Wala Lang!

Saturday, July 1, 2006

Haha! Matagal-tagal rin akong nawala dahil nga sa monitor na ito. Hindi naman pala ganun kahirap ang third year eh. Akala ko lang. Yabang eh noh?! Hehe! Baka kasi siguro first quarter palang kaya hindi pa mahirap. Haha! Hala ewan ko ba!

May pauso nga pala section namin. Magkakaroon ng TV yung classroom. Parang doon na kami titira. Haha!

Grabe! Improving mga score ko sa mga quiz ngayong panahong ito. Ano kayang nangyari? Kagaya pa rin naman dati yung kung pano ko nag-aaral [at nakakakuha ng mabababang scores]. Ang yabang eh noh?! Hindi naman... Ganyan lang talaga ang buhay! Drama! Haha!

Putakte! Ang sakit ng tiyan at mga braso ko dahil dyan sa curl-ups at push-ups na yan para sa P.E.! Sana naman mawala na ang sakit.

Music: Shooter - Life's A Bitch

0 ang nagtaka: