Showing posts with label college. Show all posts
Showing posts with label college. Show all posts

:D

Wednesday, March 25, 2009

YEBAH!

1-A9

Last Entry?

Sunday, December 21, 2008

Matagal-tagal na rin mula nung huli kong post dito sa blog kong 'to. Ito na yung sumunod, at ito na siguro yung huli. Hindi ko lang alam. Pero sa tingin ko, ito na nga talaga. Medyo abala na ko sa mga gawain sa school. Naks! Kung gusto niyo, sundan niyo na lang ako sa documentary blog namin tungkol sa Renewable Energy. Educational eh no? Pero tungkol lang to sa mga nangyayari sa group project namin. Ito yung link: Renewable Energy: Dawn of Tomorrow. At siya nga pala, English ang language niyan. Hirap na hirap akong mag-english. LOL. Ayun lang.

MERRY CHRISTMAS AND A HAPPY NEW YEAR!

Lapit na sembreak

Wednesday, October 8, 2008

Pero bago yun, dapat munang mag-aral sa finals. Haha. Tapos na yung finals sa Filipino, English, at Phil. History. Walang pasok ngayon, walang exam. Bukas Theology at Biology ang exams.

Monday ng gabi, matindi ang pag-aaral ko sa Phil. History para makakuha ng 75 sa exam. Ayun lang talaga ang problema ko, malay ko ba. Dapat kasi inayos ko nalang yung Prelims eh, biruin mo lowest pala ko sa prelims exam. Hahaha! Sana talaga pumasa ko. Lahat na ginawa ko, pero may sigurado na kong 9 items na mali. 2 points each yun, bale dapat 12 items lang ang mali ko. Pambihira, sana lang pumasa. Ayokong magsummer para sa PHISTPG. Haha! Wala ngang problema sa Philo at Algeb, HISTORY naman! HAHAHAY! Parang ewan lang eh. Wahehe! Thanks Nuneg, sa prayer before taking finals. Yihee!

Mag-aaral na ulit ako. ^^


Music: Blue - Move On

USTET

Thursday, September 11, 2008

Binigay yung USTET Results namin nung Tuesday pagkatapos ng interview. Ito yung resulta nung akin:

English - A
Math - S
Science - AA
Over-all - AA

Ikaw na bahalang umintindi. Kaya mo yan. Kurne! Noseblood talaga yang English. Kahirap. Haha!

Happy Birthday nga pala kay Orien Myr. Myrie!!! Hahaha! c:

Music: Switchfoot - Adding To The Noise

Interview with the Guidance Counselor

Ininterview kami ng Guidance Counselor nung Tuesday. Wala lang, para makilala lang kami. Hehe! First ten lang ng klase yung ininterview. Anim lang kaming unang pumunta. Si Badulis yung una. Tapos ako na, kasi di pumunta si Barcelona.
Anong nickname mo?
Nagdodorm ka pala, sinong mga kasama mo?
Hindi ka naman ba nahohomesick?
Sa family, meron bang conflicts?
Kumusta naman ang academics?
Meron ka na bang friends?
First choice mo pala Mechanical Engineering. Anong nangyari?
Anong balak mo pagkagraduate ng Accountancy?
May balak ka palang magshift. Anong course?
Joke lang yung shifting. Maybe kasi nilagay ko dun sa information shit. Kaya nasabi ni Ms. Guidance Counselor yun. Hehe! Nakalimutan ko na yung ibang tanong. Ayan lang mga tumatak sa isipan ko. LOL.

Music: Lifehouse - First Time

Prelim Grades

Saturday, September 6, 2008

Pinakita na yung Prelim Grades namin, haha! Sa katunayan, yung iba, dating-dati pa e. Filipino naman and Theology, hindi pa. Highest ay Math. Malayo na ang agwat sa ibang subject. Hahaha! Ang grade na susunod sa math ay 12 points less than sa grade ko sa math. Haha! Hehehe!

Syempre, di papatalo yung Phil History. :) Lowest ko, at hindi lang yun, ayun ang natatangi kong bagsak na prelim grade. Hindi naman siguro ako bagsak sa Fili at Theo. Sana. Akala ko lowest ako, yun pala mali yung nakarecord sa quiz 1 ko. 7 points agad nadagdag pero bagsak pa rin. Hahahay! Lima o anim lang ata kaming bagsak sa Phil History. Hahaha! Kahiya-hiya. Kaawa-awa. Nadaig pa yung Bio e. Nahatak kasi ng Prelim exam e. Hehe!

Bawi nalang sa FINALS. XD

Happy Birthday nga pala kina Arjay Canete at Celine Regala!

Music: Plies feat. Ne-Yo - Bust It Baby Part II

Prelims Exam Week

Sunday, August 17, 2008

Whew! Tapos na rin. Haha!

Monday.
Filipino yung exam namin. Maaga akong dumating sa school kasi di na ko dumaan ng bahay. Mga one hour before the time andun na ko. Buti nga yun e. Haha! Kasi kung di ako dumating ng maaga, baka wala ako masyadong naisagot sa exam. Bakit? Kasi di naman pala kasama yung mga nireview ko sa bahay gaya ng Kasaysayan ng Wika, Morpema at Ponema. Haha! Dun ko lang nalaman yung mga kasali. Hehe! Wawa naman. Pero ayos lang naman yung quiz. Ang mahirap na part lang ay yung paglalapi. =)

Tuesday.
Mas maaga ang dating ko kesa nung Monday. Theology at Biology yung exam. Nakakalito yung True or False at Identification sa Theo pero yung iba, ayos. Haha! Sa Bio naman, sineseryoso ko yung pagrereview ng Photosynthesis. Buti nalang marami yung lumabas tungkol dun. Pero nakakaloko pa rin. Ang hirap.

Wednesday.
English ang exam. Madali naman kahit papano. Ang mahirap lang ay yung Prepositions. Haha! Ewan ko, basta nalilito ako dun. Lol.

Thursday.
Phil. History. Pinakamahirap na exam sa lahat. Nakakaloko yung test dun. Adik. Hindi namin kinaya. Hahaha!

Friday.
Simula na ng Departmental Exams. Philosophy at Algebra yung exams. Philosophy - Binasa ko talaga yung four chapters ng libro. May naintindihan naman ako. Wahehe! Ayun, naguluhan ako sa univocal, equivocal, at analogous, pati na rin sa types of definition. Hahaha! Ayos lang yung kagaya nung mga pinapaquiz samin ni Sir Pacquing. Algebra - multiple choice lahat. 23 items; 15 na 3 points each, 5 na 6 pts each, at 3 na 7 pts each. Medyo madali yung quiz kaysa sa inaasahan ko. Kasi sabi ni Sir Virty, napakahirap daw e. Hehe! Meron lang akong siguradong mali na isa. Haha! Ito yun: Which of the following is a polynomial? Haha! Sayang talaga yun. 3 points din. Dun talaga sa mga tanong na ganun ako nagkakamali e. Wahehe!

Saturday.
Last day na ng exams. BA na. Medyo mahirap yung sa Multiple Choice, lalo na dun sa organizational models. Hehe! Nakakalito e. Pero ayos na yung iba. :)

Nasa libro lang talaga lahat ng mga sagot e. Kaya dapat laging magbasa. Wahehe! LOL.


Music: Blake Lewis - How Many Words

080808

Friday, August 8, 2008

Otso-otso-otso na!

Swerte daw sabi nila. Hehe! Once in a century lang nangyayari 'to at ayon sa balita, mas mananaig ang kamalasan kaysa kaswertehan sa araw na ito. Ah okay. lol.

Wala kaming pasok dahil kay St. Dominic of Guzman (Sto. Domingo de Guzman). Ito ang araw para mag-aral ng matindi. Preliminary exam na next week at seseryosohin ko ang pagrereview sa Filipino dahil medyo hindi maganda ang resulta ng quizzes ko dun. Hehe!

Opening na ng Olympics 2008 sa Beijing. Wahehe!


Music: Jon McLaughlin - Beating My Heart

Prelims na

Saturday, August 2, 2008

One week nalang, Prelims exam na. Hehe! Sched ng exam namin:

August
11 - Filipino
12 - Theology and Biology
13 - English
14 - Phil. History
15 - Philosophy and Algebra
16 - Business Ad.

Buti nalang one or two course/s per day lang. Kaya lang bigatin ang test sa Aug. 15 - PHILO!! Pinacompute sa 'min yung quizzes at recitation namin at kung ilan ang kelangan para makakuha ng 70% sa prelims grade. Kelangan ko pang maka-65/100 sa prelims sa Philo. Pero dapat makakuha pa ko ng mas mataas dun. Naks! HAHAHA! Makaya ko sana. :)

Isa pa yung Bio. Wahh!! Bagsak ako sa first quiz dun. Tapos yung second quiz, di ko pa alam pero sa tingin ko bagsak pa rin kasi di ako masyado nakapagbasa nun. Nasa libro daw pala halos lahat ng lumabas sa quiz. Katamaran kasi e. Aww... Mukhang ako ang mabibigyan ng P25 worth of cellphone load ah. Nagpustahan kasi kami ni Vince na kung sino mas mataas sa 2nd quiz sa Bio, loloadan yung mas mababa. Hindi ito nangangahulugan na hindi ko sineryoso yung quiz para magkaload. Hahaha! Dapat seryosohin kasi future namin yun. Wahehe!

Okay naman ang mga resulta ng quizzes ko sa Phil. History, English, BA at Algebra. Pasang-awa!!! Hahaha! Di ko lang alam sa Theology. Wahaha!


Music: Matt White - I'll Be There

Baha sa Espana

June 26. Unang experience ko ng baha sa Espana simula nung nag-aral ako sa UST ay nung Campus Tour namin. Nagsimula yung Campus Tour ng College of Accountancy ng mga 1 PM. Medyo mainit-init pa. Starting point ay yung Plaza Mayor tapos sa field, Gym, UST Publishing House, CFAD Building, Arch of the Centuries nang biglang BOOM! Lumabas si Kapitan Boom! Nyahehe! Kurne! Nang biglang lumakas ang ulan. Tinigil muna yung Campus Tour dahil napakalakas na ng ulan. Sumilong muna kami sa Alumni Hallway. Wala namang nangyayari, nagpapakabasa lang kami. Haha! Kaya dumiretso kami sa carpark. Sinabi na di na tuloy ang Campus Tour. Wahehe! Malas e. Uwian na. Pero pagkatapos ng malakas na pagbuhos ng ulan na madalian, uuwi na sana ko. Pero nagsilabasan ang mga ipis na nangangahulugang may panganib. Hehe! Pagkakita ko, baha na agad pala. Ang bilis! Buti nalang nakita ko si Mike. Naghanap kami ng daan papalabas ng UST. At yun ay yung sa may sports complex at engineering building. Grabe e. Adventure talaga yun. Nagpedicab na si Mike puntang LRT Legarda. Naglakad ako sa Loyola St. at sumakay dun sa dela Fuente St.

July 16. Pangalawa ay papunta naman. Umaga palang, malakas na yung ulan kaya hindi natuloy yung P.E. namin. Umuwi na muna ko. Tapos nung papasok na ko para sa regular class, tae! Baha na naman! Tinry kong lakarin, pero wala. Makahanap man ako ng daan, baha pa rin yung susunod. Haha! Kaya nagtricycle nalang ako. P20 rin yun. Sa Dapitan pa entrance namin. Kaya nalate ako ng 15 mins. Yun pala ay wala naman si Ma'am Bron. Nagmadali pa naman ako. Haha!

July 31. Nitong Thursday lang. 2 PM nun nang biglang lumakas yung ulan. Umaasa kami na isususpend na yung klase kasi baka maabutan na naman ng baha. Pero wala. Nagpatuloy ang klase. Akala ko, walang baha. Pero nung nasa hallway na ko, daming tao, kaya yun, baha nga! Nagsilabasan na naman ang mga ipis. Hehehe! Nakasalubong ko si Llana. Naghanap kami ng daan para makalabas. Nilakad namin mula alumni hallway hanggang main gate ng P. Noval. Layo. Dumaan pa kami ng stage. Hahaha! Nilakad namin hanggang Espana. Syempre baha-baha pa rin sa may gilid kaya adventure ulit yun. Haha! Tinry sumakay ni Llana ng pedicab tungo sa LRT Legarda. Kaya ako nalang mag-isa. Nang biglang may tumawag sa kin. Si Kleng pala, elementary classmate. Hehe! May hinihintay siya. Tapos sumunod sa 'kin si Llana kasi mahal yung pedicab. Tinawid namin hanggang dun sa kabilang overpass dun sa may McDo, KFC, 7-11. Dun sa may Lerma na ata yun. Hehehe! Nilakad namin hanggang sa makasakay na siya ng pedicab. Naghanap nalang ako ng daan. Tinry kong sumakay sa may Loyola St. Pero wala akong napala. Kaya hanap pa rin ako ng daan, umaasa na makakasakay ng jeep. Hanggang sa malapit na pala ko sa bahay. Hahaha! Hindi ako namasahe pero parang ganun din. P5 + P2 sa pagtawid sa bangko. Ehehe! 5 na ko nakauwi. Waahh!!! Ayoko na. Hehe!

Bawat araw ng baha may kakaibang adventure e. HAHA!


Music: Paramore: Misery Business

College Dictionary

Sunday, July 27, 2008

Absent - protest to a lousy teacher

Allowance - force that motivates you to go to school

Ballpen - bestseller of the bookstore

Bonus - the key to pass the exam

Clinic - home of the best actors and actresses

Eraser - throwable weapon of an angry teacher

I.D. - alternative ruler to draw a straight line

Late - happens when the teacher arrives earlier than expected

Studying - causes sleepiness faster than a sleeping pill

Tomorrow - deadline

Uniform - where you wipe your wet hands after going to CR


Music: Fergie - Here I Come

College na

Saturday, June 14, 2008

Ito ang mga ginawa namin sa first meetings sa bawat course/subject.

First Day

Second Day


At pahabol... syempre, ang blockmates.

I-A9

Music: The Beatles - The Long and Winding Road

Nalalapit na

Monday, June 9, 2008

Waahh!!!

Napakalapit na.

Napakabilis ng panahon.

Nakakakaba.

Lilipat na ako bukas. Naeexcite na ako sa nalalapit kong paglipat ng tirahan. Naayos ko na lahat ng gamit ko para sa paglipat bukas. Ngunit hindi pa ako excited pumasok ng school. Hindi ko alam kung bakit. Hindi pa ako handa. Hindi nga ako marunong magcommute pauwi e. Kawawang bata. Ahaha!

That's all. =)

Music: The Verve Pipe - Never Let You Down

Kolehiyo

Wednesday, May 28, 2008

Dalawang linggo na lang pala, kolehiyo na ako. Kabilis ng panahon. Tila kailan lang. Hindi pa ako ginaganahan tumungtong ng kolehiyo. Ayoko pang mag-kolehiyo. Gusto kong bumalik ng hayskul. Sino bang may ayaw?

Accountancy ang aking napiling kurso. Hindi ko alam kung bakit. Marahil ay dahil na rin sa impluwensya ng aking tatay na noon ay naging estudyante rin ng Accountancy. Maaari rin namang dahil sa wala lang talaga akong matinding ninanais sa buhay kaya kahit ano na lamang kurso ang mapili. Hindi gaya ng ibang mga kabataan ngayon na sangkatutak ang mga pangarap sa buhay.

Dahil dito, mahihinuha na sadyang ayaw ko pa talagang mag-kolehiyo. Pero ganun talaga ang buhay at ang oras.

Ang drama.

Ayun lang. Nagpapapansin lang.

Musika: Fall Out Boy - Thnks fr th Mmrs

Strike Two

Tuesday, May 6, 2008

Hehe. Kanina nirelease yung results ng mga nagparecon sa UPLB na kailangan pa ng interview. Statistics and Applied Math ang mga napili ko. Sa kasamaang palad, hindi ako natanggap sa Stat. May 23 pa malalaman yung Applied Math. Haha! But its okay. Hindi na rin ako masyado umaasa sa Applied Math. USTe na talaga ko. Pero gusto ko rin naman sa UP. Kasi ika nga ni Porks:
Maguplb ka nalang pagnarecon ka. Malaki matitipid ng pamilya mo. Haha!
Pero ang mas masaklap, bago ang kaganapang yun ay nawalan/nadukutan ako ng phone sa bus patungong UPLB. Another JBX (Jonathan Barcena Experience). Wala pang isang taon, o kalahating taon, nawalan ulit ako ng phone. Nakawala ako ng phone nung 11-22-07. Ngayon ay 05-06-08. Wala lang. Haha! Strike Two.

Nakakatuwa talaga ang JBX na yun. Maraming sumuportang mga kaibigan at kaklase. Tinext kasi ni Julianne silang lahat na tawagan yung phone ko. Maraming salamat sa mga sumuporta. Malaki na ang naitulong niyong yun. At syempre, salamat sa mga kasama ko. Sila ang umagapay sa 'kin habang hinahanap ang phone ko. Nagkaroon pa ng kapkapan sa bus. Natawa nalang ako. Hindi gaya nung first time kong makawala, medyo nalungkot at naluha-luha pa. Haha! Wala pang experience eh. Ngayon, nginitian ko nalang kaysa naman malungkot. Nakamove on na ko. Kaya lang yung pamilya ko, hindi pa. Hindi nila masyadong pinansin yung unang pagkawala nung phone ko eh. Unang beses pa lang kasi. Ngayon naman, sila yung nagdadalamhati. 'Di makarecover/makamove on. Lol :))

Kaya lang nanghihinayang rin naman ako, kasi nakaunli yun. Joke! Wala na kong magagamit ngayon sa pagtetext gabi-gabi - sa pagpupuyat. Mamimiss ko lahat ng mga katext ko gabi-gabi. Haha! Nakakalungkot naman. Salamat sa lahat ng nakiramay, lalo na kina Locs at Roanne. Sila ang mga naging susi para malaman ng pamilya ko na nawala yung phone. Hindi na ako nahirapan pang sabihin. Haha!


Music: Jason Mraz - Clockwatching

Ta-kubets at La Salle

Monday, April 28, 2008

Hahaha! Panni to! Panoorin niyo. Spoof ng Tara Lets ng Imago. Ginawang Ta-kubets ng Eh Gago. Ta-kubets, taku taku ta-kubets, dito ka mauupo!

Enjoy talaga ang Bubble Gang! XD


▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒

Nga pala, punta ko sa ta-kubets bukas! Haha! Joke lang. Sa DLSU-D punta ko. Sasamahan ko si Roanne na magpamedical. Gusto ko kasing makapunta dun eh. :)

Music: Bowling for Soup - High School Never Ends

Ustê

Wednesday, April 23, 2008

Enrollment ko kanina sa UST. Accountancy is the course! Whew! Nagpunta muna ko sa Accountancy building para kumuha ng pre-enrollment form. Nakapost yung sections tsaka mga PE.

Mid-session ako - 11 am to 3 pm. Section: I-A9. 8 subjects, 4 subjects per day.

Diretso sa Seminary Gymnasium para sa enrollment at pipili ng PE. Badminton ang aking napili. Haha! Iba pang pagpipilian: Swimming, Softball, Sepak Takraw, Fitness, Folk Dance, Arnis, Track and Field, Volleyball, at Korfball, na hindi ko alam kung ano. Hehe.

Assessment of Fees, Payment of Fees, at dumiretso na sa Main Building para sa ID picture-taking at uniforms (daily at P.E.)

Pahabol, hindi ako mag-aROTC.

7-9 am ng Wednesday P.E. ko, kung gusto mong dumalaw. XD

Music: Restless Heart - When She Cries

Nagpaparamdam lang

Monday, April 14, 2008

Nanood ako ng Juno, Enchanted at The Eye kahapon kasama si Mina. Wala na kasi akong magawa sa bahay kaya nanood nalang ako. Enjoy naman kahit papano. Haha! Gusto ko pa manood. Nakakatamad na kasi dito sa bahay eh.

Hindi ko pa alam kung saan ako mag-aaral. Haha! Sa April 23 na enrollment sa UST. Accountancy yung course. Pareho kami ni Karla. Kaya lang nagparecon ako sa UP. Applied Math at Statistics yung courses. Eh sa May 6 at 23 pa yun. Waaah... di ko alam. Awww...

Music: Fall Out Boy - Beat It

USTET Result

Saturday, January 26, 2008



Music: Boys Like Girls - Hero/Heroine