Showing posts with label accidents. Show all posts
Showing posts with label accidents. Show all posts

Strike Two

Tuesday, May 6, 2008

Hehe. Kanina nirelease yung results ng mga nagparecon sa UPLB na kailangan pa ng interview. Statistics and Applied Math ang mga napili ko. Sa kasamaang palad, hindi ako natanggap sa Stat. May 23 pa malalaman yung Applied Math. Haha! But its okay. Hindi na rin ako masyado umaasa sa Applied Math. USTe na talaga ko. Pero gusto ko rin naman sa UP. Kasi ika nga ni Porks:
Maguplb ka nalang pagnarecon ka. Malaki matitipid ng pamilya mo. Haha!
Pero ang mas masaklap, bago ang kaganapang yun ay nawalan/nadukutan ako ng phone sa bus patungong UPLB. Another JBX (Jonathan Barcena Experience). Wala pang isang taon, o kalahating taon, nawalan ulit ako ng phone. Nakawala ako ng phone nung 11-22-07. Ngayon ay 05-06-08. Wala lang. Haha! Strike Two.

Nakakatuwa talaga ang JBX na yun. Maraming sumuportang mga kaibigan at kaklase. Tinext kasi ni Julianne silang lahat na tawagan yung phone ko. Maraming salamat sa mga sumuporta. Malaki na ang naitulong niyong yun. At syempre, salamat sa mga kasama ko. Sila ang umagapay sa 'kin habang hinahanap ang phone ko. Nagkaroon pa ng kapkapan sa bus. Natawa nalang ako. Hindi gaya nung first time kong makawala, medyo nalungkot at naluha-luha pa. Haha! Wala pang experience eh. Ngayon, nginitian ko nalang kaysa naman malungkot. Nakamove on na ko. Kaya lang yung pamilya ko, hindi pa. Hindi nila masyadong pinansin yung unang pagkawala nung phone ko eh. Unang beses pa lang kasi. Ngayon naman, sila yung nagdadalamhati. 'Di makarecover/makamove on. Lol :))

Kaya lang nanghihinayang rin naman ako, kasi nakaunli yun. Joke! Wala na kong magagamit ngayon sa pagtetext gabi-gabi - sa pagpupuyat. Mamimiss ko lahat ng mga katext ko gabi-gabi. Haha! Nakakalungkot naman. Salamat sa lahat ng nakiramay, lalo na kina Locs at Roanne. Sila ang mga naging susi para malaman ng pamilya ko na nawala yung phone. Hindi na ako nahirapan pang sabihin. Haha!


Music: Jason Mraz - Clockwatching

Araw ng Sabado

Saturday, April 21, 2007

May review kami kanina (UPCAT). Perfect sa Trigo. Well. Tapos sa spelling... ayos lang :) Yabang! Haha :P Pagkatapos nun, diretso kami sa Festival ni Juzel. Init kasi eh, nagpalamig tapos kumain na rin. Sa KFC kami kumain; meron pa ngang kinainisan si Juzel eh, yung lalaki dun sa kabilang table... takaw raw kasi sa gravy. Sinosolo kasi yung thermos ng gravy. Haha! ^^

Pagkauwi, dalawang vehicular accident yung nasaksihan namin...
  1. Susana Heights kami dumaan. TRAFFIC! Ang tindi. Yun pala merong aksidenteng naganap. Bumaligtad yung kotse. "Uhh... Too bad naman kung ganun." Kawawang-kawawa yung mga tao na naaksidente eh. Bumaligtad na, halos masunog pa. Init-init kasi eh :(
  2. Di pa yun natapos dun. Meron pa ulit aksidente. Motor naman. Dun sa tapat ng JPA Subd. Tulog nga ko nung nalaglag ung tao sa motor eh. Di ko tuloy nakita. Si Juzel lang at yung iba pa sa jeep yung nakakita. Nakita ko nalang nasa baba na siya. Sabi ni Juzel, pumreno yung nasa harap niyang motor tapos nabunggo niya, yun nagbounce siya!
Grabe yun oh! Ang tindi! ^^

Currently Listening To: Michael Buble - Kissing A Fool

Kahapon, stranded kami

Thursday, December 21, 2006

Stranded kami ni Jonnah kahapon dahil sa malaking sunog sa Tunasan. Dun sa may tabi ng Ultra Mega yung nasusunog. Hindi ko alam kung ano yung dahilan ng sunog :(

Nagpunta kasi halos lahat ng Fleming sa Festival kasi nga bukas Christmas party na. Bumili kami ng ipapang-exchange gift namin. Yihee! Saya-saya pa nga namin dun eh. 8 pm na kami nakaalis sa Festival. Nung pauwi na kami, hindi pinapadaan yung mga sasakyan sa may National Road. Yun pala ay may nasusunog na... di pa namin alam. Si Jonnah Riza lang yung kasabay ko kasi taga-Carolina siya. Hindi namin alam yung gagawin namin kaya pumunta kami sa bahay ni Patricia dahil sa JPA Subd. lang naman siya nakatira, malapit! Tumawag kami sa mga magulang namin. Sabi ni Mama, mag-isip nalang daw kami ng paraan kasi pag nagpasundo pa, hindi rin naman makakadaan :( Buti nalang naisip ko na may daan nga pala dun sa may bayan papunta sa Sto. Niño na lalabas sa may Shell. Hehe. Ako pa! Haha! Kaya lang nung una, wala kaming masakyan. Buti nalang may isang tricycle driver na napakabait at isinakay kami. Yihee! Pagdating sa tapat ng Shell, wala rin kaming masakyan kasi malapit-lapit na rin dun yung nasusunog, eh wala ngang pinapapasok dun. Kaya yun. Naglakad pa kami ng unti hanggang sa makasakay ng jeep. Nice one! Nice two! And so on... At nakasakay na nga kami. Yehey! Saya-saya ko nung mga oras na yun! Sobra!

Mga 10 pm na ako nakauwi ng bahay. Gamit agad ako ng computer at ginawa yung project sa Filipino, na sa kabutihang palad ay naipasa namin kanina. Buti nalang talaga! Hehe.

Music: Jason Mraz - Clockwatching

Kumusta Naman Un?

Wednesday, May 31, 2006

Hayy...Kahapon, may hindi inaasahang pangyayari na nangyari dito sa aming bahay. Pakurap-kurap ung mga ilaw, namamatay-matay ung tv at iba pang appliances. Napapansin na namin yun nung isang araw pa.

Bandang 6:00 pm kagabi, nanood kami ni Mina ng tv nang biglang papatay-patay ung tv hanggang nawalan na talaga ng kuryente. Nagtawag si Papa ng mga may alam sa ganitong pangyayari. Hindi naman dito sa loob ng bahay namin ung problema. Sa may labas daw yung problema ayon sa mga batang naglalaro at kay Kuya, maingay daw ung sa wire at nakislap pa.

Hindi na bumalik si Papa dahil nagkaroon ng inuman sa tapat ng bahay namin at ang akala niya may kuryente na ulit. Ako lang ung nasa bahay kasi kaaalis lang ni Mina papuntang trabaho at si Kuya na hindi ko alam kung saan papunta. Si Mama naman pumunta sa burol nung kapit-bahay namin. Nandun lang ako sa loob ng bahay, nakatambay at nag-iisip.

Dumating si Tito at nalamang wala kaming kuryente. Bandang 7:30 pm, naghanap kami ng telephone numbers ng Meralco. Nakapagtanong kami sa kapit-bahay ng number at tinawagan namin ito.

Dumating dito ung truck ng Meralco at inayos ung problema. Sa isang ganitong panyayari, hindi talaga mawawala ang mga nakikitsismistingin, bata man o matanda...hehe! Bago mag-8, naayos na ung kuryente. Nang biglang umingay na naman at kumislap ung wire sabi ni Michael. Hindi naman pala kasi napaayos ung maingay na un. Kaya un. Kumukurap-kurap ulit ung mga ilaw at papatay-patay ung appliances. Akala namin maayos na, un pala hindi pa!

Tinawagan ulit namin ni Tito ung Meralco at sabi nila ang problema daw eh ung Emergency Line. Ayun ung maingay at kumikislap. Ang tagal nung truck ng Meralco, samantalang kanina ang dali-dali.

Pansamantala akong nahiga sa kama habang hinihintay ung truck ng Meralco at si Mama. Tumawag ulit si Papa sa Meralco dahil hindi pa nadating ung truck. Dumating na si Mama mga 11:30 pm.

Hindi nagtagal, dumating na rin ung truck ng Meralco. Inayos na ung Emergency Line na maingay at kumikislap. Bago mag-12, naayos na talaga ung kuryente. Sa wakas, makakatulog na! Hayy...

Ang hirap talaga ng walang kuryente! Hehe!

Music: Pras, Mya, ODB - Ghetto Supastar