Haha! Nalipat nga pala ako ng section. Pero hindi lang ako, madami kami. Inaasahan ko na naman talaga na may malilipat eh, kasi sabi sakin ni Mark inaayos daw ni Kim Muyula yung sectioning ng Third Year dahil dun sa Special Section (ung mga varsity, choir, dance, etc... Basta may koneksyon sa MAPEH), Faraday at Feynmann ata. Eh hindi naman ako kasali dun, kaya un! Kaklase kong Einstein ay sina Dariel, Abigail D., Christine, Klyn, Niel, Dan, Stef, at Cielo.
Tinatamad talaga akong pumasok nung Monday. Hindi pa ko handa. Na-late pa ako kaya hindi ako nakapili ng upuan ko. Pero okay na din yun kasi maglilipatan rin naman kapag meron na kaming adviser eh. Ang tagal nga naming magka-adviser, tatlong araw na... Wala pa rin! Haha! Kanina lamang kami nag-elect ng class officers kasi hindi na namin nahintay ung magiging adviser namin. Hayy... Sa mga third year ata, kami nalang yung walang adviser eh.
Nung Monday, dalawang teacher lamang ang umatend sa aming klase kasi wala yung iba. Tapos yun. Maraming teacher na nagsasabi na malinis daw yung room namin. Pero ang totoo, medyo madumi naman talaga. Kaya lang nila nasabi siguro yun kasi nakakadulas at hindi mo talaga mahahalata ung dumi. Hehe.
Tungkol naman sa eleksyon na nangyari kanina, okay naman kasi hindi na ako officer. Nung Second Year kasi ako ung Secretary ng Einstein eh. Buti naman ngayon hindi na! Pero nanominate ulit ako na secretary at nakakuha ng 13 votes. Nung pinasulat ung mga pangalan ng mga nominado, hindi ko talaga inayos ung sulat ko kasi ayoko na ulit maging secretary. Yung nanalo si Tanya na may 18 votes. Ayoko talaga, nakakapagod yun. Oo talaga! Si Stefanie na kaklase ko ulit ngayon, siya na naman ung presidente namin. Haha!
Music: Parokya Ni Edgar - Gitara

0 ang nagtaka:
Post a Comment