Third Year

Friday, June 2, 2006

Ilang araw nalang, pasukan na namin. Kaya lang hindi pa talaga ako handa. Hindi ko pa naaayos ung mga gamit ko, tapos napasarap na ako sa pagbabakasyon dito sa bahay namin kahit na boring. Parang tinatamad pa akong pumasok sa school. Tapos Third Year na, mahirap pa ung pinag-aaralan sa year na yun. Hayy...Ewan ko ba!

Parang mas gusto ko pang magbakasyon ng magbakasyon dito sa bahay kaysa mag-aral kasi wala naman gaanong ginagawa, pasarap lang sa buhay. Hehe! Pero mukha rin namang masarap sa Third Year, nakaka-excite kasi maraming magaganap, merong ganito, merong ganun! Ahh basta! Bahala na nga!

Lulubus-lubosin ko na ang mga nalalabing araw ng bakasyon. Gagawin ko na lahat ng gusto kong gawin kasi pag pasukan na baka hindi ko na magawa ang mga ito. *_*

Music: Ray J - One Wish

0 ang nagtaka: