Favorite Group!

Monday, October 22, 2007

Ito yung naratib ko tungkol sa ginawa naming project sa Filipino:

Sa simula, napagkasunduan ng aming grupo na gawin na lamang pelikula ang napili naming akda – “Lupain ng Taglamig”. Matagal bago kami nakapagsimulang gawin ang plano, kaya naman naisipan namin na gawin na lamang drama sa radyo ang presentasyon. Para sa akin, mas magandang isapelikula ang akdang aming napili, ngunit kulang na talaga sa oras dahil sa dami ng ginagawa.

Sinimulan naming gawin ang proyektong ito noong Sabado, pagkatapos ng Adopt-a-non-reader Program. Hindi nakasama si Fedis Mahilum noong araw na iyon. Siya ang naatasang gumawa ng iskrip ngunit hindi niya naintindihan ang huling bahagi ng akda dahil sa ito’y sadyang masalimuot. Nagtulungan nalang kami sa paggawa ng iskrip noong araw ding iyon, ngunit hindi namin natapos. Umuwi na ang iba, kaya naman kaming mga natira na lamang ang nagrekord ng nasimulang iskrip. Ako ang nagboses sa bida na si Shimamura, sapagkat ako na lamang ang natitirang lalaki sa amin.

Huwebes na ng magawa namin ang pagrerekord. Pinatungan namin ang nairekord namin noong Sabado, sapagkat binago namin ang skrip. Ako dapat ulit ang magboboses kay Shimamura ngunit ako ay nagprisinta na maging narrator na lamang. Ako, bilang narrator, ay madalas magkamali sa aking mga sinasabi. Madalas rin akong matawa gaya ng aking mga kagrupo pag kami’y nagrerekord. Mayroon ring pagkakataon na mali ang pagkakabasa namin sa mga salita kaya naman nagtatagal pa kami. Ang isang maganda sa aming ginawa ay ang paggamit namin ng iba’t ibang tunog gaya ng electric fan, mga paa namin, at iba pa. Ngunit sa kasamaang palad, hindi pa rin namin natapos ang pagrerekord dahil hindi pa rin tapos ang iskrip at isa pa ay dahil gabing-gabi na at malayo pa ang tirahan naming magkakagrupo. Napagpasyahan namin na sa paaralan na lamang ituloy ang pagrerekord. Ngunit hindi naman namin nagawa at sinabing pag-uwi na lamang. Hindi dumating si Anthony Romero na naghahawak ng iskrip kaya hindi rin kami nakagawa.

Kinabukasan, araw ng pasahan ng proyekto, sa paaralan nalang kami nagrekord. Sa kabutihan palad, natapos naman namin ang aming proyekto. Hindi man masyadong maganda ang aming nagawa, masaya pa rin kami.

Nakakalungkot mang sabihin, hindi ko masyadong gusto ang aking grupo. Sa tuwing kami’y magmimiting ay wala kaming nagagawa o natatapos, sapagkat hindi lahat ay umaatend. Walang miting na ang aming grupo ay kumpleto. Maraming hindi pagkakaintindihan sa pagitan ng mga miyembro ng grupo. Pero kahit na ganoon, hindi ako nagsisisi sa lahat ng nangyari sa aming grupo."

Haha! Ganun talaga buhay. May mas malala pa dyan. Yung gawa ng iba ko pang mga kagrupo. :))


Music: Justin Timberlake - Like I Love You

1 ang nagtaka:

me-an said...

waahh!! you listened to me? haha! name-drop ba?!