Showing posts with label summer. Show all posts
Showing posts with label summer. Show all posts

Waiting Shade

Monday, May 28, 2007

Nitong Sabado at Linggo, pumunta kami ng Hundred Islands at sa Baguio. Yun lang. Hehe.

Ito nga pala yung ilan sa islands ng Hundred Islands sa Alaminos, Pangasinan.

Monkey Island

Governor's Island: PBBTE House

ABS-CBN's Marina

Marcos Island: Imelda Cave

Quezon Island

Ito naman yung sa Baguio. Unti lang napasyalan namin dun. Umulan kasi eh. Malas talaga nun. Wahh!

Kennon Road: Lion's Head

Philippine Military Academy (PMA)

PMA Museum

Pagkatapos naming pumunta ng PMA, nagyaya yung kasama namin na sa kamag-anak nalang nila kumain. Hindi namin alam kung saan yun kaya tinawagan muna namin yung maybahay. Nakausap ni Mama at sabi niya na sa WAITING SHADE nalang daw magkita. Ayun! Kaya ayun ang title. Hindi pa dun natapos. Sa Burnham Park naman, ang tawag nila BURHAM, BORNHAM, etc. Wahaha! Ang sama talaga eh. Pati yun, napapansin.

Ito lang yung ilan sa pictures na nakuha namin. Dito at dito yung iba pa.

Currently Listening To: The Fray - Fall Away

aMAYzing!

Friday, May 4, 2007

Wahaha! Kuha ko lang to sa ABS-CBN. Amazing, diba? Haha! Wala lang. May na kasi eh. Tapos summer na talaga para sa akin. Wala na masyadong gagawin.

Next week, merong swimming ung Carrido. Hindi pa alam kung saan kaya pag-uusapan nalang nila sa Sunday sa Lucena. Hehe. Excited na ko. lol.

Tapos meron din atang outing kaming pamilya. Kami lang :P Hindi pa rin sigurado kung kailan at saan. Pero sana matuloy. Haha! Gusto kasi ni Mina, sa Baguio eh. Kaya lang ayoko. Lagi nalang kasi dun eh. Di na nagsawa. Pero bahala sila. Sila may pera eh. Hehe :)

Wahh! Excited na ko. Uulitin ko... Amazing, diba?

Currently Listening To: INXS - New Sensation

First of Summer

Monday, April 9, 2007

Pumunta kaming Ouan's Worth Farm and Resort sa Lucena kahapon. Biglaan nga un eh. Haha! Buti nalang pala sumama ko nung Sabado puntang Lucena. :)


Hindi nga lang ako nakapag-swimming ng matagal, kasi ang lamig ng tubig eh. Nabigla! Hehe. Tapos medyo madumi pa yung tubig sa pool. Hindi pala medyo, napaka pala. Summer Family Outing kahapon sa Ouan's kaya naman marami silang pakulo. Nandun sina Mr. Lactobacilli, at Jollibee! Takot nga si K-ann kay Yakult eh. Haha! Tapos meron ring Easter Egg Hunting. Wala nga lang kaming makita. ^_^

Namalagi nalang ako sa pwesto namin dun dahil maraming pagkain. Sarap nung crinkles. Hehe. Nakipaglaro nalang ako kina Mina at Papa ng Pusoy at Tong-hits. At nakinig ng music. Haha! Umuwi na kami pagkatapos mag-swimming ng mga bata-batuta :P

Music: Parokya ni Edgar - Gitara

Whatthe?

Tuesday, May 2, 2006

Last Sunday:
→ Pumunta kaming Beachwood Resort, Sariaya, Quezon kasama ang Interphil Laboratories Inc. para sa isang summer outing, mga 6 am.
→ Pinalabas sa bus ung Shrek. Pero nung mga 30 minutes na, tinulugan ko na at nung nagising ako, may bago ng pelikula, di ko alam title kasi tulog ako, hindi ko nasimulan.
→ 8:30 am na kami nakarating sa Beachwood Resort
→ Hindi naman ako masyado nakapagswimming dahil wala naman ako masyadong kakilala dun. Kasama ko lang nag-swimming si Steven.
→ Umuwi na ang Interphil ng 3 pm at kami ni Mama ay natira dahil dun rin kami magaa-outing ng overnight kasama naman ang Carrido family. 4 pm ang in at 4 pm din kinabukasan ang out.
→ Naghintay kami ni mama sa kanila. Wala akong magawa kaya nagswing nalang ako mag-isa.
→ Nagtamo ako ng isang mahabang sugat sa may hita habang nagsiswing ako, kasi may nakatusok dun sa swing na bakal. Ewan, basta nakakatusok. :(
→ Ayun, dumating na sila sa wakas. Kumain muna kami tapos diretso nang swimming.
→ Sa kaanuhan, nalaglag ung eyeglasses ko sa pool na 4 ft. ang lalim. Hinanap ko ng todo-todo, mga 6 minutes. Nang biglang may nakakita, natapakan raw niya.
→ Ang tagal namin sa pool ng mga pinsan ko. Naglaro pa at kung anu-ano pang ginawa!
→ Diretso kaming beach. Ang liit ng sakop ng Beachwood Resort. Ang babaw pa nung pumunta kami.
→ Medyo madali-dali lang kami dun at bumalik na rin ng swimming pool. Hanggang 8:30 pm ako dun at umalis na rin.
→ Hindi ako agad nakaligo. Nalock kasi ung pinto ng cr sa duplex room. Too bad!
→ Tapos yun. Nandun nalang ako sa kwarto, kumakain ng pringles at lays. Wahaha!
→ Binigay ni Tita Merlyn ung wallet ko na inorder sa Nathaniel.
→ Natapos na rin ung mga pinsan kong magswimming.
→ Natulog na rin ung iba. Ako naman katext ko si Alyzza Kamille, tungkol sa pbb, hanggang sa makatulog na ako.
→ Nang biglang may nagpapaputok ng baril. Deadma lang. Kaya lang ang iingay ng mga tao eh, kaya nagising rin ako. Hindi ko na inalam pa ung nangyayari sa labas.
→ Hindi agad ako nakatulog. After 30 minutes lang ako nakatulog ng mahimbing.

Yesterday:
→ Nagising ako mga 1:30 am. Lahat tulog kaya natulog ulit ako. Wahaha!
→ Nagising ulit ako. Narinig ko na nagsiswimming na ung iba, kaya bumangon agad ako at nagswimming na rin.
→ Una sa beach. Hindi ako masyado naligo dun kasi unti nalang kami eh.
→ Diretso na kami ng swimming pool. Matagal-tagal rin kami dun.
→ Naglaro pa nung hahanapin ung bato *imbis na piso* sa pool. Yung sa pambata at tsaka sa 4 ft.
→ Napagalitan kami ni Kakang Cely kaya tumigil na kami.
→ Wala kaming magawa kaya tinuloy namin. Ako nagsimula! Hehe! Napagalitan ulit kami kasi sinumbong kami nung ibang bata dun.
→ Nagtamo ako ng tatlong sugat: isa sa balikat, isa sa tuhod, at isa sa binti. Parang nakipagbugbugan sa dingding ng pool eh. Hehe!
→ Umalis na ako sa pool mga 9 am. Naligo na ako kasi si Mina may pasok sa araw na iyon.
→ Nag-swing at tsaka nagpicture-picture sa kung saan-saang bahagi ng Beachwood: sa swing, sa beach, sa function room, etc.
→ Natapos na rin ung iba pang mga bata. Nahintay pa namin.
→ Sabay-sabay pa kaming nakauwi, na dapat kami ang mauuna.
→ Si Mina talaga, ang lakas ng impluwensiya! Hehe!
→ Yun! Umuwi na kami, mga 12:45 pm. Nakatulog ako sa biyahe at 3:30 pm na kami nakarating sa bahay.
→ Sa pangkabuuan, nagtamo ako ng apat na sugat. Ang malas ko nung outing na yun. Muntik nang mawala ung eyeglasses ko, nalock ung cr nung maliligo na ako, nasugatan, sinipon, at kung anu-ano pa.

THE END

Music: Switchfoot - You

Outing

Friday, April 28, 2006

Dalawang tulog nalang, outing na namin! hehe! Outing/overnight swimming/reunion namin sa sunday ng 4 pm hanggang monday ng 4 pm. For the first time, nagplano ang mga tao kung saan at kailan mag-aouting, kasi nung mga nakaraang outing namin, hindi pinaplano kung saan at kailan basta mahalaga makapag-outing. Haha! Last week lang ata nakapili ng resort na aming pupuntahan, sa Beachwood, beach and pool resort sa Sariaya, Quezon.

Dati, ang mga pinagpipiliang resort ay yung mga nasa Laiya, San Juan, Batangas. Kaya lang, ung iba, bawal magdala ng pagkain/bawal magluto. Yung iba naman, walang pool. Eh gusto ng marami na may pool para masaya! hehe! kaya dun nalang kami sa Sariaya.

Outing rin ng Interphil Laboratories Inc. sa Beachwood sa Sunday, pero hindi overnight, hanggang 3 pm lang sila, kaya 4 pm kami papasok dun. Pero kami ni mama, sasama sa outing ng Interphil kasi dun siya nagtatrabaho at tsaka meron kaming ticket. Hintayin nalang namin ang Carrido ng 4 pm.

Yun lang! Basta excited na talaga ako sa outing namin, kasi batong-bato na ako dito sa bahay! Hehe!

Music: The Killers - Mr. Brightside

With Mic-mic

Thursday, April 13, 2006

Pang-apat na araw na ng pinsan kong si Mic-mic na nagbakasyon dito sa 'min. Si Micah Abigail a.k.a. Mic-mic ay yung pinsan kong makulit, per0 matalino, syempre Carrido eh! Hehe! Wala naman kami masyado ginagawa dito sa bahay namin kaya tinuruan ko nalang sya maglaro ng mga computer games. Adik na adik na nga dun sa Spider Solitaire at tsaka dun sa Pinball. Kapag pinatigil na kami sa computer ng mga tao dito, nanono0d nalang kami ng TV. Hehe! Ang dali nga lang mapaiyak ni Mic-mic. Bigla ko nalang nakikita sa isang suLok, naiyak na pala. Dahil saken yun. Hehe! Maaga siya nagigising tapos manonood nalang bigla ng TV, kaya nagigising rin ako. Kulit-kulit talaga ng batang ito... pasaway! Pero kahit na ganun, masaya siya kasama. Hehe!

Uwi na nga siya sa sabado eh, April 15. Sasabay siya sa 'min. Punta kasi kami sa Lucena, birthday ni Tetet, isa pang makulit na kalaro ni Mic-mic. =)

Music: Santana feat. Steven Tyler - Just Feel Better