Superhero Movie
Thursday, April 17, 2008
Posted by Jonathan at 2:18 PM 0 ang nagtaka
Labels: entertainment, friends, fun, mall, movie
Good Morning, Baltimore!
Monday, August 27, 2007
Ayos lang naman yung pelikula. Kakatuwa. Pati ung mga kanta. Hahaha! :)) Kaya yun, pinaprint sakin ni Mina yung lyrics nung mga kanta sa Hairspray. Haha! Naadik. :D
Ito ung pangatlong pelikula na napanood ko ngayong August sa sinehan. Una, A Love Story. Tapos, Ouija. At ito ung pangatlo. Wahaha! Puro libre lahat ng yun! Hehe.
Music: Justin Timberlake - LoveStoned/I Think That She Knows
Posted by Jonathan at 8:35 PM 4 ang nagtaka
Labels: entertainment, family, mall, movie
Araw ng Sabado
Saturday, April 21, 2007
Pagkauwi, dalawang vehicular accident yung nasaksihan namin...
- Susana Heights kami dumaan. TRAFFIC! Ang tindi. Yun pala merong aksidenteng naganap. Bumaligtad yung kotse. "Uhh... Too bad naman kung ganun." Kawawang-kawawa yung mga tao na naaksidente eh. Bumaligtad na, halos masunog pa. Init-init kasi eh :(
- Di pa yun natapos dun. Meron pa ulit aksidente. Motor naman. Dun sa tapat ng JPA Subd. Tulog nga ko nung nalaglag ung tao sa motor eh. Di ko tuloy nakita. Si Juzel lang at yung iba pa sa jeep yung nakakita. Nakita ko nalang nasa baba na siya. Sabi ni Juzel, pumreno yung nasa harap niyang motor tapos nabunggo niya, yun nagbounce siya!
Currently Listening To: Michael Buble - Kissing A Fool
Ang Cute ng Ina Mo
Wednesday, April 11, 2007
Pinanood ko sa Robinson's Place Manila kasama si Juzel at yung kaklase niya. Haha! Napadpad kami dun kasi pinaayos ni Juzel yung kanyang cellphone.
Posted by Jonathan at 6:47 PM 0 ang nagtaka
Labels: entertainment, friends, mall, movie
PH
Sunday, January 7, 2007
Sabi ni Tanya habang nasa jeep na pag may nakita kaming DVD nun ay bababa siya ng jeep at bibili siya. Yun! May nakita si Dariel, laki kasi ng mata. Haha! Biro lang. Diretso baba si Tanya. Ang ingay nga NILA eh habang naghihintay sa kanya [hindi ako]. At ang nakakatuwa pa eh yung katabi ni Patricia eh nakikingiti. Abot-tenga yung ngiti. Hahaha! Hahaha! Tuwang-tuwa siya dun sa nangyayari. Nakikisali. ^_^
Ayun! Nakabili na si Tanya. Nakahabol pa sa jeep. P250 yung DVD ng PH. Hehe. Sa katunayan napanood na niya yung Princess Hours eh. Hiniram niya sa "kapitbahay" nila. Gusto lang niyang ulit-ulitin. Haha!
Music: Lillix - What I Like About You
Posted by Jonathan at 10:02 AM 0 ang nagtaka
Labels: dvd, entertainment, fleming, friends, mall
KKK
Saturday, December 30, 2006
Pinanood namin kanina sa Festival Mall. Kasama buong pamilya except JR. Himala kung kasama yun! Hehe.

Posted by Jonathan at 7:22 PM 0 ang nagtaka
Labels: entertainment, family, mall, movie
Parang bata!
Tuesday, July 25, 2006
Meron din nung Ride-All-You-Can. Una kong sinakyan yung Roller Coaster. Nakisigaw na rin ako dun sa mga nasigaw eh. Wala kasi akong magawa. Hehe! Yung iba ko pang sinakyan ay yung Bumble Bee, Airplane, Merry-Go-Round, tapos ung naikot na mabagal [hindi ko alam yung tawag eh]. Hindi lang ako sumakay sa Bump Car. Hindi ko alam kung bakit. Basta! Masaya-saya rin naman kahit papano. Parang bata eh noh?! Haha!
Music: Avril Lavigne - Why
Blah, Blah, Blah!
Saturday, June 3, 2006
Music: Kamikazee - First Day High
Posted by Jonathan at 2:07 PM 0 ang nagtaka
Labels: family, mall, one tree hill, video
School Supplies Notebooks, etc.
Monday, May 29, 2006
Nang papunta na kami ni Mina ng Healthway, tumawag si Mama. Nakaalis na raw sila ng Healthway. Tapos un! Nagkakitaan rin kami (gamit ang mata!) haha! Pakornihan na 'toh! Diretso kaming Shopwise para tumingin si Mama ng rice cooker na malaki para sa aming simbahan. At yun, wala siyang makita, yun pala ay ubos na.
At sa wakas, pumunta na rin kami ng National Bookstore para bumili ng mga gamit ko sa school. One week nalang kasi, pasukan na! Nahirapan akong pumili ng notebooks, kung anu-ano nang nandun...Blue Feather (50 sheets nalang yung meron), Green Apple (ayoko lang), Star Notes (madaling masira yung plastic cover nun eh), Cattleya Notes (ung iba panget ng cover). At sa huli, may nakita rin ako, na aking hinahanap talaga, yung Cattleya Notes na notebook ko na rin dati. Bumili na rin ako nung iba pang kailangan sa school tulad ng crayons, pencil, sharpener, eraser, colored pens, intermediate pad paper, ballpen. Yun lang naman ang nabili ko.
Kumain kami sa Greenwich dahil nagkaroon kami ng discount sa ilang mga pagkain dun dahil sa aking Laking National Card na ginamit sa National Bookstore. At tapos nun, bumili si Mama ng bracelet para ibigay sa pinsan naming si Joy. At umuwi na!
Idinaan namin si Mina sa kanyang dentista sa Bayan at si Mama naman sa Meralco para magbayad sa kuryente (naman!). Hinatid lang namin silang dalawa at umuwi na rin kami ni Papa sa bahay.
Hindi pa 'toh tapos noh! Meron pa. Pagkarating namin, nanood ako ng Wowowee! Triplets ung mga contestants ngayong araw na 'toh. Kung anu-anong pinagsasagot nung mga contestants eh. Ung sa Questunes, tamang sagot eh Ever After (favorite ni Mina), ang mga sagot nila Sa Piling Mo, tapos ung isang triplets naman Sa Piling ng Palad! Nyay! Ano un?! Tapos sa Bigat 10 naman (PORMA!), nakakaawa yung ilan sa Bigat10 at saka ung triplets eh, hindi alam yung ilang tanong na madadali naman talaga. Ewan ko ba kung matutuwa ako o maaawa. Hayy... Ewan ko ba!
Music: Rockapella - For the Longest Time
Posted by Jonathan at 3:23 PM 0 ang nagtaka
Labels: food, high school, mall, school, tv
Bad Day
Sunday, May 14, 2006
Kahapon, grabe ang ulan! Hanggang ngayon! Walang kuryente sa aming subdivision kahapon. Ngayon, meron na!
Pumunta kami ng dentista kasama sila Mina at Mama, para sa braces ni Mina. Madali-dali lang kami dun, magpapagupit pa nga sana ako kaya lang sabi ni mina matatapos na siya.
Diretso kami ng Festival Mall. Kahit na may bagyo, pumunta pa rin kami upang gumala, mamili, etc. Kumain muna kami sa Wendy's tapos pumunta ng CR si Mama nang biglang nakita ko ung kaklase ko nung 2nd year, si Keisha Nakita ko rin ung kapatid niya, si Sieglinde at ung iba pa nilang kamag-anak. Hehe!
Bumili si mina ng shorts, tsinelas, damit, etc. Nakabili kami sa robinsons department store ng shorts ko.
Tapos nun, umuwi na kami, mga 7:30 pm, sakay ng fx. Ang lakas pa rin ng ulan! Nakita namin, brownout sa United Subdivision. Nagulat kami, kanina pa kasing umaga yun eh. Sa Holiday Homes ph. 1 naman, may kuryente na, pati na rin sa Banaue at Pagsanjan st. na kasama sa subd. namin. Nang pagkakita namin, walang kuryente sa aming street, Batulao. Ang dilim-dilim!
Nagkaroon lamang ng ilaw, mga 10:30 pm na. Tapos nanood na kami ng tv, Pinoy Big Brother Teen Edition ung palabas.
Nagkaroon pa ng hindi inaasahang pangyayari sa aming bahay -- pamilya, may nagkagulo! Di ko na un ipopost dito. Tinatamad na ako eh! Hahaha! Akala mo!
Sa pangkalahatan, hindi naging maganda ang araw ko ngayon. May nag-away, may bagyo, walang kuryente, walang tubig, etc. Ang nagpasaya lang, ung shorts at mall. =)
Music: Daniel Powter - Bad Day

