Showing posts with label test. Show all posts
Showing posts with label test. Show all posts

Lapit na sembreak

Wednesday, October 8, 2008

Pero bago yun, dapat munang mag-aral sa finals. Haha. Tapos na yung finals sa Filipino, English, at Phil. History. Walang pasok ngayon, walang exam. Bukas Theology at Biology ang exams.

Monday ng gabi, matindi ang pag-aaral ko sa Phil. History para makakuha ng 75 sa exam. Ayun lang talaga ang problema ko, malay ko ba. Dapat kasi inayos ko nalang yung Prelims eh, biruin mo lowest pala ko sa prelims exam. Hahaha! Sana talaga pumasa ko. Lahat na ginawa ko, pero may sigurado na kong 9 items na mali. 2 points each yun, bale dapat 12 items lang ang mali ko. Pambihira, sana lang pumasa. Ayokong magsummer para sa PHISTPG. Haha! Wala ngang problema sa Philo at Algeb, HISTORY naman! HAHAHAY! Parang ewan lang eh. Wahehe! Thanks Nuneg, sa prayer before taking finals. Yihee!

Mag-aaral na ulit ako. ^^


Music: Blue - Move On

UPCAT

Sunday, January 13, 2008

BAGSAK! WAHAHA! >:)

600 Php

Thursday, January 3, 2008


Music: Fall Out Boy - The Take Over, The Break's Over

Defense

Sunday, March 25, 2007

Kahapon nga pala yung defense namin sa AP tungkol sa mga issue na napili namin; 8:00 AM - 5:00 PM. Buti pa yung Feynmann, hindi ganun katagal, kasi sila yung unang nagpresent eh. Samantalang kami, wahhh!!! Tagal! Pero ayos lang. Naging maayos naman yung defense namin ni Klyn tungkol sa issue namin. Yihee!

Tatlo yung judges. Pero isa lang yung nagtanong samin, si Sir Umali lang. Si Klyn pa yung sumagot. Ibig sabihin naintindihan nila. Yehey! Haha! ^-^

Ok yun lang. Yung test nalang ng D.O. yung problema, defense sa Research(?). Ewan ko lang kung meron ngang defense sa Research. Hehe.

Romeo and Juliet namin nung Friday. Wala lang. Sinabi ko lang. Haha! Ayoko magkwento eh. lol.

Music: Black Eyed Peas - Bebot

EK bago magtest

Friday, March 16, 2007

Pupunta kami ng Enchanted Kingdom sa Sunday dahil Family Day ng Interphil Lab. Sa monday, tuesday at wednesday na yung periodical tests. Kaya lang bago yun, magsasaya muna ko. Haha! :)

Pagkatapos ng isang dekada at mahigit, makakapunta na ulit ako sa EK. 1995/1996 pa ata yung huli kong punta dun eh. Basta yung unang bukas ng Ek. Haha! Wawa naman pala ko. ^_^

Okay. Yun lang. Mag-aaral nalang ako bukas ng maigi. Puro electives yung itetest sa monday. Trigonometry, Physics, Research at Culinary Arts/TLE. Yihee!

Music: Justin Timberlake - What Goes Around, Comes Around

Fourth Quarterly Test

Sunday, March 11, 2007

Periodical Test na nga pala namin sa March 14-16. Kabilis talaga! Walang pasok sa Tuesday dahil mayroong NAT yung ibang year level. Dahil dun, may practice kami bukas ng Romeo and Juliet pagkatapos ng klase. Hindi natuloy yung Romeo and Juliet nung Sabado dahil mayroong interview sa mga papasok na first year. ^_^

Balik ako sa test. Ang bilis talaga! Tapos bukas mayroon pang summative test sa Advance Algebra. Hayy. Basta... mag-aaral nalang ako. Nung second year kasi, ang laki ng binaba ko ng fourth quarter dahil siguro huli na yun at kakatamad na. Hehe. Goodluck nalang sa kin.

Advance Happy Birthday kay Jonnah Espiritu. Bukas yung Birthday :)

Music: Panic! At The Disco - Lying Is The Most Fun A Girl Can Have Without Taking Her Clothes Off

Mga Gawain sa March

Thursday, March 1, 2007

March 3: Cultural Presentation. Magsasayaw kami ng La Jota Moncadenia. 65% yun ng grade namin sa MAPEH. Bigatin!

March 8-9: Division Achievement Test.

March 10: Romeo and Juliet. Act V ang naassign sa III-Fleming. Ako yung gaganap na Balthazar. Naks naman! Haha!

March 15-16: Fourth Quarterly Test. Ang bilis! Parang kailan lang. *_*

At ang balita, hanggang April na naman yata ang aming pagpasok sa eskwelahan. Hayy...

Currently Listening To: Duncan Sheik - Half Life

100th post

Saturday, January 13, 2007

Saturday na naman! Periodical Test na sa Tuesday, susundan sa Thursday at Friday. Wala kasi kaming pasok sa Wednesday eh. Di ko alam kung bakit, tungkol ata sa mga Fourth Year yun. Test na naman. Naku! Sana maipasa ko na yun lahat. Hehe.

Ge, yun lang. Aral pa ko eh. Haha! Totoo ba yun?!

Music: Sponge Cola - Sa Bingit ng Isang Paalam

First Time

Wednesday, January 3, 2007

Maniniwala ka ba? Nakapagbasa ako ng mahigit 10 pages sa book ng world history. Yung Perry... Haha! First time ko ata ginawa to. Ano kaya nakain ko. Tapos ang bago pa dun... sa kwarto ko ako nagbasa at hindi sa sala, etc. Dun pa sa study table. Akting na akting. Haha! Pero totoo yun. Tungkol sa French Revolution at kay Napoleon yung binasa ko. Pinapabasa kasi sa 'min eh, may short quiz daw. Haha!

Ayos yung nabasa ko. Ngayon lang ako nabighani sa world history. O dahil ngayon lang kasi ako nagbasa. Haha! Dati kasi pinabasa kami ng mahigit 35 pages tungkol ata yun sa Imperialism in South Asia at East Asia. Kaunti lang yung nabasa ko. Unting-unti lang :( Tapos nagkaquiz, LONG QUIZ, wala ako halos maisagot. IMBENTO nalang. Kaya ito, nagbasa ako. Bagong taon na... kaya bagong buhay na rin! Hehe.

Sige. Goodluck nalang sa 'kin sa short quiz sa Social Studies na nararamdaman kong long. Haha! Pati na rin sa Research at Advanced Algebra na may quiz din. Yihee! ^_^

Music: Rent - Take Me Out Tonight

100

Wednesday, December 13, 2006

First time ko makaperfect ng quiz sa Advanced Algebra. 20 out of 20. Saya-saya! Yihee. Tungkol yun sa Matrices... yung adding, multiplying, etc. Tuwang-tuwa nga ako dun sa lesson na yun eh. Hehe! Kaya lang ang baba nung resulta nung sa 1st part nung summative test ko. Haha! Kanina nga pala tinest yung 2nd part nung test na yun. Tungkol yun sa matrices. Sana naman maitama ko yung mga yun. Hehe ^_^

Isa pang 100. Kaya lang ang babaw. 100 na yung testimonials ko sa Friendster Account ko. Hehe. Binigyan kasi ako ni Patricia eh. Thanks, Patty! Yun lang. Sige.

Music: Duncan Sheik - Half Life

Imbento!

Friday, December 8, 2006

Kanina sa Trigonometry, may summative test kami. Nakakainis! Bakit? Kasi naman eh. Nakalimutan ko yung COSINE LAW, yung formula! Eto kasi yung totoo:

a² = b² + c² - 2bc CosA

Nagkamali ako. Wala akong 2 dun sa bc... dapat 2bc. Argh! Nag-imbento na naman ako. Grabe! Mali na ako sa ilan sa mga items sa test ii at sa problem solving! Dapat pala SINE LAW nalang yung ginamit ko. Walah!

Maiba ko... bago na naman yung friendster, yung mga profile! Papansin eh. Hehe! Pero ayos lang. Bahala sila dun. Imbento nila eh. IMBENTO! Haha!

Music: Parokya ni Edgar - Alumni Homecoming

One week, atbp.

Friday, October 20, 2006

Hayy... last day na ng klase kanina. Sembreak na! Kaya lang one week rin akong tutunganga sa bahay! Matagal-tagal rin yun! Hahaha! Biro lang. Marami rin naman akong gagawin, kain, tulog, nood ng tv, computer, at marami pang iba. Magbabasa rin ng 12 little things?! Siguro. Hehe!

Tumaas yung resulta ng tests ko sa halos lahat ng subjects, maliban lang sa Trigonometry at Algebra. Hayy... Math nga naman! Line of 2 ako sa parehas na yun eh... out of 50! 27 sa Trigo. Wag na yung algebra... masyadong mababa! Wawa naman ako... :-(

Ano pa ba?! Ayun! Napakaraming projects na pinasa kanina. Yung sa values namin, sinimulan lang kaninang umaga at natapos rin ng hapon. Haha! Maayos-ayos rin naman kahit papano.

Yun lang po. Sige. Babye! ^_^

Tests

Tuesday, October 17, 2006

Nagsimula na yung periodical test kahapon. Ayos lang naman kahit medyo mahirap yung iba. Wahh... Sayang yung problem solving sa Physics! Yung length na nandun ay HALF of eleven, ang nalagay ko eleven! Di kasi nagbabasa ng mabuti eh! Hahaha!

Tapos kanina naman, eto yung mga test: Geometry, English, Filipino at Values. Tinatamad ako magsagot. Simula ba naman kasi Geometry. Hehe! Wahaha!

Currently Listening To: The Foundations: Build Me Up Buttercup

Tests... again!

Saturday, October 14, 2006

Andito na naman ako! Wahaha!

Sa monday na ung periodical test. Kailangan kong mag-aral ng maigi para naman mag-improve yung mga score ko dati. Dati kasi halos bagsak ako sa lahat eh. Pero buti nalang walang bagsak sa card! Wahaha! At ang bonus pa, walang line of 7! Puro 80 nga lang! Hehe.

Mga itetest sa monday: Research, Physics, Trigonometry at TLE (Culinary Arts). Dami! Sana makayananan ko 'toh!