Kanina yung Cultural Presentation "Handog" kung saan nagsayaw kami ng La Jota Moncadeña. Iba-iba yung sayaw ng Fleming. Merong La Jota Moncadeña, Polkabal, Bendian at Maglalatik. Dami!
Pumasok ako kanina ng mga mag-eeight na. Dala-dala ko na yung barong, slacks, belt, at sapatos. Kaninang umaga lang ako nagpalit ng bag. Eh nakalimutan kong ilagay yung castanets ko dun sa dala kong bag. Argh! Malas! Naalala ko nalang mga 12 nn na. Hehe!
Tinext ko si Mama na dalhin yung castanets sa school. Kaya lang, nanonood pala sila ng sine, You Got Me. Kakasimula palang nung 12:30. Pinayagan ko sila na manood na basta dala nila yung castanets ko. Haha! Hindi ko kasi sila inimbitahan na manood eh. Hehe! Ayun! Nagsisimula na nung dumating sila. Yihee!
Pampito kami na magprepresent. Medyo kinakabahan ako dahil dun sa palda ni Kim. Ang haba eh. Baka matapakan ko. AT YUN NGA, NATAPAKAN KO NGA! Kakagulat nga eh. Ang daming pumalakpak pagkasayaw namin. Hahaha! Tapos sabi naman ng ate at mama ko na maganda nga daw. Yihee! Dahil siguro yun dun sa Dramatic Scene! ^___^ Dun naman sa iba, ayos lang. Ganda rin!
At yun, sinisi nila ko dahil daw nanonood sila ng sine eh tinetext ko :). At pagkatapos nun, umuwi na kami ng di tinatapos yung programa nang biglang umulan. Kumanta kasi ng Dumbele yung MSHS Chorale eh. Haha! Oh yun lang! Geh.
Ay! bago ko makalimutan, Happy Birthday nga pala ulit kay Alexsa Beltran! Yihee!
Music: Greenday - Wake Me Up When September Ends
1 ang nagtaka:
pool heat pumps vs pool heaters runecloth bag wow
Post a Comment