Reming

Thursday, November 30, 2006

Dahil sa kanya, hindi natuloy yung speech choir sa school namin. Buti naman! Haha! Joke lang! Walang pasok kanina dahil kay Reming at bukas naman dahil kay Bonifacio at kay Reming na rin. Haha! Buti naman kung ganun. Makakapagpahinga na ko mula sa gabi-gabing pagpapractice para sa Speech Choir namin: The Inevitable Day. Kaya lang baka mawalan na naman ng kuryente. Malas yun. Wahh!

Balita ko, sa Tuesday na raw yung Speech Choir. Buti naman. Hehe. Kaya lang may practice pa kami sa Saturday. Yihee! "Faustus, O Faustus. Now has thou but one bare hour to live... O spare me, Lucifer! at ang paborito kong part: This soul should fly from me and I be changed, into some brrrrrrrrrrrrrrrrrutish beast!" Haha!

Gagawin ko na yung project sa Filipino... magsusuri ng tula: Kundiman ng Buhay. Matatapos ko na, malapit na! Hehe. Baka kasi mawalan na naman ng kuryente eh.

25 days to go before Christmas. Yihee! Lapit na... magbakasyon! Hehe. Yun lang!

Music: Smashmouth - Why Can't We Be Friends

Obsessive

Wednesday, November 29, 2006

You Are 68% Obsessive

You tend to have obsessive thoughts, and sometimes these cross over into your daily life.
While everyone does have a few weird rituals, you have to work to keep yours from taking over your life.

Music: Jesse McCartney - She's No You

Wheel of Fortune!

You are The Wheel of Fortune

Good fortune and happiness but sometimes a species of
intoxication with success

The Wheel of Fortune is all about big things, luck, change, fortune. Almost always good fortune. You are lucky in all things that you do and happy with the things that come to you. Be careful that success does not go to your head however. Sometimes luck can change.

What Tarot Card are You?
Take the Test to Find Out.

Music: Duncan Sheik - Barely Breathing

55%

Sunday, November 26, 2006

Gaano ka kawalang-hiya sa classroom

[] Ginagawang Basketball/ Volleyball or kahit anong sports ang classroom niyo
(Sorry... Hindi ako mahilig sa sports)

[x] Palabas-labas ka ng room pag nababagot
(At umuupo dun sa may pasamano)

[x] Sumisigaw ka at ginagawang playground ang room pag walang teacher
(playground! haha! patawa ka naman)

[x] Hindi ka nakikinig sa mga sermon nila at madalas ay nakikipag usap ka pa sa classmate mo
(Minsan lang naman eh)

[x] Nangongopya ka o nagpapakopya ka kahit short quiz lamang
(syempre naman! buong section ata namin)

[] Nahuli ka na pero hindi ka pa rin tumitigil sa pangongopya (Galing ata kami. Haha!)

[] Tinataasan mo ng boses ang iyong titser
(Bastos ko naman nun. Tama na yung hindi pakikinig minsan)

[] Nakikinig ka sa ipod/mp3 mo habang naglelesson ang iyong titser (Try ko nga)

[] Nangdoktor ka na ng mga test paper (Go Mikel! Haha!)

[x] Pinagtatawanan mo ang teacher mo at kahit anong simpleng bagay na mapapansin mo sa clasrum
(Di ko naman minsan sinasadya na tingnan yung kung anumang bagay yun eh... eh syempre ako pa, kahit anong mapansin, pagtatawanan! Haha! Sama)

[x] Nagsusulatan kayo ng mga kaklase mo habang nagtuturo ang inyong guro
(Minsan lang naman, pag nakakatamad makinig)

[] Kapag umalis ang inyong guro ay tinitingnan mo ang kanyang lesson plan
(Ano namang mangyayari pag nakita ko?)

[x] Kumakain ka habang nagtuturo ang inyong guro (Minsan pag gutom na gutom na talaga ako)

[x] Nagtetext ka habang nagtuturo ang inyong guro
(Minsan lang din naman eh)

[x] Tumatayo ka sa klase kahit hindi ka sinasabihang tumayo
(Hindi lang naman ako yung nagawa nun eh... halos lahat! Haha!)

[] Nagsusulat ka sa blackboard para asarin ang adviser sa pagkaubos ng chalk
(How sad?! Nakawhiteboard po kasi kami eh)

[x] Pag walang kwenta ang subject at ang teacher sadyang masarap matulog (Zzzz)

[] Idinodrowing mo sa notebook mo kung ano ang itsura ng titser niyo pag magalit
(Hindi nga ako marunong magdrowing eh... Wawa naman ako!)

[x] Dinadaldal mo ang mga tahimik sa rum pra 2luyan ng umingay ang klase
(Minsan lang pero sila pa nga yung dumadaldal sakin sa karamihan ng oras)

total: 11

Ngayun, i multiply by 5
11x5=55

55% ako kawalang hiya sa classroom!

Currently Listening To: MYMP - Get Me

Sudoku

Saturday, November 25, 2006

Sudoku - Ang larong kasalukuyang kinaaadikan ng III-Fleming, pero hindi naman lahat... yung mga wala lang masyadong ginagawa pag walang taughter este teacher pala. Haha! Yung Sudoku ay yung may numbers at may 81 na box na kailangan mong lagyan ng 1-9 kung saan walang magkapareho dun sa isang linya at kung saan-saan pa. Basta yun na yun. Hehe. Kasi itong Sudoku, pag nasimulan mo nang laruin, hindi ka na makakatigil pa. Maliban nalang kung wala ka nang sasagutan. Pero kung adik ka na at wala nang masagutan pang iba, mag-imbento ka nalang. Tulad nalang kahapon, habang nagsasagot ako, eh may mga mali akong kopya na numbers. Kaya yun, nasagutan ko pa at tinawag ko na itong #999 na ang level ay SUPER SUPER SUPER VERY VERY VERY HARD! Hahahaha! Basta yun na yun. Try nyo rin. Pero wag naman sana kayong maadik dito. Try lang. Yihee!


Music: 6 Cycle Mind - Sige

La Jota Moncadenia

Eto nga pala yung sasayawin namin para sa Cultural Presentation na magiging project namin sa MAPEH. Kakatuwa yung sayaw kahit na medyo nakakalito yung ibang steps. Nakakatuwa lalo na dun sa mabagal at tsaka napakabilis na parte. Yung iba nga hindi na masyadong inaayos yung sayaw eh... isa na ko dun! Haha! Ginagawa nalang naming katatawanan. Hehe. Partner ko nga pala si Kim a.k.a. Nuneg. Dapat nga pala habang nagsasayaw, laging nakasmile, tulad nito :D. Wala lang! Meron nga pala akong tawag sa mga galaw dun sa sayaw. Ito yung mga yun:

Taas-kamay - Ito yung sa step, brush, etc. Mabagal yung sa unang parte pero dun sa patapos na, napakabilis na!

Habulan - Eto yung sa gitnang part bago yung mabagal na steps. Dapat dalawa lang kami ni Kim, eh sumasali si Abby samin kapag wala siyang partner. Haha!

Hatakan - Ito yung sa paa. Hindi naman talaga hahatakin, mukha lang! Yihee!

Silipan - Eto na yung sa may mabagal na parte nung sayaw. Dun sa may iikot-ikot. Hehe.

Ikut-ikot hanggang makarating sa malayo - Pagkatapos yun nung silipan. Magkakalayo yung magpartner.

Yun lang. Haha! Wala lang yung mga yun. Imbento lang. IMBENTO c/o Abigail. Wala lang kasi akong magawa eh. Hehe.


Music: Mikalah Gordon - God Bless The Child

Angel turned Beast

Friday, November 24, 2006

Lapit na! Malapit na malapit na! 31 days nalang before Christmas! Hehe! Maiba ko, sa Wednesday/Thursday na yung Speech Choir namin. Pero ayos lang. Kalahati nalang naman ng isang stanza yung di pa namin napapractice. Yihee! Kakatuwa nga eh. Nung Monday, prinesent namin yung kalahati nung The Inevitable Day kay Ma'am Esguerra. Natuwa naman siya. Naka-93 pa kami. Yehey! Tapos kanina naman, prinesent namin yung unang four stanzas ng piece. Natuwa rin naman yung iba pang English teachers. At eto nga pala yung mga role ko sa speech choir: Angel. Hehe! kitang-kita naman eh. Haha! Kapal! Tapos bigla nalang magiging BEAST. Loko rin eh noh?! ANGEL tapos BEAST! Haha! Pero sa bagay, meron rin namang beast na parang angel ang katauhan, diba? Tapos na tayo dun, iba naman.

Hehe! Wala na kong mailalagay pa. Yun lang! *_*

Music: Chantal Kreviazuk - Leaving On A Jetplane

My Autobiography

Saturday, November 18, 2006

Prologue

1.Where did you take your default pic?
* sa beachwood resort

2.What exactly are you wearing right now?
* white t-shirt and shorts

3.What is your current problem?
* yung trabaho sa values educ.

4.What makes you most happy?
* buhay pa ko

5.What's the name of the song that you're listening to?
* Baby I'm Gonna Love You - Led Zepplin

6.Has anyone close to you died recently?
* wala naman

7.Do you ever watch mtv?
* Oo naman.

8. Whats something that really annoys you?
* masyadong makulit. Yung mahilig mangulit lalo na kapag may ginagawa ako :(
---------------------------------------------------------------------------------------------------
Chapter 1:

1.Last name:
* Barcena

2.Nickname(s):
* Jonathan, Jonats, Tan, Nathan, Otan, Athan, Utan, Buknoy, Buks

3.Current location:
* 2234 Batulao St. Holiday Homes, Ph. 2, San Pedro, Laguna

4.Eye color:
* black
---------------------------------------------------------------------------------------------------
Chapter 2:

1.Do you live with your parents?
* Oo.

2.Do you get along with your parent(s)?
* Oo.

3.Are your parents married/separated/divorced?
* married

4.Do you have any Siblings?:
* Oo. Dalawa.
---------------------------------------------------------------------------------------------------
Chapter 3: Favorite...

1. Ice Cream:
* Cookies and Cream

2.Season:
* Kahit ano.
---------------------------------------------------------------------------------------------------
Chapter 4: Do You..

1.Write on your hand:
* yes

2.Call people back:
* Malay

3.Believe in love:
* Siguro

4.Sleep on a certain side of the bed?
* Oo.

5. Have any bad habits?
* Oo naman. Ako pa! Hehe.

6. Any mental health issues?
* Uhmmm...
---------------------------------------------------------------------------------------------------
Chapter 5: Have You...

1.Broken a bone:
* Hindi pa

2.Sprained stuff:
* Syempre naman.

3.Had physical therapy?:
* Hindi pa

4.Gotten stitches:
* Hindi pa rin... at ayaw ko nun

5.Taken painkillers?
* Hindi

6.Gone SCUBA diving or snorkeling:
* Hindi rin. Gusto ko sana... Haha!

7.Been stung by a bee:
* Hindi pa

8.Thrown up at the dentist:
* Oo naman.

9.Sworn in front of your parents:
* Oo.

10.Had detention:
* Hindi ah...
---------------------------------------------------------------------------------------------------
Chaper 6: Who/What was the last

1.Movie(s):
* House of Wax

2.Person to text you?:
* Tanya

3.Person you called:
* Matagal na eh... nakalimutan ko na. Hehe.

4.Person you hugged?
* Mama.

5.Person you tickled?
* Haha!

6.Thing you touched?
* Keyboard at Mouse

7.Thing you ate?
* Yema, Hany, Hotdog, at V-cut

8. Thing you drank?:
* Tubig

9. Thing you said:
* "Ayaw ko nung ulam." Hehe. Sabi ko kay tito...
---------------------------------------------------------------------------------------------------
Currently Listening To: Kevin Covais - When I Fall In Love

Untitled

Ayos! Wala munang practice ng Speech Choir ngayong araw na to. Pahinga muna. Kaya lang kailangan nga pala magtrabaho para magkapera na ibibigay sa World Vision. Paggawa kasi yung topic namin sa Values Education eh. Kaya yun. Saan ako magtatrabaho?

Card Giving nga pala kahapon. Tsaka pinag-usapan ng parents yung tungkol sa JS. Nakakaasar! Bumaba ako sa Filipino ng two points. Ganun pa rin naman yung score ko sa periodical test. Napakababa lang siguro nung Term Paper ko. Argh! Sa ibang subject naman, ayos naman! Maraming malaki ung tinaas lalo na sa Elective subjects. Tapos yung average ko, tumaas ng 2.13 points! Yehey! At walang line of seven! Ayos yun! Sayang lang talaga yung Filipino :( Hehe.

Wala pa kong alam tungkol sa JS. Ang alam ko lang ay may P1,500.00 na babayaran. Hehe!

Music: Parokya ni Edgar - Alumni Homecoming

The Inevitable Day Part II

Monday, November 13, 2006

This is the piece we will present for the speech choir competition. This piece was taken from the Tragedy of Dr. Faustus by Christopher Marlowe. This is the line from the piece which is in different language:
O lente, lente currite noctis equi
It actually means:
Slowly, slowly run, O horses of the night
The meaning of this line is that it sums up Faustus' desperation and tragic nature very thoroughly. Once he didn't believe in death or in hell, sadly, how he realizes that those two things are the only reality he will have from then on.

Music: Daniel Powter - Bad Day

The Inevitable Day

Sunday, November 12, 2006

The Inevitable Day, galing sa The Tragedy of Dr. Faustus ni Christopher Marlowe. Ito nga pala yung ipepresent namin sa Speech Choir. Sa ngayon, kinakabisado ko na kasi sa November 29 na ito ipepresent. Lapit na pala! 17 days to go nalang! Argh...

Wala pa nga atang ten lines yung nasasaulo ko eh. Hindi ko rin maintindihan yung pyesang yun. Hehe. Masasaulo ko rin yung pyesang yun habang nagpapraktis kami sa kung saan mang lugar. ^_^

Kaya lang baka hindi na muna ako makapagblog sa mga susunod na araw, linggo, dahil sigurado, gabing-gabi na ako uuwi dahil may practice na ng speech choir. Aww.

Samantala/Meanwhile, 43 days to go nalang before Christmas at birthday ni Papa! Hehe. Yun lang. Pinapaalala ko lang.

Music: Hale - Broken Sonnet

Pampalipas-oras

Thursday, November 9, 2006

1. Anong pinagkakaabalahan mo ngayon?
∞ Wala naman. Ito lang.

2. Anong laman ng bag mo?
∞ Extra nb, ballpen, wallet, payong, at 12 little things na book

3. Kailan ka huling nagpunta ng mall?
∞ Matagal-tagal na rin.

4. Sino ang huling nagtext sa'yo?
∞ Krizia Aira Oclarit

5. Sinong tao ang huli mong nakausap sa fone?
∞ Sino ba? Ahh... matagal na eh. Nakalimutan ko na kung sino. Hehe!

6. Sino ang gusto mong makausap sa fone ngayon?
∞ Wala. Nakakatamad makipag-usap eh.

7. May out-of-town trip ka ba ngayong summer?
∞ Wala eh. Sama mo ko!

8. Anong gusto mong inumin ngayon?
∞ Malamig na tubig at tsaka orange juice.

9. Last movie na napanood mo?
∞ Monster Island. Pero di ko natapos.

10. May kaibigan ka bang psycho?
∞ Siguro. Haha!

11. Last time you called somebody stupid?
∞ Hindi ako nagsasalita nun. Ako pa! Bait-bait ko ^_^

12. What did you do on your last birthday?
∞ Nakatunganga lang sa bahay. Kumakain?

13. Bakit ka nagffriendster?
∞ Wala lang. Trip lang.

14. Kamusta ka naman dyan?
∞ Ok lang. Kahit wala na ako masyado masagot dito.

15. Describe mo naman ano nafifeel mo ngayon?
∞ Tuwang-tuwa. Tama ako sa lahat ng items kanina sa recitation sa Advanced Algebra. Sana nga mapasa ko yung quiz bukas eh.

16. Ano naman ang masasabi mo sa number 27?
∞ Divisible by 3. Number pagkatapos ng 26. Yun lang.

17. Ilang text messages ang napapadala mo sa loob ng isang araw?
∞ Depende... kapag unlimited ako, lagpas 100. Pero pag hindi at wala kong load, edi syempre wala. Haha!

18. Last time you felt guilty?
∞ Ewan.

19. Last time you bought something?
∞ Kahapon.

20. Ilang friends meron ka? real true friends?
∞ Hindi ko alam eh.

21. Any movie you're going to watch soon?
∞ Wala pa naman.

22. Kanino ka huling nabadtrip?
∞ Hindi ko na maalala eh. Hehe.

23. Do you like pasta?
∞ Oo naman! Ako pa!

24. Mahilig ka ba sa ice cream?
∞ Oo naman. Yung Cookies 'N' Cream.

25. Ano naman ang tingin mo sa da vinci code? the movie?
∞ Hindi ko pa napapanood eh. Sorry.

26. Anong model ng fone mo?
∞ N3220

27. Anong gagawin mo pagkatapos mo magsagot ng survey na to?
∞ Manonood ng The Amazing Race Asia at mag-aaral sa Advanced Algebra. Naks naman!

28. Meron ka bang namimis ngayon? Sino?
∞ Wala naman.

29. Kamusta naman kayo ng ex mo?
∞ Sorry. Wala kong XXX. Exklusibo, Explosibo, Expose! Haha!

30. Eh ang mahal mo?
∞ Wala.

Bagong Buhay

Tuesday, November 7, 2006

Huhu... Bagong buhay na!

Bakit? Mula sa pagsusulat ng napakahabang lecture... hanggang sa wala nang isinusulat. Wahaha! Nung mga nakaraang araw, hindi ako nagsusulat ng notes sa lahat ng subject kasi lagi kong nakakalimutang bumili ng ballpen... kaya nanghihiram nalang ako kay Tanya ng ballpen... at tsaka nakakatamad na kumopya eh. Hehe. Pero totoo, tinatamad na ako kumopya... hindi tulad dati na kahit na napakahaba nung lecture, kinokopya ko.

Hayy... buhay nga naman. 3rd quarter na... kaya naman dapat nang mag-ayus-ayos. Kung kailan 3rd quarter na doon pa ko tinamad. Arghh! Wala! Mas pinagtutuunan ko pa ng pansin tong internet eh. Hehe.

Buti nalang, naisipan kong iuwi yung mga notebook ko at magsulat ng notes sa Filipino at Chemistry. At sa kabutihang palad, tapos ko nang kopyahin kaya naman nag-iinternet na ako ;)) Mamaya nalang ako gagawa ng assignment sa Advanced Algebra. Yihee!

Music: Eraserheads - With A Smile

If...

Monday, November 6, 2006

If I am! Another waste of everything you dreamed of, I will let you down... If I Am! Only here to watch as you suffer, I will let you down...

If tomorrow never comes, Will she know how much I loved her, Did I try in every way... to show her every day, That she's my only one... And if my time on earth were through, And she must face this world without me... Is the love I gave her in the past, Gonna be enough to last, If tomorrow never comes...

If you wanna party, Baby its just you and me... Ive got what ya need, Dont conceal it... Tell me can you feel it, Wont you let me lead the way, Cos I wanna be your baby for life!

If I ain't got you baby... Some people want diamond rings, Some just want everything, But everything means nothing, If I ain't got you, yeah...

If I could... change the world, I could change the world, I would be the sunlight in your universe... You would think my love was really something good... Baby, if I could change the world...

If you really love me, won't you tell me... But if you really love me, won't you tell me... And if you really love me, won't you tell me... Then I won't have to be, Playing around...

Currently Listening To: The Elms - Hey Hey

World Vision

Sunday, November 5, 2006

This is an organization which aims to help unfortunate children have a better future with their education. As to partially fulfill the requirements in our Values Education course, we have to work in any kind of job available. The money that we will earn will be donated in the said organization.

As a student, I wanted to work to gain experience and at the same time earn money in order to help unfortunate Filipino children belonging in the World Vision.

This is a good thing for everyone because we could help children around the globe to get the education they deserve. Education is really important for all of us because it's the only thing we could bring until we grow old. :)

Music: Jars of Clay - Flood

High School

Saturday, November 4, 2006

1.Inaaway mo ba yung guard sa gate niyo pag di ka pinapapasok?
~ Hindi naman...

2. Lagi ka bang nalelate?
~ Hindi pa naman. Kaya lang sa flag ceremony, lagi akong late.

3. Complete uniform ka ba lagi?
~ Syempre ako pa! Pero minsan, nakakalimutan kong isuot yung ID ko.

4. Sumusunod ka ba lagi sa mga school rules?
~ Sa ngayon, oo.

5. Kumakanta ka ba ng Pambansang Awit at School Hymn?
~ Minsan lang.

6. Active ka ba sa klase?
~ Hindi masyado.

7. Mababa ba ang IQ mo o mataas?
~ Superior! hehe. joke lang. Above average ako. Ayon yun dun sa test dati sa school.

8. Nakikipagdaldalan ka ba habang naglelesson ang teacher?
~ Oo. Pag nakakatamad makinig dun sa lesson. Lalo na sa Filipino. Kung hindi ako makakatulog, makikipag-usap nalang sa katabi. Haha!

9. Hinaharass mo ba ang mga teacher niyo?
~ Hindi... Ano ba yan?!

10. Napapunta ka na ba sa prefect of discipline's office dahil sa kabalbalan?
~ Hindi pa naman. Sige subukan kong gumawa ng kabalbalan. Haha! Biro lang.

11. Napahiya ka na ba sa klase?
~ Oo. Maraming beses na. Lalo na dun sa D' Members sa AP! Pero masaya!

12. Napahiya ka na ba ng teacher sa klase?
~ Oo. Pero hindi kami nagkaklase nun. Pinalu-palo ako ni Auntie Liza o Ma'am Lacambra. Sumama daw ako dun sa LEAP program, eh sasama naman talaga ako :(

13. Gumagawa ka ba ng assignments o copy lang?
~ Pag alam ko yung lesson, gagawa ako. Kaya lang pag alam ko at wala nang oras para gumawa, kokopya nalang ako. O kaya naman pag di ko talaga alam yung lesson, kokopya nalang din ako.

14. Kumakain ka ba tuwing break?
~ Oo.

15. Ano ang first line ng School Hymn ninyo?
~ Wala eh. Eto yung sa San Lorenzo: With every step we take... di ko na alam eh. Hehe.

16. Naging medalist ka na ba?
~ Hindi eh. Wawa naman ako. Pero nakakagulat, nagkaroon ako ng medal sa Munsci... 2nd place sa Pagsulat ng Sanaysay! Naks!

17. Nangotong ka na ba sa kaklase mo?
~ Hindi. Masubukan nga.

18. Natutulog ka ba sa klase?
~ Minsan. Sa Filipino/Chemistry. Pero nagigising naman ako bigla. Haha!

19. Pumapasok ka ba sa ibang room kahit na may klase sila?
~ Kahapon. Sa room ng Priestley. Nagpasa kasi kami nung topic namin para sa project sa AP.
.
20. Gusto mo ba ang mga patakaran ninyo sa inyong eskwelahan?
~ Yung iba.

21. Nagtetext ka ba habang nagkaklase kayo?
~ Minsan. Pag ako ay tinatamad sa klase.

22. Nagdadala ka ba ng mga pagkain sa room niyo?
~ Oo naman. Wala namang nagbabawal na magdala ng pagkain sa room eh.

23. Ano ang pinakafavourite na subject para sa iyo?
~ Unified Math... kahit na mababa ako dun. At tsaka Filipino.

24. Natawag mo na bang "sir" ang ma'am nyo, at "ma'am" ang sir niyo?
~ Oo. Hehe.

25. Ano ang pangalan ng eskuwelahan mo nung HS?
~ Muntinlupa Science High School

26. Naaksidente ka na ba sa school? anong klaseng aksidente?
~ Muntik lang naman. Muntik na akong malaglag sa hagdanan ng school. Marami-raming beses na rin muntik mangyari yun.

27. Ano ang laging kinakain mong pagkain sa canteen?
~ Hani, Iced Tea?, Ham Sandwich at Tortillos[dati]

28. In general, love mo highschool?
~ Oo naman! Sobra!

Currently Listening To: Utada Hikaru - First Love (Piano)

Record Breaking

Nitong linggong ito, wala masyadong ginagawa sa school kaya naman marami-rami rin yung umabsent. 37 kami sa Fleming. Noong monday, walo yung absent sa section naman. Tapos naging 14 na nung tuesday. Nung thursday naman, pito nalang. At kahapon, tatlo nalang!

Nung thursday, walong estudyante lang yung pumasok sa Fahrenheit. Grabe... kaunti naman nila. Sipag talaga ng Fleming, marami pa rin yung pumapasok. Haha!

Eto yung matindi: Kahapon sa Fermi, apat lang yung pumasok! Dahil dun, sinama nalang yung apat na yun sa iba pang 3rd year na section. Hehe. Gumawa daw ata kasi yung ibang Fermi nung board game nila sa AP kaya hindi sila pumasok.


Music: Creed - One Last Breath

November 6

Friday, November 3, 2006

Hayy... ako pa yung unang nabunot sa newscasting. Sa November 6 na ako magbabalita. Kasi naman. Ako pa yung unang nabunot :-(

Ito nga pala yung mga events na nangyari ng November 6 nang mga nakaraang taon. Hindi ko pa alam kung ano yung irereport ko. Hehe.

1900 - U.S. presidential election, 1900: Republican incumbent William McKinley is re-elected by defeating Democrat challenger William Jennings Bryan.
1913 - Mohandas Gandhi is arrested while leading a march of Indian miners in South Africa.
1917 - World War I: Third Battle of Ypres ends: After three months of fierce fighting, Canadian forces take Passchendaele in Belgium.
1918 - The Second Polish Republic is proclaimed in Poland.
1928 - Swedes start a tradition of eating Gustavus Adolphus pastries to commemorate the king.
1928 -
U.S. presidential election, 1928: Republican Herbert Hoover wins by a wide margin over Democrat Alfred E. Smith.
1935 - Before the New York section of the Institute of Radio Engineers, Edwin Armstrong presents his paper "A Method of Reducing Disturbances in Radio Signaling by a System of Frequency Modulation" (see: FM radio).
1939 - World War II: Sonderaktion Krakau
1941 - World War II: Soviet leader Joseph Stalin addresses the Soviet Union for only the second time during his three-decade rule. He states that even though 350,000 troops were killed in German attacks so far, that the Germans have lost 4.5 million soldiers (a wild exaggeration) and that Soviet victory was near.
1942 - SS City of Cairo sunk by German U-Boat U-68 in the South Atlantic en route to Brazil from Cape Town.
1944 - Plutonium is first produced at the Hanford Atomic Facility, subsequently used in the Fat Man Atomic bomb dropped on Nagasaki, Japan.
1956 - U.S. presidential election, 1956: Republican incumbent Dwight D. Eisenhower is re-elected by defeating Democrat challenger Adlai E. Stevenson in a rematch of their contest four years earlier.
1957 - Félix Gaillard becomes Prime Minister of France
1962 - Apartheid: The United Nations General Assembly passes a resolution condemning South Africa's racist apartheid policies and calls for all UN member states to cease military and economic relations with the nation.
1963 - Vietnam War: Following the November 1 coup and execution of President Ngo Dinh Diem, coup leader General Duong Van Minh takes over leadership of South Vietnam.
1965 - Freedom Flights begin: Cuba and the United States formally agree to start an airlift for Cubans who want to go to the United States. By 1971, 250,000 Cubans will take advantage of this program.
1971 - The AEC tests the largest U.S. underground hydrogen bomb, code-named Cannikin, on Amchitka Island in the Aleutians.
1975 - Green March begins: 300,000 unarmed Moroccans converge on the southern city of Tarfaya and wait for a signal from King Hassan II of Morocco to cross into Western Sahara.
1975 - The
Sex Pistols play their first concert at St. Martin's School of Art in London.
1977 - The Kelly Barnes Dam, located above Toccoa Falls Bible College near Toccoa, Georgia, fails, killing 39.
1984 - Ronald Reagan defeats Walter Mondale to be re-elected in one of the largest electoral landslides in United States election history.
1985 - In Colombia, leftist guerrillas of the April 19 Movement seize control of the Palace of Justice in Bogotá, eventually killing 115 people, 11 of them Supreme Court justices.
1985 - "
Irangate" scandal: The American press reveals that US President Ronald Reagan had authorized the shipment of arms to Iran.
1988 - Beatle Ringo Starr checks into an alcohol rehabilitation center.
1995 - Cleveland Browns owner Art Modell announces he is moving his team to Baltimore.
1998 - Hugo Chávez is elected president of Venezuela
1999 - Australians vote to keep the British monarch as their head of state in the Australian republic referendum.
2001 - Belgian national airline Sabena is declared bankrupt.
2001 -
Michael Bloomberg is elected mayor of New York City.
2001 -
David Trimble is re-elected prime minister of Northern Ireland
2002 - 12 people are killed in a fire on board a train headed for Vienna from Paris
2004 - An express train collides with a stationary car near the village of Ufton Nervet, England, killing 6 and injuring 150.
2005 - The
Evansville Tornado of November 2005 kills 22 in Indiana and Kentucky.
2005 - The military
junta of Myanmar begins moving its government ministries from Yangon to Pyinmana.

Yung kay Mohandas Gandhi na nga lang nung 1913 ^_^

Currently Listening To: Sarah McLachlan - Angel

Undas

Wednesday, November 1, 2006

Pupunta na kami sa Batangas para dalawin sa sementeryo yung mga kamag-anak namin. Kaya lang nandito pa ko sa harap ng computer dahil ayaw magstart nung sasakyan :(

Dun sa Rosario, Batangas yung sementeryo namin. Uwi rin kami bukas ng maaga. Papasok ako dahil ipapasa yung compilation ng assignments at journal sa Advanced Algebra. Eh bawal na magpasa sa friday. Kaya yun...

O sige. Alis na ko. Sa muling pagbabalik! ^_^

Music: Audioslave - Be Yourself