Manigong Bagong Taon!

Saturday, December 30, 2006

Lapit na magbagong taon. Ang ingay na nga dito sa 'min eh. Yung mga bata-batuta ang mga nag-iingay. Haha!

Ayoko ko pang pumasok sa school. Ang dali kasi ng bakasyon namin eh. Mga one and a half week lang. Gusto ko two weeks. Haha! Nakakatamad pa kasi eh. Hindi ko pa nga matapos-tapos yung librong binili ko nung Christmas eh... yung Stainless Longganisa ni Bob Ong. Pero nakakalhati na rin ako. ^_^ Dapat kasi matapos ko yun bago magpasukan kasi magbabasa na rin ako ng Noli Me Tangere. Magkakaroon kasi kami ng term paper eh. Yihee!

HAPPY NEW YEAR sa inyong lahat! Ingat lagi!

Music: Hale - Blue Sky

Kaasar

Nakakaasar!

Tunay na nakakaasar!

Papansin eh. Kanina "nagluluto" ako ng lucky me pancit canton. Gusto ni Mina may itlog. Kaya yun! Kumukulo na yung tubig. Sabi ni Mama, pag kumulo na raw, alisin ko na yung itlog. Eh umepal siya. Hindi pa raw luto yun. Papansin eh.

Tapos nanonood ako ng TV kanina sa taas. May tumatawag. Eh siya ayaw sagutin dahil ayaw niyang kausapin si Mama. Ewan ko kung bakit. Arte. Eh di dapat sinagot nalang niya at sabihing may ginagawa siya. Argh! Pero hindi pa dun natatapos yun. Eh di sinagot ko yung telepono. Sabi niya, sabihin ko kay Mama pag tinanong kung nasan siya, sabihin ko umalis. Ang sabi ko: "UMALIS DAW!" Haha! Nakakaasar kasi eh. Pinagalitan niya pa tuloy ako dahil sa "UMALIS DAW" na yun na dapat "UMALIS" lang. Haha! Nakaganti ako. Ayos lang na pagalitan niya ko. Hehe.

Pasensya na po. Naaasar lang. Hehe! *_* Maiba ko... HAPPY NEW YEAR!

Music: Thirteen Senses - Undivided

KKK

Pinanood namin kanina sa Festival Mall. Kasama buong pamilya except JR. Himala kung kasama yun! Hehe.


Maganda yung pelikula. Nakakatuwa! Yung kay Bronson, basta yung anak ni Cheena. Kawawa eh, nilait-lait! ^_^ Kakatuwa kasi yung itsura eh. Hehe. Isa pang nakakatuwa ay yung nung katapusan na... nung binuhat pataas [parang hinagis] ni Gina Pareño yung apo niya. Hahaha! Basta, halos lahat nakakatuwa. Acting na acting si Judy Ann. Adik! Lalo na dun sa part nung Kasalo... nung nag-iskandalo siya dun sa Japanese restaurant. Kung anu-ano yung pinagsasabi niya dun kay Juliana at tsaka nung pagkaalis niya dun sa restaurant. Para siyang loko. Haha! Tapos pinakita yung bloopers sa huli. Hahaha! Hahaha!

Gusto ko panoorin yung Shake, Rattle and Roll 8. Haha!

Music: Soapdish - Pwede Ba?

Sa isang eatery...

Thursday, December 28, 2006

Bago ko malimutan ang lahat, may ipapakita muna ko...

Ito na!
Habang papunta kami sa Batangas nung Christmas, nasiraan kami ng sasakyan. Nag-overheat. Hehe! Tapos nun, huminto kami sa tapat ng isang eatery, at yun ay yung nasa kaliwa... Espanol 888 Eatery. Haha! Tawang-tawa talaga ko dun sa pangalan eh. ^_^ Pati dun sa drawing, yung bowl tapos may star. Hehe. Hindi lang yun eatery. Meron pa silang tinda na mga sapatos, etc. Pero wag ka! Ang bait naman pala nung tao dun. Binigyan kami ng tubig para dun sa nag-ooverheat na sasakyan. Siguro ayaw lang nila na may nakaharang sa tapat ng kanilang eatery at nakakaabala. Haha! Biro lang :)

Currently Listening To: Bloc Party - THIS MODERN LOVE

Part II ng Christmas '06

Tuesday, December 26, 2006

Ito na yung iba pang pictures namin kahapon at kanina. Yihee!
Cool Slideshows

Tungkol naman sa exchange gifts na naganap, kaming tatlong magkakapatid ay nanggaling sa mga taga-Villa San Roque. Galing! Haha! Ang natanggap kong regalo ay yung T-shirt na ang nakalagay ay LIGO: shower or pwede nang tabo! Haha! Ganda nga nun eh. Adik! :) Ang isa pang maganda ay yung makatanggap ako ng P80 mula sa tatlong tao: Tita Merlyn, Tita Mhe at Ate Jovel. Tatlong na yung nagbigay nun! Haha! :D

Currently Listening To: Paolo Santos - CLOSE

Christmas '06

tan2find_09Kahapon yung Christmas Party/Reunion ng Carrido sa Rosario, Batangas. Isa ako sa mga photographer. Haha! Ito nga yung ilan sa mga nakunan kong litrato. ^_^

Tinuturuan ni Mic-mic yung mga oldies na magsayaw ng BOOM TARAT TARAT. Haha!

Exchange gifts na! ^_^

Yung mga regalo nung malapit nang matapos yung party. Hehe.

Nagsasayaw si Mama at tsaka si Tito Tisoy. Yihee.

Yun lang yung ilan sa mga nakunan ko. Di ko na mailalagay lahat. Hehe!

Currently Listening To: Rivermaya - 214

P 112,908.00

Sunday, December 24, 2006


My blog is worth $2,258.16.
How much is your blog worth?


Music: Rachael Yamagata - Be Be Your Love

Christmas Party, Munsci Pop Idol at Livewire '06

Friday, December 22, 2006

Christmas Party namin kanina. Ayos lang naman kahit papano. Pero mas masaya talaga nung II-Einstein kasi ang rami naming games nun eh. Ngayon, unting-unti lang. Pero masaya na rin kasi nanalo kami ni Julianne sa Newspaper Dance. Yehey! Syempre may kainan. Masarap-sarap rin naman yung mga pagkain kahit na naubusan ako ng chicken :( Tapos yung sa exchange gifts naman. Nabunot ko si Patricia, at ang nakabunot naman sa 'kin, si Angela, na medyo nahalata ko na nung simula pa lang. Haha! Ayos nga yung regalo niya sa 'kin eh. Yihee!

Pumunta kaming ilan sa Fleming sa Festival kasi mga 2 pm pa magsisimula yung Munsci Pop at Livewire. Kaya lang wala rin naman kami masyadong nagawa. Kami lang ni Juju yung dumiretso sa school kasi hindi manonood yung iba.

Munsci Pop Idol na! Isa sa anim na contestant yung kaklase ko, si Paul Homigop. GO HOMI! Siya nga lang yung third year na nakapasok eh. Pambato ng Third Year. Haha! Nakapasok siya sa top 3. Medyo sumablay nga lang nung kumanta na siya nung Kailangan Ko'y Ikaw. Kaya yun, pang-third place lang siya. Hehe. Pero ayos lang yun.

Livewire/Battle of the Bands na yung sumunod. Walang kasali sa section namin dun. Sila lang yung tumugtog sa simula. Sila yung PUGAD BABOY, sina Homi, Donuel at Niel. Haha! Ang gagaling nung mga kasali. Adik. Hehe. Tapos yung isa kong kaklase, nakakagulat. Eh kasi ang ingay nung nasa likod namin. OA na sa pagsigaw, papansin. Kaya yun, biglang nagalit yung kaklase ko at sinabi na "Hindi na kayo nakakatuwa!" Nakakagulat at nakakatawa talaga yung nangyari. Buti nalang at maingay at di narinig nung ibang tao. Haha! Tapos yun. Basta ang gagaling nilang lahat! ^_^ Mga lagpas 9 pm na kami nakauwi.

Music: Jesse McCartney - She's No You

Kahapon, stranded kami

Thursday, December 21, 2006

Stranded kami ni Jonnah kahapon dahil sa malaking sunog sa Tunasan. Dun sa may tabi ng Ultra Mega yung nasusunog. Hindi ko alam kung ano yung dahilan ng sunog :(

Nagpunta kasi halos lahat ng Fleming sa Festival kasi nga bukas Christmas party na. Bumili kami ng ipapang-exchange gift namin. Yihee! Saya-saya pa nga namin dun eh. 8 pm na kami nakaalis sa Festival. Nung pauwi na kami, hindi pinapadaan yung mga sasakyan sa may National Road. Yun pala ay may nasusunog na... di pa namin alam. Si Jonnah Riza lang yung kasabay ko kasi taga-Carolina siya. Hindi namin alam yung gagawin namin kaya pumunta kami sa bahay ni Patricia dahil sa JPA Subd. lang naman siya nakatira, malapit! Tumawag kami sa mga magulang namin. Sabi ni Mama, mag-isip nalang daw kami ng paraan kasi pag nagpasundo pa, hindi rin naman makakadaan :( Buti nalang naisip ko na may daan nga pala dun sa may bayan papunta sa Sto. Niño na lalabas sa may Shell. Hehe. Ako pa! Haha! Kaya lang nung una, wala kaming masakyan. Buti nalang may isang tricycle driver na napakabait at isinakay kami. Yihee! Pagdating sa tapat ng Shell, wala rin kaming masakyan kasi malapit-lapit na rin dun yung nasusunog, eh wala ngang pinapapasok dun. Kaya yun. Naglakad pa kami ng unti hanggang sa makasakay ng jeep. Nice one! Nice two! And so on... At nakasakay na nga kami. Yehey! Saya-saya ko nung mga oras na yun! Sobra!

Mga 10 pm na ako nakauwi ng bahay. Gamit agad ako ng computer at ginawa yung project sa Filipino, na sa kabutihang palad ay naipasa namin kanina. Buti nalang talaga! Hehe.

Music: Jason Mraz - Clockwatching

Birthday ni Joie

Wala masyadong klase kanina kasi naman, malapit na yung Christmas. MERRY CHRISTMAS! Eh sakto maaga yung uwian kaya dumiretso kami kila Joie kasi birthday niya. May handaan pa! Gutom na gutom na kasi kami nung mga oras na yun eh. Kaya yun! Sarap nung pagkain, lalo na yung spaghetti. Yihee! Tapos nun umuwi na yung iba. Unti nalang natira, kasama ko. Nanood nalang sila ng DVD, Desperate Housewives: Episode 1 lang. Inaantok kasi ako eh kaya di ko masyado pinanood. Yung iba naman tuwang-tuwa, parang mga baliw. Lalo na si Michael. Haha!


Music: Kamikazee - First Day High

Nabunot ko si...

Friday, December 15, 2006

Sikreto! Haha! Bakit ko naman sasabihin? Mamaya makapag-internet siya at mabasa pa niya to. Haha! Basta natutuwa ako at ayos lang ako sa nabunot ko. Close naman kami. Yihee! Kaya lang ang problema, hindi ko pa alam yung ibibigay ko sa kanya. Kasi dapat ang ibibigay mo sa kanya, yung bagay na napakahalaga sa'yo. Para hindi na gagastos. Hehe. Ano kaya ibibigay ko?


Music: Hale - Waltz

Cards w/ Virtue

Thursday, December 14, 2006

Hala! Pinapagawa kami ng Christmas cards bilang activity sa Values. Ayos lang naman kung gagawa eh. Kaya lang ipagbebenta pa sa napakalaking halaga! Mamaya walang bumili nun eh. Hindi pa naman ako ganun kacreative. Wala! Tapos habang ginagawa yung activity na yun, dapat pang isabuhay yung birtud ng paggawa, tulad ng honesty, determination, courage, cooperation, self-discipline, etc. Hehe.

Sabi nga pala ni Ma'am Calado, adviser namin, wala raw kaming Christmas party. Ano kaya yun?! Kasi raw, pag di pumayag yung adviser, di raw magkakaroon ng party. Birthday party! Haha! Pero sa tingin ko, papayag rin naman si Ma'am eh. Yihee!

May tanong po ako... Alam niyo po ba kung saan makakakita nung Angkan ni Elias? Haha. Assignment po kasi namin eh. Yihee!

Music: Hale - Liham

100

Wednesday, December 13, 2006

First time ko makaperfect ng quiz sa Advanced Algebra. 20 out of 20. Saya-saya! Yihee. Tungkol yun sa Matrices... yung adding, multiplying, etc. Tuwang-tuwa nga ako dun sa lesson na yun eh. Hehe! Kaya lang ang baba nung resulta nung sa 1st part nung summative test ko. Haha! Kanina nga pala tinest yung 2nd part nung test na yun. Tungkol yun sa matrices. Sana naman maitama ko yung mga yun. Hehe ^_^

Isa pang 100. Kaya lang ang babaw. 100 na yung testimonials ko sa Friendster Account ko. Hehe. Binigyan kasi ako ni Patricia eh. Thanks, Patty! Yun lang. Sige.

Music: Duncan Sheik - Half Life

Bababa na, Sayang ang Load!

Tuesday, December 12, 2006

Hindi ko alam kung matatawa ba ko o matatakot sa sinabi ng "MULTO" kay Ma'am Pangilinan. Hehe. Nagkwento si Ma'am sa'min kanina ng mga karanasan niya sa school tungkol sa MULTO.

Eto yung unang kwento: May GPTCAI noon, eh si Ma'am lang ang teacher na officer. Uwian na raw, wala siyang kasabay... alangan namang sumabay siya sa parents. Kaya tinext niya si Sir J na sabay sila sa pag-uwi. Eh hindi nagreply si Sir, kaya tinawagan na siya ni Ma'am. Nang biglang may sumagot, at ang sabi: "Bababa na, Sayang ang Load!" Kakaiba raw ang boses, nakakatakot! Hala! OKATOKAT! Hehe. Concern pa yung multo dun sa load ni Ma'am eh no?! Bait! Hehe.

Sunod na kwento: Walang pasok nun, sabado o linggo ata. Syempre, nandun yung security guards kahit walang pasok. Napansin ni Mang Benj na nandun si Ma'am Pangilinan sa kanyang classroom at may ginagawa. Yun pala, wala talaga si Ma'am dun. Sino kaya yun? Dumating si Ma'am mga after lunch. Sabi ni Mang Benj: O Ma'am! Bumalik ka na naman. Sabi naman ni Ma'am, ngayon palang raw siya pumunta doon kasi may kukunin siya. Ayon na yun!

Argh! Tumindig yung mga balahibo ko sa braso habang tinatayp yung pangalawang kwento. Hala! Katakot!

Currently Listening To: Nine Days - If I Am

Mahiwagang Drowing

Haha! Kanina wala kong magawa. Review lang para sa part ii ng summative test bukas sa Advanced Algebra. Eh nakita ko yung dinrowing ni Jason nung Einstein pa kami sa likod ng notebook ko. Hehe. Wala lang. Tinamad na kasi akong magreview eh kaya pinitsuran ko. Ganda kasi eh. Hehe. Eto yun oh:

Si Robert yung naglagay nung mga pangalan: Aira, Duer (di naman to Einstein eh, crush kasi ni Aira kaya yun), Abi D, Jonats at Mark. Hahaha! Mahiwagang-mahiwaga talaga ang dating oh! Syempre naman, cute ko eh... kami pala! Yihee! Ewan ko nga kung bakit napunta sakin yung drawing na yun eh. Hehe. Yun lang.

2 pm nga pala yung uwian kanina kasi TEACHER'S DAY raw. Eh gagawin na naman ng group ii yung sa Hamlet nila. Sumama na naman ako. Epal! Haha! Ayaw ko pa kasi umuwi eh. Pero hindi lang naman ako yung nandun na hindi nila kagrupo eh. Yihee! Kumain lang ako sa Jollibee kasi dun na naman sila gumawa eh. Dami ko nga nagastos eh. Hindi ko namalayan. Wala na kasing nanlibre eh. Hehe! Biro lang! Natapos naman nila yung script. 6 pm na nga pala kami nakauwi ng "GROUPMATES" ko sa English. Haha! Joke lang. Hindi ko pala sila kagrupo. Sige, Yun lang!


Music: Dr. Evil - Just The Two of Us

Famous Lines

"Hindi lahat ng green, masustansya!" - Plema

"Ayoko lang naman na sa harap ng maraming tao, ganun mo nalang ako kung ideny" - Utot

"Hay naku! Wag mo na kong bilugin!" - Kulangot

"Lintek namang buhay to oh! Itlog, itlog! Lagi nalang itlog!" - Brief

"Alam ko namang darating din ang araw na babagsak din ako!" - Suso

"Wag kang magrereklamong pinaiyak kita dahil nauna mo akong sinaktan!" - Sibuyas

"Adik man ako sa iyong paningin, subukan mo ako mahalin, maaadik ka rin" - Tambay

"Kinupkop niyo ako ng may pagmamahal, ni hindi nagkulang sa pagpapakain at pag-aalaga. Tapos, ipagpapalit niyo lang pala buhay ko sa pera?" - Hinanakit ng baboy sa sanlibutan

"Lapastangan! Simula ng dumating ka sa buhay ko, pakiramdam ko pasan ko ang daigdig!" - Sofa

"Hindi lahat ng bubuyog kulay itim!" - Jollibee

"Ikaw na nga itong nakaapak, kaw pa tong galit!" - Tae

"Hindi lahat ng pink, kikay!" - Majinboo

"Ginawa ko naman lahat para sumaya ka. Mahirap ba talagang makuntento sa isa? Bakit palipat-lipat ka?" - TV

"Sige! Magpakasaya ka! Alam ko namang katawan ko lang ang habol mo!" - Hipon

"Alam mo, wala na akong ibang hinangad kundi ang mapalapit sa iyo, pero patuloy ang pag-iwas mo!" - Ipis

"Ayoko na! Bakit kapag nagmamahal ako, nagagalit sila?" - Gasolina

"Kung ginalingan mo ang pagsupsop habang matigas pa ako, hindi ka malalagkitan o magkakatulo! Mabagal kang kumilos! Mabagal ka! Mabagal!" - Ice Candy

"Kunwari ka pang aalis! Sa akin ka rin naman bumabalik kapag gabi na’t pagod ka!" - Kama

"Sadista ka! Inantay mo pa talagang maubusan ako ng luha! Ipagpapalit mo rin pala ako sa iba!" - Ballpen

"I admit. Marami na akong pinadapa. Pinagapang. Nahulog sa kanal. Pinag-away. Nasaktan. Pero anong magagawa ko? Eh kayo ang naglalaway sa akin. I’m sorry." - Red Horse

"Hindi lahat ng dugo pwedeng i-donate" - Regla

"Ang yabang mo! Pinagtatawanan mo ako? Samantalang dati gustong gusto mo ako" - Nokia 5110

"Sige! Kalimutan mo ako! Para malaman ng lahat ang baho mo!" - Deodorant

"Hindi lahat ng walang salawal ay bastos" - Winnie The Pooh
"Oo nga!" - Donald Duck

"Hindi lahat ng hinog matamis." - Nana

"Hindi lahat ng maasim, may vitamin C" - Kili-kili

"Sikat talaga ako.Pag dumadaan ako, nagtitilian ang mga tao. Nagsisigawan. Nagtatalunan pa." - Daga

"Kelan kaya ako magkakaroon ng misis?" - Mr. Chips
"Ako nga din eh!" - Mr. Clean
"Bakit, kayo lang ba?" - Mr. Quickie
"Ako rin!" - Mr. Donut

"Pilit mo mang alisin ako sa buhay mo, babalik at babalik pa rin ako" - Libag

Yung iba nakuha ko lang sa blog ni Rowjielogy ^_^

Currently Listening To: Linkin Park - In The End

Kainan Moments

Monday, December 11, 2006

Kanina, sumama ko sa Group 2 at 3 dahil nagplano sila para sa ipepresent nila sa English tungkol sa Hamlet. Umeepal lang. Bigla nalang sumama. Ayoko pa kasing umuwi ng mga oras na yun eh, kaya yun, sinamahan ko sila. At ang naisipan nilang pagplanuhan na lugar ay yung Greenwich/Jollibee sa Bayan, Muntinlupa.

Habang nag-uusap sila, nag-order si Michael/Donuel ng makakain nila. Nang bigla nalang merong Pizza Square! Di nga namin alam kung sino nagbayad nun eh. Si Donuel o kaya si Michael. Si Mike kasi umalis pagkaorder eh. Hehe! Basta kain lang sila ng kain. Yung group nila Julianne, medyo nahihiya pa. Eh dun ako nakitable kila Julianne, kaya nahihiya rin ako. Haha! Ayos eh no?! Libre. Salamat ng marami sa taong nanlibre nun!

Pero hindi pa natapos. Bibili kami nila Riza at Julianne ng Jolly Twirl Crunch. Nililibre kami ni Riza, eh di kami makatanggi. Syempre naman! Haha! Biro lang. Ayaw niya kasi magpabayad eh. Pati tuloy sila Abby at Klyn nalibre niya. Hehe.

Wala rin naman sila masyado nagawa. Puro kainan lang. Haha! Nakiextra lang ako, nailibre pa! Hehe. Thanks sa mga nanlibre sakin. :)

Eto pa: Pauwi na ko, nakasakay sa tricycle. Eh nilabas ko yung cellphone ko... tinitingnan nung driver! Naghahanda na talaga ko kung pano yung gagawin ko. Hehe. Buti nalang! Ang galing ko talaga! Haha!


Music: Rachael Yamagata - Letter Read

From 85 to 79

Sunday, December 10, 2006

You Will Die at Age 79
You're pretty average when it comes to how you live... And how you'll die as well.

Music

Hahaha! Hahaha talaga!

Kanina lang, nanonood ako ng ASAP. Pop Music Awards diba, kaya nung opening number nila, kinanta yung MUSIC! Tapos bigla kong inilipat sa GMA, SOP. Sakto! Kinakanta rin sa kanila yung MUSIC! Wahaha! Kakatawa talaga! ^_^ Sa dami-dami ba namang kanta sa mundo, parehas pa wala! Hahaha! Nakakatawa!

Sige yun lang. Natuwa lang talaga ako kanina doon.

Marami pa kasi akong gagawin eh: magbabasa ng Noli Me Tangere, magsusulat sa Journal Notebook sa English, mag-aaral sa Chemistry at Advanced Algebra, may quiz kasi. Kaya alis na ko. Bye Bye!

15 days na nga lang pala bago mag-Christmas! Yehey! Lapit na! =3

Music: Kevin Roy and Cookie Chua - Jam

Imbento!

Friday, December 8, 2006

Kanina sa Trigonometry, may summative test kami. Nakakainis! Bakit? Kasi naman eh. Nakalimutan ko yung COSINE LAW, yung formula! Eto kasi yung totoo:

a² = b² + c² - 2bc CosA

Nagkamali ako. Wala akong 2 dun sa bc... dapat 2bc. Argh! Nag-imbento na naman ako. Grabe! Mali na ako sa ilan sa mga items sa test ii at sa problem solving! Dapat pala SINE LAW nalang yung ginamit ko. Walah!

Maiba ko... bago na naman yung friendster, yung mga profile! Papansin eh. Hehe! Pero ayos lang. Bahala sila dun. Imbento nila eh. IMBENTO! Haha!

Music: Parokya ni Edgar - Alumni Homecoming

Noli Me Tangere

Thursday, December 7, 2006

Eto ulit ako! Simulan ko na ngang basahin yung Noli Me Tangere, yung Kabanata VII. Yun daw kasi yung pinakasimula nung istorya ng Noli eh. Hmm...

May tanong lang po ako.

Saan ba makakakita ng family (tree) o pamilyang pinanggalingan ni Crisostomo Ibarra ng Noli Me Tangere? Hehe. Thanks po.

Music: Jason Mraz - Geek in the Pink

Your Decision is Needed Right Now!

Weh naman! Pansin eh. Nasa akin daw yung desisyon. Kung sasama raw ba ako papunta sa Lucena kasi may birthday party. Weh. Ang sabi ko nalang: Di na ko sasama. Pansin kasi eh. Argh!

Wala naman akong gagawin dun eh, bakit pa ko sasama? Dito nalang ako sa bahay. Marami pang magagawa. Baka utusan lang nila ako dun eh. Kaya dito nalang ako kahit mag-isa pa. Hmpf!

Ito yung invitation dun sa birthday party. Ang kyut eh. SUPER ZEPH! Punta kayo kung gusto niyo! Haha! Biro lang yun ha!

Music: Chris Daughtry - Hemorrhage

Faustus, O Faustus!

Wednesday, December 6, 2006

Kahapon naganap yung Speech Choir ng MunSci. Yihee! Kaya lang... talo kami! Wahh... Pero ayos lang. Magaling kasi lahat ng Third Year eh. Hehe! Pero totoo naman yun eh. Dungis ko kasi eh kaya di kami nanalo. Hehe! Biro lang. Ang nanalo yung iii-Faraday. Kakatakot yung sa kanila. At ang balita, ang Fleming ang last place, section namin. Argh! Totoo kaya yun?! :(

Samantalang nung prinesent kay Ma'am Esguerra yung kalahati nung piece, kami yung first. Ano nangyari?! Hehe. Pero ayos na rin yun... saya naman eh, kahit na ang sakit sa mukha nung poster paint at glitters at tsaka kahit na narumihan ng tuluyan yung costume ko. Haha! Yihee!

Music: Nine Days - If I Am

Daming Gawain

Friday, December 1, 2006

Yes! Wala na si Reming! Wala nang practice ng Speech Choir bukas! Galing kay Karla, ang leader namin: “Hindi na tuloy practice tomorrow. Alagaan niyo nalang ang mga boses niyo para sa tuesday. General rehearsal sa monday sa school. Dapat lahat kayo umatend dun”. Yehey! Marami-rami kasi akong dapat gawin bukas na hindi ko nagawa kahapon at ngayon eh. Wawa naman ako. Hehe.

Buti nga kanina may nagawa akong kabutihan eh. Tinulungan ko si Mama na magkabit nung Christmas Tree na white. Medyo hindi nga lang maganda yung kinalabasan, parang nadaanan ni Fleming este Reming. Haha!

Bukas ang gagawin ko naman:
1) Pagsusuri ng tula sa Filipino. Hindi ko pa natapos eh. Argh!
2) Magpapagupit… haba na kasi ng buhok ko eh, para nang gubat. Hehe!
3) Magsusulat ng journal sa English(?) Ewan ko lang. Baka hindi na.
4) Punta sa mall para bumili ng kung anumang kailangan sa school at sa bahay.
5) At ang pinakamahalaga, magpakasaya! Hahaha! ^_^

Kanina nga pala bumili kami ni Mama nung Close-up na may kasamang CD, yung Season of Smiles. Yung mga kanta: Just A Smile, Close To You, Smile at Me, Close Encounter, at Season of Smiles. Hehe. Wala lang.

Music: James Blunt - Wisemen