Prelims Exam Week

Sunday, August 17, 2008

Whew! Tapos na rin. Haha!

Monday.
Filipino yung exam namin. Maaga akong dumating sa school kasi di na ko dumaan ng bahay. Mga one hour before the time andun na ko. Buti nga yun e. Haha! Kasi kung di ako dumating ng maaga, baka wala ako masyadong naisagot sa exam. Bakit? Kasi di naman pala kasama yung mga nireview ko sa bahay gaya ng Kasaysayan ng Wika, Morpema at Ponema. Haha! Dun ko lang nalaman yung mga kasali. Hehe! Wawa naman. Pero ayos lang naman yung quiz. Ang mahirap na part lang ay yung paglalapi. =)

Tuesday.
Mas maaga ang dating ko kesa nung Monday. Theology at Biology yung exam. Nakakalito yung True or False at Identification sa Theo pero yung iba, ayos. Haha! Sa Bio naman, sineseryoso ko yung pagrereview ng Photosynthesis. Buti nalang marami yung lumabas tungkol dun. Pero nakakaloko pa rin. Ang hirap.

Wednesday.
English ang exam. Madali naman kahit papano. Ang mahirap lang ay yung Prepositions. Haha! Ewan ko, basta nalilito ako dun. Lol.

Thursday.
Phil. History. Pinakamahirap na exam sa lahat. Nakakaloko yung test dun. Adik. Hindi namin kinaya. Hahaha!

Friday.
Simula na ng Departmental Exams. Philosophy at Algebra yung exams. Philosophy - Binasa ko talaga yung four chapters ng libro. May naintindihan naman ako. Wahehe! Ayun, naguluhan ako sa univocal, equivocal, at analogous, pati na rin sa types of definition. Hahaha! Ayos lang yung kagaya nung mga pinapaquiz samin ni Sir Pacquing. Algebra - multiple choice lahat. 23 items; 15 na 3 points each, 5 na 6 pts each, at 3 na 7 pts each. Medyo madali yung quiz kaysa sa inaasahan ko. Kasi sabi ni Sir Virty, napakahirap daw e. Hehe! Meron lang akong siguradong mali na isa. Haha! Ito yun: Which of the following is a polynomial? Haha! Sayang talaga yun. 3 points din. Dun talaga sa mga tanong na ganun ako nagkakamali e. Wahehe!

Saturday.
Last day na ng exams. BA na. Medyo mahirap yung sa Multiple Choice, lalo na dun sa organizational models. Hehe! Nakakalito e. Pero ayos na yung iba. :)

Nasa libro lang talaga lahat ng mga sagot e. Kaya dapat laging magbasa. Wahehe! LOL.


Music: Blake Lewis - How Many Words

0 ang nagtaka: