Baha sa Espana

Saturday, August 2, 2008

June 26. Unang experience ko ng baha sa Espana simula nung nag-aral ako sa UST ay nung Campus Tour namin. Nagsimula yung Campus Tour ng College of Accountancy ng mga 1 PM. Medyo mainit-init pa. Starting point ay yung Plaza Mayor tapos sa field, Gym, UST Publishing House, CFAD Building, Arch of the Centuries nang biglang BOOM! Lumabas si Kapitan Boom! Nyahehe! Kurne! Nang biglang lumakas ang ulan. Tinigil muna yung Campus Tour dahil napakalakas na ng ulan. Sumilong muna kami sa Alumni Hallway. Wala namang nangyayari, nagpapakabasa lang kami. Haha! Kaya dumiretso kami sa carpark. Sinabi na di na tuloy ang Campus Tour. Wahehe! Malas e. Uwian na. Pero pagkatapos ng malakas na pagbuhos ng ulan na madalian, uuwi na sana ko. Pero nagsilabasan ang mga ipis na nangangahulugang may panganib. Hehe! Pagkakita ko, baha na agad pala. Ang bilis! Buti nalang nakita ko si Mike. Naghanap kami ng daan papalabas ng UST. At yun ay yung sa may sports complex at engineering building. Grabe e. Adventure talaga yun. Nagpedicab na si Mike puntang LRT Legarda. Naglakad ako sa Loyola St. at sumakay dun sa dela Fuente St.

July 16. Pangalawa ay papunta naman. Umaga palang, malakas na yung ulan kaya hindi natuloy yung P.E. namin. Umuwi na muna ko. Tapos nung papasok na ko para sa regular class, tae! Baha na naman! Tinry kong lakarin, pero wala. Makahanap man ako ng daan, baha pa rin yung susunod. Haha! Kaya nagtricycle nalang ako. P20 rin yun. Sa Dapitan pa entrance namin. Kaya nalate ako ng 15 mins. Yun pala ay wala naman si Ma'am Bron. Nagmadali pa naman ako. Haha!

July 31. Nitong Thursday lang. 2 PM nun nang biglang lumakas yung ulan. Umaasa kami na isususpend na yung klase kasi baka maabutan na naman ng baha. Pero wala. Nagpatuloy ang klase. Akala ko, walang baha. Pero nung nasa hallway na ko, daming tao, kaya yun, baha nga! Nagsilabasan na naman ang mga ipis. Hehehe! Nakasalubong ko si Llana. Naghanap kami ng daan para makalabas. Nilakad namin mula alumni hallway hanggang main gate ng P. Noval. Layo. Dumaan pa kami ng stage. Hahaha! Nilakad namin hanggang Espana. Syempre baha-baha pa rin sa may gilid kaya adventure ulit yun. Haha! Tinry sumakay ni Llana ng pedicab tungo sa LRT Legarda. Kaya ako nalang mag-isa. Nang biglang may tumawag sa kin. Si Kleng pala, elementary classmate. Hehe! May hinihintay siya. Tapos sumunod sa 'kin si Llana kasi mahal yung pedicab. Tinawid namin hanggang dun sa kabilang overpass dun sa may McDo, KFC, 7-11. Dun sa may Lerma na ata yun. Hehehe! Nilakad namin hanggang sa makasakay na siya ng pedicab. Naghanap nalang ako ng daan. Tinry kong sumakay sa may Loyola St. Pero wala akong napala. Kaya hanap pa rin ako ng daan, umaasa na makakasakay ng jeep. Hanggang sa malapit na pala ko sa bahay. Hahaha! Hindi ako namasahe pero parang ganun din. P5 + P2 sa pagtawid sa bangko. Ehehe! 5 na ko nakauwi. Waahh!!! Ayoko na. Hehe!

Bawat araw ng baha may kakaibang adventure e. HAHA!


Music: Paramore: Misery Business

2 ang nagtaka:

ann said...

sa tapat lang ang bahay, inabot ng 2 hours! para kang umuwi sa'tin.

more mishaps to come! hehe. :D

Jonathan said...

oo nga e. dagat na dagat kasi e. Haha!

daily mishaps. :))