Showing posts with label school. Show all posts
Showing posts with label school. Show all posts

Interview with the Guidance Counselor

Thursday, September 11, 2008

Ininterview kami ng Guidance Counselor nung Tuesday. Wala lang, para makilala lang kami. Hehe! First ten lang ng klase yung ininterview. Anim lang kaming unang pumunta. Si Badulis yung una. Tapos ako na, kasi di pumunta si Barcelona.
Anong nickname mo?
Nagdodorm ka pala, sinong mga kasama mo?
Hindi ka naman ba nahohomesick?
Sa family, meron bang conflicts?
Kumusta naman ang academics?
Meron ka na bang friends?
First choice mo pala Mechanical Engineering. Anong nangyari?
Anong balak mo pagkagraduate ng Accountancy?
May balak ka palang magshift. Anong course?
Joke lang yung shifting. Maybe kasi nilagay ko dun sa information shit. Kaya nasabi ni Ms. Guidance Counselor yun. Hehe! Nakalimutan ko na yung ibang tanong. Ayan lang mga tumatak sa isipan ko. LOL.

Music: Lifehouse - First Time

from Locs

Sunday, July 6, 2008

Tungkol sa School. Wahehe!

PRE-SCHOOL:
1. Ano ang sinasabi mo noong bata ka pa na gusto mong maging paglaki mo?
- doktor. naulul lang.
2. Ano ang isang bagay na na-enjoy mong gawin noon?
- maglaro.
3. Bakit?
- bata pa ko nun eh.
4. Anong age ka ba pumasok?
- 3 o 4 ata.
5. Sinong teacher mo noon?
- wala na kong maalala. hehe!
6. Anong pangyayari ang hindi mo makalimutan?
- yung natamaan ako sa mata nung hinagis na bagay nung kaklase ko. ayun! bulag! :))
7. Kilala mo pa mga teachers mo?
- hindi na.
8. Iyakin ka ba noon?
- siguro.
9. Hinahatid kba pg papuntang school?
- hindi ko na alam eh.

GRADE SCHOOL:
10. Gagu ba principal nyo?
- di nga eh.
11. Anong paborito mong laro?
- moro-moro.
12. May club ka bang sinalihan?
- wala eh.
13. maingay ka ba nuon?
- hindi naman. hindi talaga.
14. May kinakatakutan ka bang teacher?
- meron din naman kahit papano.
15. Bakit?
- wala lang. siguro sa itsura? wahaha!
16. Pano ka pumupunta sa school?
- service.
17. Marunong ka na bang mag-commute ng panahong ito?
- hindi pa.
18. Paano ka mag-aral?
- yung aral ng normal na bata.
19. Mahilig ka bang kumain ng tusok-tusok?
- medyo.
20. Responsable ka bang estudyante?
- ayos lang. haha!

HIGH SCHOOL:
21. Saan ka nag-high school?
- MunSci
22. Anu mga section mo?
- avogadro, einstein, fleming, pythagoras
23. May-CAT ba kayo noon?
- meron.
24. Kumakain ka ba habang nasa klase?
- minsan. pag nasa mood.
25. Tamad ka bang pumasok?
- minsan.
26. Sinong principal nyo?
- Madeleine Ann Diaz.
27. Kilala ka ba nya? Ano tawag nya sa'yo?
- hindi eh.
28. May naging kaso ka ba nun?
- wala naman.
29. sinu-sino mga kasama mu ng hs?
- madami eh.
30. sinong siga noon?
- ewan.
31. san kau madalas nag fie2ld trip??
- isang beses lang nagfield trip. sa batangas lang.
32. ano mas gsto mo: math or science?
- math.
33. san ka madalas pumpunta after class?
- kung san-san. nung nagbukas ang SM Tunasan, dun na. Haha!
34. nag cutting class k na ba??
- hindi ata. gud.
35. pnka fave mo na section at bkit?
- einstein, fleming at pythagoras. haha! lahat na. masaya kasi e.


Music: John Farnham - You're The Voice

Kolehiyo

Wednesday, May 28, 2008

Dalawang linggo na lang pala, kolehiyo na ako. Kabilis ng panahon. Tila kailan lang. Hindi pa ako ginaganahan tumungtong ng kolehiyo. Ayoko pang mag-kolehiyo. Gusto kong bumalik ng hayskul. Sino bang may ayaw?

Accountancy ang aking napiling kurso. Hindi ko alam kung bakit. Marahil ay dahil na rin sa impluwensya ng aking tatay na noon ay naging estudyante rin ng Accountancy. Maaari rin namang dahil sa wala lang talaga akong matinding ninanais sa buhay kaya kahit ano na lamang kurso ang mapili. Hindi gaya ng ibang mga kabataan ngayon na sangkatutak ang mga pangarap sa buhay.

Dahil dito, mahihinuha na sadyang ayaw ko pa talagang mag-kolehiyo. Pero ganun talaga ang buhay at ang oras.

Ang drama.

Ayun lang. Nagpapapansin lang.

Musika: Fall Out Boy - Thnks fr th Mmrs

Ustê

Wednesday, April 23, 2008

Enrollment ko kanina sa UST. Accountancy is the course! Whew! Nagpunta muna ko sa Accountancy building para kumuha ng pre-enrollment form. Nakapost yung sections tsaka mga PE.

Mid-session ako - 11 am to 3 pm. Section: I-A9. 8 subjects, 4 subjects per day.

Diretso sa Seminary Gymnasium para sa enrollment at pipili ng PE. Badminton ang aking napili. Haha! Iba pang pagpipilian: Swimming, Softball, Sepak Takraw, Fitness, Folk Dance, Arnis, Track and Field, Volleyball, at Korfball, na hindi ko alam kung ano. Hehe.

Assessment of Fees, Payment of Fees, at dumiretso na sa Main Building para sa ID picture-taking at uniforms (daily at P.E.)

Pahabol, hindi ako mag-aROTC.

7-9 am ng Wednesday P.E. ko, kung gusto mong dumalaw. XD

Music: Restless Heart - When She Cries

Paalala

Sunday, March 9, 2008

March 17-18: Retreat

March 28: Graduation/Ball

Can I have some of your cookies? Can I have some of your pie?


Music: Timbaland feat. Keri Hilson and Nicole Scherzinger - Scream

After some time...

Saturday, March 1, 2008

nakabuo na rin ako ng Rubik's Cube. Nahawa na ko sa mga tao sa school. Adeek eh! Ehehe! At yun! Maraming salamat sa lahat ng tumulong... Juzel, Lisette, Arjay, Roanne, Khim at kung sinu-sino pa! Hindi pa ko ganun kabilis, pero kaya na! Haha! Tuwang-tuwa eh. XD

Ok. That's all. And yeah, tungkol sa retreat. Required ang lahat na sumama. Pytha kasi eh! Haha!

Isa pa, naibigay na samin ung report cards. At yun... nag-improve! wahaha!

Lastly, periodical tests na this week. Aww...

Yun lang. Gagawa na ko ng projects. Research, Filipino, Economics, etc.

Music : Alvin and the Chipmunks - Bad Day

USTET Result

Saturday, January 26, 2008



Music: Boys Like Girls - Hero/Heroine

600 Php

Thursday, January 3, 2008


Music: Fall Out Boy - The Take Over, The Break's Over

In two days...

Saturday, November 3, 2007

PASUKAN NA! Awww.

Medyo ayoko pang pumasok. Biglang nagbago isip eh. Haha! Di ko pa kasi tapos yung book report ko sa English. Nalilito pa ko kung anong approach gagamitin ko. Sa mga nakapagbasa na ng The Old Man and the Sea, tulong naman. Hehe :D

Pasahan na nung Lab Manual sa Physics. Punta pa kaming school bukas ni Keisha para kunin yung libro na yun. Pumunta ko nung Wednesday eh, wala namang susi. Wala rin kaming napala ni Roanne. Aw. Sana bukas may mapala kami ni Keisha. Hahaha! Sasama sana ko sa Taytay kila Mama bukas eh. May namatay kasi kaming kamag-anak na taga-roon. Kaya lang marami talagang gawain na dapat tapusin. Hayy...

Nga pala, masaya naman yung pagpunta ko sa Batangas nitong November 1 at 2. Haha! Wala na talaga kong ibang ginawa kundi kumain lang ng kumain. Wahaha! Takaw talaga eh. Dami kong nakain. Lalo na yung spaghetti. TAKAW!

Currently Listening To: Dashboard Confessional - As Lovers Go

Sembreak

Saturday, October 27, 2007

Ano ba yang sembreak na yan? Kahaba-haba pa, dami namang kailangang gawin. Nakakatamad. Buti nalang di na ko kasali sa SIP na yan. English nalang dapat kong gawin. Hindi ko pa tapos basahin yung novel na naassign sakin, pero sinisimulan ko na gawin yung reaction paper. Mythological-Archetypal Approach gagamitin ko.

Wala na kong ibang ginagawa dito sa bahay kundi mag-internet, mag-02jam, kumain ng kumain ng kumain, magbasa ng novel, manood ng tv... Hayy! :| Dapat may Adopt-A-Non-reader Program nalang ngayon eh, para naman maging produktibo sembreak ko. Haha!

Buti nalang pala, umatend ako nung First Aid/ CPR Training. Haha! Naku kung hindi, wala akong mapapala dito sa bahay. Hehe. Masaya naman yung training eh. VICTIM! :P

Music: Nickelback - Rockstar

There are times...

Saturday, September 8, 2007

na nagiging bida talaga ang isang tae tao! Gaya ko! Hahaha! Kagulat-gulat. Kasi nasa top ten ako - top five pa! Bihira lang un mangyari sa buhay ng may buhay. Haha :))

Physics at Elective Math ang lowest ko, 82. MAPEH naman highest, 90. Haha! Biruin mo nga naman un o. Nakasama pa sa top ten :P

May usapan kami ni Mina eh. Pag nakapasok ako sa top ten ngayong first quarter, ibibili niya ko ng bagong cellphone. Kahit N3310 lang. Nyahaha! Kurne ko, uwi na! :@)

Currently Listening To: XXX

OCD

Sunday, August 12, 2007

Rearranging matters rigidly may be a sign of OCD

Wala! Ginagawa ko lang to kahapon sa Nat'l Bookstore. Haha!

Project namin sa Health... manonood nitong limang movies na to:
  • Aviator
  • Rain Man
  • Hide and Seek
  • A Beatiful Mind
  • Primal Fear
Tapos identify the different types of mental problems or personality disorder featured in the movies. Ayun! Na-assign samin ni Heide ung The Aviator. Eh di ko pinanood un, sinearch ko nalang. At yun! Obsessive-Compulsive Disorder >:)

Music: Hinder - Lips of an Angel

Pytha! Igiling mo!

Wednesday, August 8, 2007

Walang pasok bukas! Pero gusto kong pumasok kahit na may test. Kakatamad naman kasi dito eh. Hehe.

Magpopost dapat ako kagabi eh. Eh sira tong computer. Kaya ngayon nalang. :D Tungkol lang naman to dun sa resulta nung Jingle Rap namin last week. Haha! Pang-10 kami over-all. Tie pa kami ng Pauli. Haha! Kawawa eh.

Pytha, igiling mo. Please, please igiling...
Pytha, igiling mo. Please, please igiling...
Pytha, igiling mo. Please, please igiling...
Pytha, igiling mo. Please, please igiling mo!
Ayayay!

Wag yan!
Masama yan sa katawan
Wag yan!
Bisyo ay tantanan
Kung ayaw mong masaktan...

Pytha, igiling mo. Please, please igiling...
Pytha, igiling mo. Please, please igiling...
Pytha, igiling mo. Please, please igiling mo!

Mag-exercise sa umaga
At mag-aral tayo sa eskwela
Ang merienda ay papaya
Kahit dilaw ito, ito ay masustansya rin pala
Handa kong bumibili
Kahit na, away away away na to!

Pythagoras Pythagoras! Ang sexy-sexy nila!
Pythagoras Pythagoras! Ang healthy-healthy nila!

Healthy po ako
----[di ko alam]-----
Healthy po ako
Hindi ako fat
At di rin naman babaeng patpat
Healthy po ako
Pag nakatalikod parang Katrina Halili
Pag humarap ay taga-Pytha na sexy
Healthy po ako
Yes yes yes!
Healthy po ako

Di ako lampa, lalamapa-lampa
Di lumba-lumba, lulumba-lumba
Hindi nililinlang ang iyong paningin
Healthy po ako
Sexy and slim
Di ako lampa, lalamapa-lampa
Di lumba-lumba, lulumba-lumba
Healthy po ako
Wish ko lang sana
Ay maging healthy ka na rin...

Together, together, together everyone
Let's eat na, let's eat na
Let's eat na ng pakwan
Bananas and mangoes
Pati na ng durian
Pampalusog, pampalakas ng ating katawan

Come on let's eat together
Pagkain ng veggies pati fruits, we must eat it
Come on let's eat together
Para tayong lahat ay maging healthy at sexy...

Kami ang healthy
Kami ang wealthy
Kami ang batang magniningning sa kalawakan
Kami ang batang bibo
Kami ang laging bida
Kami ang IV-Pytha
Kami ang pinakahealthy

Hey hey you you!
I don't like your lifestyle
No way no way
Di ka lulusog niyan
Hey hey you you
Kumain ka ng tama
Healthy ang Lifestyle...

At yun...
Tinatamad na ko. Basta dahil dyan at sa paglalandian namin, naka-10th place pa kami :D

Naasar ako sa hirap ng pinapagawa

Wednesday, June 20, 2007

Akala ko pa naman di na kami kasali sa mga bagay na yun. Kakainis talaga. Hirap ng pinapagawa sa isang subject. Biruin mo, sandaling panahon lang dapat eh may gawa ka na! Arghh...

Hindi naman ganun kabigat yung subject na yun. Pero bakit naman kaya ganun?!


Sige na. Masyado nang dramatic. Ititigil ko na. HAHAHA!!! :(

Currently Listening To: Timbaland ft. Justin Timberlake and Nelly Furtado - Give It To Me

Second Week of School

Friday, June 15, 2007

Wahaha! Every week eh.

Sa wakas, sa isang linggong paghahanap sa libro ko sa Physics, nakita ko na rin kanina! Nasa chem lab lang pala. Nung friday naiwan ko dun. Hahaha!

Daming assignments. Halos mabaliw na lahat ng kaklase ko. Ako, unti lang naman. Hehe. Mukhang mas mahirap pa ata tong year na to kaysa nung third year eh. Diba?

CAT. Ayos lang naman. Masaya :D Kahit na medyo mahirap. Sa-wa-lo-ba! Ayun lang ang ayoko. Pero yung iba, ayos na! Hehe.

Bukas, kila Keisha kami. Values naman! Wala!

Ep. Five na ko palang ako sa Lost. Haha! Wala lang. :D
Currently Listening To: Kapamilya, Deal or No Deal?

First Week of School

Friday, June 8, 2007

IV-Pythagoras: Ayos. Masaya rin naman dito kahit papano.

Monday: Asar na asar sa sistemang nakakaloko.

Tuesday: Mas maayos kaysa kahapon.

Wednesday: Simula ng normal na discussion. Election ng class officers. At ito yung resulta:

President: Cuartero, Stefanie*
V-President: Jimenez, Jason
Secretary: Paraiso, Aleli
Treasurer: Carpio, Jowell
Auditor: Espiritu, Jonnah*
Business Manager: Naguit, Heide
Sgt. At Arms (B): Ty, Ralph
Sgt. At Arms (G): Anacleto, Khim
PRO (Filipino): Beltran, Alexsa*
PRO (English): Mendoza, Donuel*
Muse: Solivio, Kim*

Daming Fleming* na officers. Haha!

Thursday: Araw ng CAT. Kakapagod. Pero nakakatuwa. Hahaha! Dumadami yung assignments. Sa Calculus, araw-araw may assignment. Wala! Pero ayos lang. :P Kaya lang next week, quiz na agad.

Friday: Naiwan ko yung libro ko sa Physics sa Gazeebo. Patay! Sana makuha ni Patty yun. Sana. Sana... Kaya lang nagtext na. Hindi raw. Wahh!!! Puntahan ko nalang bukas. Tapos diretsong mall para bumili ng gamit. Haha!

Currently Listening To: Maroon 5 - Better That We Break

Defense

Sunday, March 25, 2007

Kahapon nga pala yung defense namin sa AP tungkol sa mga issue na napili namin; 8:00 AM - 5:00 PM. Buti pa yung Feynmann, hindi ganun katagal, kasi sila yung unang nagpresent eh. Samantalang kami, wahhh!!! Tagal! Pero ayos lang. Naging maayos naman yung defense namin ni Klyn tungkol sa issue namin. Yihee!

Tatlo yung judges. Pero isa lang yung nagtanong samin, si Sir Umali lang. Si Klyn pa yung sumagot. Ibig sabihin naintindihan nila. Yehey! Haha! ^-^

Ok yun lang. Yung test nalang ng D.O. yung problema, defense sa Research(?). Ewan ko lang kung meron ngang defense sa Research. Hehe.

Romeo and Juliet namin nung Friday. Wala lang. Sinabi ko lang. Haha! Ayoko magkwento eh. lol.

Music: Black Eyed Peas - Bebot

Cultural Presentation

Saturday, March 3, 2007

Kanina yung Cultural Presentation "Handog" kung saan nagsayaw kami ng La Jota Moncadeña. Iba-iba yung sayaw ng Fleming. Merong La Jota Moncadeña, Polkabal, Bendian at Maglalatik. Dami!

Pumasok ako kanina ng mga mag-eeight na. Dala-dala ko na yung barong, slacks, belt, at sapatos. Kaninang umaga lang ako nagpalit ng bag. Eh nakalimutan kong ilagay yung castanets ko dun sa dala kong bag. Argh! Malas! Naalala ko nalang mga 12 nn na. Hehe!
Tinext ko si Mama na dalhin yung castanets sa school. Kaya lang, nanonood pala sila ng sine, You Got Me. Kakasimula palang nung 12:30. Pinayagan ko sila na manood na basta dala nila yung castanets ko. Haha! Hindi ko kasi sila inimbitahan na manood eh. Hehe! Ayun! Nagsisimula na nung dumating sila. Yihee!

Pampito kami na magprepresent. Medyo kinakabahan ako dahil dun sa palda ni Kim. Ang haba eh. Baka matapakan ko. AT YUN NGA, NATAPAKAN KO NGA! Kakagulat nga eh. Ang daming pumalakpak pagkasayaw namin. Hahaha! Tapos sabi naman ng ate at mama ko na maganda nga daw. Yihee! Dahil siguro yun dun sa Dramatic Scene! ^___^ Dun naman sa iba, ayos lang. Ganda rin!

At yun, sinisi nila ko dahil daw nanonood sila ng sine eh tinetext ko :). At pagkatapos nun, umuwi na kami ng di tinatapos yung programa nang biglang umulan. Kumanta kasi ng Dumbele yung MSHS Chorale eh. Haha! Oh yun lang! Geh.

Ay! bago ko makalimutan, Happy Birthday nga pala ulit kay Alexsa Beltran! Yihee!

Music: Greenday - Wake Me Up When September Ends

Mga Gawain sa March

Thursday, March 1, 2007

March 3: Cultural Presentation. Magsasayaw kami ng La Jota Moncadenia. 65% yun ng grade namin sa MAPEH. Bigatin!

March 8-9: Division Achievement Test.

March 10: Romeo and Juliet. Act V ang naassign sa III-Fleming. Ako yung gaganap na Balthazar. Naks naman! Haha!

March 15-16: Fourth Quarterly Test. Ang bilis! Parang kailan lang. *_*

At ang balita, hanggang April na naman yata ang aming pagpasok sa eskwelahan. Hayy...

Currently Listening To: Duncan Sheik - Half Life

Card Viewing

Friday, February 9, 2007

Haha! Ngayon pala talaga yung card viewing, kanina! Edi yun. Nakita ko mga grade ko. Hayy... bumaba ako sa Physics, AP, Research at MAPEH. :( Pero kahit na ganun, marami pa rin namang tumaas. Lalo na sa Algebra at Trigo.

Kahit papaano, tumaas ng 1.5 yung average ko. ^____^

Currently Listening To: Justin Timberlake - Sexy Back