Showing posts with label busy. Show all posts
Showing posts with label busy. Show all posts

Downtime

Sunday, December 9, 2007

Sembreak

Saturday, October 27, 2007

Ano ba yang sembreak na yan? Kahaba-haba pa, dami namang kailangang gawin. Nakakatamad. Buti nalang di na ko kasali sa SIP na yan. English nalang dapat kong gawin. Hindi ko pa tapos basahin yung novel na naassign sakin, pero sinisimulan ko na gawin yung reaction paper. Mythological-Archetypal Approach gagamitin ko.

Wala na kong ibang ginagawa dito sa bahay kundi mag-internet, mag-02jam, kumain ng kumain ng kumain, magbasa ng novel, manood ng tv... Hayy! :| Dapat may Adopt-A-Non-reader Program nalang ngayon eh, para naman maging produktibo sembreak ko. Haha!

Buti nalang pala, umatend ako nung First Aid/ CPR Training. Haha! Naku kung hindi, wala akong mapapala dito sa bahay. Hehe. Masaya naman yung training eh. VICTIM! :P

Music: Nickelback - Rockstar

Math Month

Wednesday, January 24, 2007

Busy-bisihan na naman ngayon. Dami kasing kalandiang nangyayari eh. Maliban sa La Jota, meron pang nalalaman yung Math Dept. Nakakaasar nga eh, nabunot ako sa mga kasali sa Jingle Rap... kasi 20 dapat yung kasali sa bawat section. Kaya yun! Ako pa talaga yung unang nabunot. Wahhh!!!

One week na practice. Haha! Hahaha! ^__^ Kaya yun! Meron pang iba, yung banderitas. Sineseryoso talaga yun ng section namin eh. Ang ganda kaya nung banderitas namin. Yihee!

Sa Friday walang klase. MATH DAY! Tulad nung last year. Daming magaganap; egg cage making, newspaper stool making, parlor games, etc. Hindi ako kasali sa mga yun kasi sa JINGLE RAP ako. Wala talaga!

Ge, yun lang. sa susunod nalang ulit. BYE!

Currently Listening To: Rico Blanco - Bye Bye Na

Daming Gawain

Friday, December 1, 2006

Yes! Wala na si Reming! Wala nang practice ng Speech Choir bukas! Galing kay Karla, ang leader namin: “Hindi na tuloy practice tomorrow. Alagaan niyo nalang ang mga boses niyo para sa tuesday. General rehearsal sa monday sa school. Dapat lahat kayo umatend dun”. Yehey! Marami-rami kasi akong dapat gawin bukas na hindi ko nagawa kahapon at ngayon eh. Wawa naman ako. Hehe.

Buti nga kanina may nagawa akong kabutihan eh. Tinulungan ko si Mama na magkabit nung Christmas Tree na white. Medyo hindi nga lang maganda yung kinalabasan, parang nadaanan ni Fleming este Reming. Haha!

Bukas ang gagawin ko naman:
1) Pagsusuri ng tula sa Filipino. Hindi ko pa natapos eh. Argh!
2) Magpapagupit… haba na kasi ng buhok ko eh, para nang gubat. Hehe!
3) Magsusulat ng journal sa English(?) Ewan ko lang. Baka hindi na.
4) Punta sa mall para bumili ng kung anumang kailangan sa school at sa bahay.
5) At ang pinakamahalaga, magpakasaya! Hahaha! ^_^

Kanina nga pala bumili kami ni Mama nung Close-up na may kasamang CD, yung Season of Smiles. Yung mga kanta: Just A Smile, Close To You, Smile at Me, Close Encounter, at Season of Smiles. Hehe. Wala lang.

Music: James Blunt - Wisemen

Reming

Thursday, November 30, 2006

Dahil sa kanya, hindi natuloy yung speech choir sa school namin. Buti naman! Haha! Joke lang! Walang pasok kanina dahil kay Reming at bukas naman dahil kay Bonifacio at kay Reming na rin. Haha! Buti naman kung ganun. Makakapagpahinga na ko mula sa gabi-gabing pagpapractice para sa Speech Choir namin: The Inevitable Day. Kaya lang baka mawalan na naman ng kuryente. Malas yun. Wahh!

Balita ko, sa Tuesday na raw yung Speech Choir. Buti naman. Hehe. Kaya lang may practice pa kami sa Saturday. Yihee! "Faustus, O Faustus. Now has thou but one bare hour to live... O spare me, Lucifer! at ang paborito kong part: This soul should fly from me and I be changed, into some brrrrrrrrrrrrrrrrrutish beast!" Haha!

Gagawin ko na yung project sa Filipino... magsusuri ng tula: Kundiman ng Buhay. Matatapos ko na, malapit na! Hehe. Baka kasi mawalan na naman ng kuryente eh.

25 days to go before Christmas. Yihee! Lapit na... magbakasyon! Hehe. Yun lang!

Music: Smashmouth - Why Can't We Be Friends