Last Entry?
Sunday, December 21, 2008
Posted by Jonathan at 1:36 PM 0 ang nagtaka
Labels: academics, accountancy, blog, christmas, college, project, ust
In two days...
Saturday, November 3, 2007
Pasahan na nung Lab Manual sa Physics. Punta pa kaming school bukas ni Keisha para kunin yung libro na yun. Pumunta ko nung Wednesday eh, wala namang susi. Wala rin kaming napala ni Roanne. Aw. Sana bukas may mapala kami ni Keisha. Hahaha! Sasama sana ko sa Taytay kila Mama bukas eh. May namatay kasi kaming kamag-anak na taga-roon. Kaya lang marami talagang gawain na dapat tapusin. Hayy...
Nga pala, masaya naman yung pagpunta ko sa Batangas nitong November 1 at 2. Haha! Wala na talaga kong ibang ginawa kundi kumain lang ng kumain. Wahaha! Takaw talaga eh. Dami kong nakain. Lalo na yung spaghetti. TAKAW!
Currently Listening To: Dashboard Confessional - As Lovers Go
Posted by Jonathan at 10:05 PM 1 ang nagtaka
Favorite Group!
Monday, October 22, 2007
Ito yung naratib ko tungkol sa ginawa naming project sa Filipino:
Sa simula, napagkasunduan ng aming grupo na gawin na lamang pelikula ang napili naming akda – “Lupain ng Taglamig”. Matagal bago kami nakapagsimulang gawin ang plano, kaya naman naisipan namin na gawin na lamang drama sa radyo ang presentasyon. Para sa akin, mas magandang isapelikula ang akdang aming napili, ngunit kulang na talaga sa oras dahil sa dami ng ginagawa.Haha! Ganun talaga buhay. May mas malala pa dyan. Yung gawa ng iba ko pang mga kagrupo. :))
Sinimulan naming gawin ang proyektong ito noong Sabado, pagkatapos ng Adopt-a-non-reader Program. Hindi nakasama si Fedis Mahilum noong araw na iyon. Siya ang naatasang gumawa ng iskrip ngunit hindi niya naintindihan ang huling bahagi ng akda dahil sa ito’y sadyang masalimuot. Nagtulungan nalang kami sa paggawa ng iskrip noong araw ding iyon, ngunit hindi namin natapos. Umuwi na ang iba, kaya naman kaming mga natira na lamang ang nagrekord ng nasimulang iskrip. Ako ang nagboses sa bida na si Shimamura, sapagkat ako na lamang ang natitirang lalaki sa amin.
Huwebes na ng magawa namin ang pagrerekord. Pinatungan namin ang nairekord namin noong Sabado, sapagkat binago namin ang skrip. Ako dapat ulit ang magboboses kay Shimamura ngunit ako ay nagprisinta na maging narrator na lamang. Ako, bilang narrator, ay madalas magkamali sa aking mga sinasabi. Madalas rin akong matawa gaya ng aking mga kagrupo pag kami’y nagrerekord. Mayroon ring pagkakataon na mali ang pagkakabasa namin sa mga salita kaya naman nagtatagal pa kami. Ang isang maganda sa aming ginawa ay ang paggamit namin ng iba’t ibang tunog gaya ng electric fan, mga paa namin, at iba pa. Ngunit sa kasamaang palad, hindi pa rin namin natapos ang pagrerekord dahil hindi pa rin tapos ang iskrip at isa pa ay dahil gabing-gabi na at malayo pa ang tirahan naming magkakagrupo. Napagpasyahan namin na sa paaralan na lamang ituloy ang pagrerekord. Ngunit hindi naman namin nagawa at sinabing pag-uwi na lamang. Hindi dumating si Anthony Romero na naghahawak ng iskrip kaya hindi rin kami nakagawa.
Kinabukasan, araw ng pasahan ng proyekto, sa paaralan nalang kami nagrekord. Sa kabutihan palad, natapos naman namin ang aming proyekto. Hindi man masyadong maganda ang aming nagawa, masaya pa rin kami.
Nakakalungkot mang sabihin, hindi ko masyadong gusto ang aking grupo. Sa tuwing kami’y magmimiting ay wala kaming nagagawa o natatapos, sapagkat hindi lahat ay umaatend. Walang miting na ang aming grupo ay kumpleto. Maraming hindi pagkakaintindihan sa pagitan ng mga miyembro ng grupo. Pero kahit na ganoon, hindi ako nagsisisi sa lahat ng nangyari sa aming grupo."
Music: Justin Timberlake - Like I Love You
Posted by Jonathan at 5:35 PM 1 ang nagtaka
Labels: academics, high school, munsci, project, pythagoras
Wuo! Dami!
Thursday, October 11, 2007
At dagdag pa! Yung sa research namin ni Khim! Pano na kaya yun? Hirap-hirap naman kasi eh. (parang marami akong ginagawa eh) Haha! At dagdag pa, yung project sa Economics - Comparative Analysis. Tsaka yung project sa English - reaction paper sa assigned novel, na hanggang ngayon, di ko pa tapos basahin. Aw :(
Pero kaya yan! There are times talaga na dumadaan ang mga ganitong klase ng pagsubok. Wahaha! :-'|
Maiba ko... Happy Birthday, Nuneg!
Currently Listening To: Yellowcard - Gifts and Curses
Posted by Jonathan at 8:08 PM 0 ang nagtaka
Labels: birthday, entrance exam, la salle, project
OCD
Sunday, August 12, 2007
- Aviator
- Rain Man
- Hide and Seek
- A Beatiful Mind
- Primal Fear
Assigned Novel
Saturday, June 9, 2007
By Ernest Hemingway

Ito yung assigned novel sakin sa English. Nakabili na ko kanina. Manipis lang naman pala. Madaling basahin. Mahirap intindihin?! English kasi eh. Hahaha!
Currently Listening To: Damien Rice - Cannonball
Posted by Jonathan at 9:15 PM 0 ang nagtaka
Labels: academics, book, high school, literature, novel, project
King Tut's Curse
Saturday, February 24, 2007
Ito yung napili naming issue para gawan ng report bilang project sa AP. Issue!
Posted by Jonathan at 7:53 PM 0 ang nagtaka
Labels: academics, project, world issue
Term Paper - Filipino
Sunday, February 4, 2007
Posted by Jonathan at 11:01 AM 1 ang nagtaka
Walang Maisip
Sunday, January 21, 2007
Sana lang, maipasa ko lahat ng test sa lahat ng subject. Weh. Asa pa ko. Pero sana lang. Pwede rin naman, diba? Malakas naman yung... Ah basta! Hahaha! Tapos eto pa. Daming project. Argh! Kakainis. Buti nalang medyo tapos na yung sa Physics namin. Kaya lang yung sa Algebra. Grrr... Dito pa kasi sa bahay namin ginawa eh. Wala namang nangyari. Lol.
Music: John Mayer - Dreaming With A Broken Heart
Posted by Jonathan at 7:54 PM 0 ang nagtaka
Manigong Bagong Taon!
Saturday, December 30, 2006
Ayoko ko pang pumasok sa school. Ang dali kasi ng bakasyon namin eh. Mga one and a half week lang. Gusto ko two weeks. Haha! Nakakatamad pa kasi eh. Hindi ko pa nga matapos-tapos yung librong binili ko nung Christmas eh... yung Stainless Longganisa ni Bob Ong. Pero nakakalhati na rin ako. ^_^ Dapat kasi matapos ko yun bago magpasukan kasi magbabasa na rin ako ng Noli Me Tangere. Magkakaroon kasi kami ng term paper eh. Yihee!
HAPPY NEW YEAR sa inyong lahat! Ingat lagi!
Music: Hale - Blue Sky
Posted by Jonathan at 8:22 PM 0 ang nagtaka
Labels: bob ong, book, novel, project, stainless longganisa
One week, atbp.
Friday, October 20, 2006
Tumaas yung resulta ng tests ko sa halos lahat ng subjects, maliban lang sa Trigonometry at Algebra. Hayy... Math nga naman! Line of 2 ako sa parehas na yun eh... out of 50! 27 sa Trigo. Wag na yung algebra... masyadong mababa! Wawa naman ako... :-(
Ano pa ba?! Ayun! Napakaraming projects na pinasa kanina. Yung sa values namin, sinimulan lang kaninang umaga at natapos rin ng hapon. Haha! Maayos-ayos rin naman kahit papano.
Yun lang po. Sige. Babye! ^_^
Posted by Jonathan at 10:17 PM 0 ang nagtaka