Showing posts with label family. Show all posts
Showing posts with label family. Show all posts

Baby

Tuesday, May 5, 2009

Music: U2 - Get On Your Boots

Happy Birthday! <3

Sunday, May 18, 2008

Photobucket

Happy Happy Birthday, Mina! God bless. =)

Music: Keith Urban - Once In A Lifetime

Simply The Best!

Thursday, May 15, 2008

Photobucket

Happy Birthday, Ma! =)

Belated Happy Mother's Day!

Music: Fall Out Boy - The Carpal Tunnel of Love

Nagpaparamdam lang

Monday, April 14, 2008

Nanood ako ng Juno, Enchanted at The Eye kahapon kasama si Mina. Wala na kasi akong magawa sa bahay kaya nanood nalang ako. Enjoy naman kahit papano. Haha! Gusto ko pa manood. Nakakatamad na kasi dito sa bahay eh.

Hindi ko pa alam kung saan ako mag-aaral. Haha! Sa April 23 na enrollment sa UST. Accountancy yung course. Pareho kami ni Karla. Kaya lang nagparecon ako sa UP. Applied Math at Statistics yung courses. Eh sa May 6 at 23 pa yun. Waaah... di ko alam. Awww...

Music: Fall Out Boy - Beat It

Holy Week at Baguio City

Saturday, March 22, 2008

Went to Kennon Road View Point, PMA, Camp John Hay, Burnham Park, La Trinidad, Mines View Park, and Lion's Head with Carrido Family =)

Other pics here.

Music: Kanye West feat. Dwele - Flashing Lights

218

Monday, February 18, 2008

Happy Birthday to ME! XD


Maraming salamat sa lahat ng bumati!

Sa aking pamilya. Sa IV-Pythagoras, na bumati sa 'kin bago mag-Flag Ceremony. Sa mga nagtext. Sa mga bumati sa Friendster, Y!M, etc. At sa lahat-lahat ng hindi nakalimot. Ehehe!

Maraming salamat talaga! Napakasaya ko ngayong araw na 'to. :D

galing kay Mina


Music: The Click Five - Happy Birthday :)

Good Morning, Baltimore!

Monday, August 27, 2007

Pinanood namin nung Saturday pagkauwi ko galing sa school ung Hairspray. Nilibre ako ni Mina. Ang ginastos ko lang, popcorn pati drinks. Tapos ako pa ung mas marami ung nakain. Haha!


Ayos lang naman yung pelikula. Kakatuwa. Pati ung mga kanta. Hahaha! :)) Kaya yun, pinaprint sakin ni Mina yung lyrics nung mga kanta sa Hairspray. Haha! Naadik. :D

Ito ung pangatlong pelikula na napanood ko ngayong August sa sinehan. Una, A Love Story. Tapos, Ouija. At ito ung pangatlo. Wahaha! Puro libre lahat ng yun! Hehe.

Music: Justin Timberlake - LoveStoned/I Think That She Knows

First of Summer

Monday, April 9, 2007

Pumunta kaming Ouan's Worth Farm and Resort sa Lucena kahapon. Biglaan nga un eh. Haha! Buti nalang pala sumama ko nung Sabado puntang Lucena. :)


Hindi nga lang ako nakapag-swimming ng matagal, kasi ang lamig ng tubig eh. Nabigla! Hehe. Tapos medyo madumi pa yung tubig sa pool. Hindi pala medyo, napaka pala. Summer Family Outing kahapon sa Ouan's kaya naman marami silang pakulo. Nandun sina Mr. Lactobacilli, at Jollibee! Takot nga si K-ann kay Yakult eh. Haha! Tapos meron ring Easter Egg Hunting. Wala nga lang kaming makita. ^_^

Namalagi nalang ako sa pwesto namin dun dahil maraming pagkain. Sarap nung crinkles. Hehe. Nakipaglaro nalang ako kina Mina at Papa ng Pusoy at Tong-hits. At nakinig ng music. Haha! Umuwi na kami pagkatapos mag-swimming ng mga bata-batuta :P

Music: Parokya ni Edgar - Gitara

Enchanted

Sunday, March 25, 2007

Tulad ng sabi ko, ito na yung ek. Laki nun! Haha! Corny ko, uwi na ko! Ride-all-you-can kami ni Mina tapos sila mama at papa naman, carousel special lang. Haha!

Pumunta kami dun mga 12:30 pm. Bumili agad kami ng souvenirs. Akin yung blue t-shirt at kay Mina yung polo shirt na white.

Una naming sinakyan ni Mina ay yung Wheel of Fate. Napagalitan pa nga kami dun eh. Lumipat kasi ako sa tabi ni Mina para magkasama kami sa picture. Kaya yun. Hehe.

Sunod ay yung Up, up and Away. Wala lang. Sumakay lang. ^_^ Sunod yung Roller Skater, parang kiddie version ng Space Shuttle. Gusto ko nga sa Space Shuttle eh, kaya lang ayaw ni Mina.
Flying Fiesta yung sunod… masaya rin naman kahit papano. Hindi ako umupo sa may gilid baka kasi tumalsik. ^_^

Tapos yung Anchors Away. Sakit sa tiyan nung una. Pero nawala kahit na nakasakay pa rin ako. Ginawa ko lang ay humiga/tumingala. Haha! Galing talaga nun! Sunod naman ay Grand Carousel… kasama namin si Mama. Pwede kasi siya dun. Kaya lang si Papa ayaw. Hehe!
Dumating na si Kuya at tsaka si Igie. Pumunta kami sa Swan Lake at sumakay sa swan. Eto lang ata nasakyan ko dati nung punta ko dito nung August, 1995 eh. Hehe. Malay ko ba nun. Hehe.

Tapos nun, punta kami sa Rialto. Nakalimutan ko na yung pinalabas. Wala masyadong kwenta. Hehe. Tapos nagyaya si Kuya sa Space Shuttle. Eh gusto ko dun kanina pa, ayaw nga lang ni Mina. Ayun, sumakay kami. Wala! Pumikit lang ako! Hahahaha!!! Parang wala lang. Ang galing ko na nun. Nakasakay na ko sa isang roller coaster. Ahaha!

Balik ulit kami ng Flying Fiesta. Doon na ko sa gilid. Di makaimik eh. Para kasing tatalsik dun eh. Haha! Tapos Jungle Log Jam. Magkasama kami ni Mina. Kami ata yung pinakanabasa. Sila Kuya kasi hindi masyadong nabasa dun. Daya! At sayang! Hindi namin nakuha yung picture ko dun. Nakanganga pa naman! Ayaw kasi ni Mama eh. Sayang talaga!

Kumain muna kami. Spiral Hotdog, Popcorn, 7-up. Yihee! At si Kuya, nagdrama pa dun sa tindahan. Landi wala!

Pagkakain, humiwalay na sila kuya sa amin. Nagkita nalang ulit kami nung sasakay na ng Rio Grande. Hindi ako masyado nabasa, unti lang. Hindi kagaya nila Kuya at Igie na basang-basa talaga. Si Mina talaga, hindi nabasa! Galing ng pwesto niya. Hehe.

Tapos nun, humiwalay na ulit sila sa amin. Kami naman ni Mina, sumakay ulit sa Anchors Away. Ganun ulit… tumingala lang ako. Haha!

Tapos nun, Grand Carousel na naman kami. Kaya lang kasama na si Papa. ^-^ Sunod, Roller Skater ulit. Naghiwalay kami ni Mina ng upuan kasi unti lang naman yung mga tao kasi gabi na. Up, up and Away ulit kami. Kami lang ni Mina yung nakasakay kaya naghiwalay rin kami ng upuan. Hehe.

Hayy… 7:45 pm na kami nakauwi. Aga nga eh. Pero ayos lang, masaya rin naman. Enchanting! Haha! At dahil dun, ang baba ko sa periodical test sa Algebra. Wahhh!! Laki siguro ng ibababa ko dun.

Music: Avril Lavigne - I'm With You

EK bago magtest

Friday, March 16, 2007

Pupunta kami ng Enchanted Kingdom sa Sunday dahil Family Day ng Interphil Lab. Sa monday, tuesday at wednesday na yung periodical tests. Kaya lang bago yun, magsasaya muna ko. Haha! :)

Pagkatapos ng isang dekada at mahigit, makakapunta na ulit ako sa EK. 1995/1996 pa ata yung huli kong punta dun eh. Basta yung unang bukas ng Ek. Haha! Wawa naman pala ko. ^_^

Okay. Yun lang. Mag-aaral nalang ako bukas ng maigi. Puro electives yung itetest sa monday. Trigonometry, Physics, Research at Culinary Arts/TLE. Yihee!

Music: Justin Timberlake - What Goes Around, Comes Around

Kaasar

Saturday, December 30, 2006

Nakakaasar!

Tunay na nakakaasar!

Papansin eh. Kanina "nagluluto" ako ng lucky me pancit canton. Gusto ni Mina may itlog. Kaya yun! Kumukulo na yung tubig. Sabi ni Mama, pag kumulo na raw, alisin ko na yung itlog. Eh umepal siya. Hindi pa raw luto yun. Papansin eh.

Tapos nanonood ako ng TV kanina sa taas. May tumatawag. Eh siya ayaw sagutin dahil ayaw niyang kausapin si Mama. Ewan ko kung bakit. Arte. Eh di dapat sinagot nalang niya at sabihing may ginagawa siya. Argh! Pero hindi pa dun natatapos yun. Eh di sinagot ko yung telepono. Sabi niya, sabihin ko kay Mama pag tinanong kung nasan siya, sabihin ko umalis. Ang sabi ko: "UMALIS DAW!" Haha! Nakakaasar kasi eh. Pinagalitan niya pa tuloy ako dahil sa "UMALIS DAW" na yun na dapat "UMALIS" lang. Haha! Nakaganti ako. Ayos lang na pagalitan niya ko. Hehe.

Pasensya na po. Naaasar lang. Hehe! *_* Maiba ko... HAPPY NEW YEAR!

Music: Thirteen Senses - Undivided

KKK

Pinanood namin kanina sa Festival Mall. Kasama buong pamilya except JR. Himala kung kasama yun! Hehe.


Maganda yung pelikula. Nakakatuwa! Yung kay Bronson, basta yung anak ni Cheena. Kawawa eh, nilait-lait! ^_^ Kakatuwa kasi yung itsura eh. Hehe. Isa pang nakakatuwa ay yung nung katapusan na... nung binuhat pataas [parang hinagis] ni Gina Pareño yung apo niya. Hahaha! Basta, halos lahat nakakatuwa. Acting na acting si Judy Ann. Adik! Lalo na dun sa part nung Kasalo... nung nag-iskandalo siya dun sa Japanese restaurant. Kung anu-ano yung pinagsasabi niya dun kay Juliana at tsaka nung pagkaalis niya dun sa restaurant. Para siyang loko. Haha! Tapos pinakita yung bloopers sa huli. Hahaha! Hahaha!

Gusto ko panoorin yung Shake, Rattle and Roll 8. Haha!

Music: Soapdish - Pwede Ba?

Part II ng Christmas '06

Tuesday, December 26, 2006

Ito na yung iba pang pictures namin kahapon at kanina. Yihee!
Cool Slideshows

Tungkol naman sa exchange gifts na naganap, kaming tatlong magkakapatid ay nanggaling sa mga taga-Villa San Roque. Galing! Haha! Ang natanggap kong regalo ay yung T-shirt na ang nakalagay ay LIGO: shower or pwede nang tabo! Haha! Ganda nga nun eh. Adik! :) Ang isa pang maganda ay yung makatanggap ako ng P80 mula sa tatlong tao: Tita Merlyn, Tita Mhe at Ate Jovel. Tatlong na yung nagbigay nun! Haha! :D

Currently Listening To: Paolo Santos - CLOSE

Christmas '06

tan2find_09Kahapon yung Christmas Party/Reunion ng Carrido sa Rosario, Batangas. Isa ako sa mga photographer. Haha! Ito nga yung ilan sa mga nakunan kong litrato. ^_^

Tinuturuan ni Mic-mic yung mga oldies na magsayaw ng BOOM TARAT TARAT. Haha!

Exchange gifts na! ^_^

Yung mga regalo nung malapit nang matapos yung party. Hehe.

Nagsasayaw si Mama at tsaka si Tito Tisoy. Yihee.

Yun lang yung ilan sa mga nakunan ko. Di ko na mailalagay lahat. Hehe!

Currently Listening To: Rivermaya - 214

Your Decision is Needed Right Now!

Thursday, December 7, 2006

Weh naman! Pansin eh. Nasa akin daw yung desisyon. Kung sasama raw ba ako papunta sa Lucena kasi may birthday party. Weh. Ang sabi ko nalang: Di na ko sasama. Pansin kasi eh. Argh!

Wala naman akong gagawin dun eh, bakit pa ko sasama? Dito nalang ako sa bahay. Marami pang magagawa. Baka utusan lang nila ako dun eh. Kaya dito nalang ako kahit mag-isa pa. Hmpf!

Ito yung invitation dun sa birthday party. Ang kyut eh. SUPER ZEPH! Punta kayo kung gusto niyo! Haha! Biro lang yun ha!

Music: Chris Daughtry - Hemorrhage

Undas

Wednesday, November 1, 2006

Pupunta na kami sa Batangas para dalawin sa sementeryo yung mga kamag-anak namin. Kaya lang nandito pa ko sa harap ng computer dahil ayaw magstart nung sasakyan :(

Dun sa Rosario, Batangas yung sementeryo namin. Uwi rin kami bukas ng maaga. Papasok ako dahil ipapasa yung compilation ng assignments at journal sa Advanced Algebra. Eh bawal na magpasa sa friday. Kaya yun...

O sige. Alis na ko. Sa muling pagbabalik! ^_^

Music: Audioslave - Be Yourself

Kagulo

Sunday, October 29, 2006

Hayy... tapos na sembreak! May pasok na bukas. Bukas na nga yung defense namin sa SIP eh. Hindi ko pa masyado naaaral, nakakatamad kasi eh! Haha! Pero maya-maya lang, aaralin ko na yun. ^_^ The Feasibility of Carica papaya as an antibacterial agent against Staphylococcus aureus. -Papaya Group-

Kahapon nakakatuwa eh. May mga nagdrama dito sa bahay. Mga, dahil dalawa sila... si Kuya at si Tito. Haha! Kasi ganito yun... inutusan ko si tito na bumili ng card, eh lasing siya. Kaya yun, napakaingay sa labas tapos narinig siya ni kuya, nagalit. Pinapasok ko na si Tito sa loob ng bahay, nag-iingay na naman siya. Tapos nagalit ulit si kuya, bakit di pa daw natutulog. Tapos yun... galit na galit na si kuya. Pinapalabas niya si Tito pero kanina pinapatulog niya. Nang makalabas na si Tito, nagbasag si kuya ng bote sa harapan nito. Eh ako naman, wala lang. Nanonood lang ako ng Wowowee. Pagkatapos ng basagan, biglang nagdrama si Tito at umiyak. Yihee! Tuwang-tuwa ako ng mga oras na yun eh. Hindi dahil sa awayan, kundi dahil sa dramahan. Haha!

Currently Listening To: Rico J. Puno - Ang Huling El Bimbo

A Medal at My Bro's Day

Monday, September 18, 2006

Today is my Kuya's birthday and he's turning 21. My Mom just cooked food at home and my bro just invited some of his classmates and friends.

I'm happy and surprised when I went home from school because different types of food awaited me. I thought that only few will be cooked because Mom said that my bro will just spend his birthday with his friends. But never mind with that thing. Important is that there's food. Just kidding! What is really important is that my bro had just been a year older. :)

And btw, I just got my first ever medal at MunSci this day for winning second place in Pagsulat ng Sanaysay. It was totally unexpected. Hehe!

Music: The Beatles - While My Guitar Gently Weeps

Parang bata!

Tuesday, July 25, 2006

Nagpunta nga pala kami sa SM Southmall Storyland nung Sabado kasi birthday nung anak ng officemate ni Mama. Kaunti lamang yung mga nakarating. Pero ayos lang, masaya rin naman. Merong face painting kaya lang hindi ako nagpaface paint. Meron ding magic show. At syempre hindi mawawala yung kainan. Haha! Galing sa McDo yung kinain namin.

Meron din nung Ride-All-You-Can. Una kong sinakyan yung Roller Coaster. Nakisigaw na rin ako dun sa mga nasigaw eh. Wala kasi akong magawa. Hehe! Yung iba ko pang sinakyan ay yung Bumble Bee, Airplane, Merry-Go-Round, tapos ung naikot na mabagal [hindi ko alam yung tawag eh]. Hindi lang ako sumakay sa Bump Car. Hindi ko alam kung bakit. Basta! Masaya-saya rin naman kahit papano. Parang bata eh noh?! Haha!

Music: Avril Lavigne - Why

Back to Back

Sunday, July 23, 2006

A while ago, my sister and I watched two movies at our place. They're entitled Final Destination 3 and She's The Man. These two films have already been previewed in the cinemas. We just watched these because we're really bored and we wanted to enjoy our day.

Final Destination 3 is the sequel to the films, Final Destination 1 and 2. It has a tagline which is

This ride will be the death of you.

It is set in a rollercoaster. This film talks about a high school student who fails to stop the fated rollercoaster ride that she predicted would cause the deaths of several of her friends. She teams with her schoolmate in a race against time. It's a horror film and so gory because of the cause of their deaths such as bodies burned, beheaded and bodies cut into half.

Another film we watched was She's The Man. It's so interesting! A girl disguised as if she is her twin brother and come to his brother's school to join the soccer team in order to prove that she can do it even though she's a girl. It's a great film! =)

Music: Third Eye Blind - Deep Inside of You