Out Boy - Beat It

UPCAT

Sunday, January 13, 2008

BAGSAK! WAHAHA! >:)

Third Year

Saturday, June 17, 2006

For me, Third Year is really challenging. We may encounter difficult things in this entire year. Unlike in the first and second year, Third year is really difficult and we must study harder.

Imagine... For just only few weeks, the lessons and topics discussed are already abstruse and addition to that are the assignments that are not easy to be answered especially in Math subjects. Hehe!

But I think that this year will be more exciting. Many things will happen that didn't happen for our past years here at MunSci. In this year, we must really study hard because the grades that we will get in Third Year will be the basis for the entrance exam in the University of The Philippines. which is one of the universities I want to study on.

Graduation

Saturday, April 22, 2006

Graduation nga pala ni Mina kahapon, April 21. Syempre sumama ko, batong-bato na ko dito sa bahay eh. Ang aga ko gumising, mga 4:45 am. Kasi yung graduation niya sa College pf Pharmacy ay 8 am. Ang aga namin dumating sa Manila, mga 6:30. 30 minutes lang biyahe mula sa 'min dito sa San Pedro, Laguna. Hindi kasi trapik eh. Kumain muna kami nila Mama at Papa sa Goto-Me, malapit sa dating dorm ni Mina. Tapos bumili kami ng film, sa kodak. Naglakad na kami papuntang University of the Philippines Manila, school ni Mina, kasama ung pamilya ng isa pa ring graduate. Malapit lang pala ung school nila galing sa dorm niya dati eh. Hehe! Diretso kami sa Auditorium nila. Naabutan namin ung Baccalaureate Mass. Medyo malamig dun. Then start na ng graduation. Ako ung taga-kuha sa kanila ng picture. Picture dito, picture doon. Pagkatapos nung college graduation, diretso kaming Robinsons. Hindi namin kasama sila Mama at Papa. Sunod nalang sila sa 'min, kasi babalikan nila ung sasakyan namin na pinark sa tapat ng dorm ni Mina para dalhin dun sa Rob at tsaka para diretso na kami sa university graduation sa PICC. Kumain kami ni Mina sa foodcourt - Inihaw Express. Pork barbecue with rice. Tapos nandyan na sila Mama. Naligaw daw sila. Wawa naman. Joke! Umorder rin sila, sa Kamay-kainan. Kumain rin kami ni Mina nung inorder nila. Dami kasi nun eh! Hehe!

Diretso na kaming PICC, kung saan gaganapin yung university graduation. Hindi kami nakapagpicture-picture kasi bawal eh. So sad! Nanood lang kami ng napakahabang program. Hehe! 2 pm nag-start. Nakatulog nga ako nung pinapakilala na yung bawat colleges at tsaka ung mga namumuno sa school nila. Nakakaantok kasi eh. Zzzz. Hayy... Hindi lang pala commencement exercises ung ginanap, kundi pati na rin ung investiture nung 7th chancellor nung university nila. Btw, 927 lahat ng grumaduate. Pinakarami sa College of Arts and Sciences, kaya ang tagal nung bigayan ng pekeng diplomas. Haha! Tapos nun, umuwi na kami, pero bumili muna kami sa Andok's Litson sa Makati ng ulam namin. Gutom na gutom na kami eh. 8 na kami nakauwi sa bahay. Kumain muna tapos nanood ng telebisyon, tapos nag-internet. Pagod na pagod ako kahapon. Sunud-sunod kasi ung graduation eh. Pero okay lang kaysa nandito lang ako sa bahay! Congrats Mina! =)

Music: Switchfoot - Stars