Bandang 6:00 pm kagabi, nanood kami ni Mina ng tv nang biglang papatay-patay ung tv hanggang nawalan na talaga ng kuryente. Nagtawag si Papa ng mga may alam sa ganitong pangyayari. Hindi naman dito sa loob ng bahay namin ung problema. Sa may labas daw yung problema ayon sa mga batang naglalaro at kay Kuya, maingay daw ung sa wire at nakislap pa.
Hindi na bumalik si Papa dahil nagkaroon ng inuman sa tapat ng bahay namin at ang akala niya may kuryente na ulit. Ako lang ung nasa bahay kasi kaaalis lang ni Mina papuntang trabaho at si Kuya na hindi ko alam kung saan papunta. Si Mama naman pumunta sa burol nung kapit-bahay namin. Nandun lang ako sa loob ng bahay, nakatambay at nag-iisip.
Dumating si Tito at nalamang wala kaming kuryente. Bandang 7:30 pm, naghanap kami ng telephone numbers ng Meralco. Nakapagtanong kami sa kapit-bahay ng number at tinawagan namin ito.
Dumating dito ung truck ng Meralco at inayos ung problema. Sa isang ganitong panyayari, hindi talaga mawawala ang mga nakikitsismistingin, bata man o matanda...hehe! Bago mag-8, naayos na ung kuryente. Nang biglang umingay na naman at kumislap ung wire sabi ni Michael. Hindi naman pala kasi napaayos ung maingay na un. Kaya un. Kumukurap-kurap ulit ung mga ilaw at papatay-patay ung appliances. Akala namin maayos na, un pala hindi pa!
Tinawagan ulit namin ni Tito ung Meralco at sabi nila ang problema daw eh ung Emergency Line. Ayun ung maingay at kumikislap. Ang tagal nung truck ng Meralco, samantalang kanina ang dali-dali.
Pansamantala akong nahiga sa kama habang hinihintay ung truck ng Meralco at si Mama. Tumawag ulit si Papa sa Meralco dahil hindi pa nadating ung truck. Dumating na si Mama mga 11:30 pm.
Hindi nagtagal, dumating na rin ung truck ng Meralco. Inayos na ung Emergency Line na maingay at kumikislap. Bago mag-12, naayos na talaga ung kuryente. Sa wakas, makakatulog na! Hayy...
Ang hirap talaga ng walang kuryente! Hehe!
Music: Pras, Mya, ODB - Ghetto Supastar