Graduation

Saturday, April 22, 2006

Graduation nga pala ni Mina kahapon, April 21. Syempre sumama ko, batong-bato na ko dito sa bahay eh. Ang aga ko gumising, mga 4:45 am. Kasi yung graduation niya sa College pf Pharmacy ay 8 am. Ang aga namin dumating sa Manila, mga 6:30. 30 minutes lang biyahe mula sa 'min dito sa San Pedro, Laguna. Hindi kasi trapik eh. Kumain muna kami nila Mama at Papa sa Goto-Me, malapit sa dating dorm ni Mina. Tapos bumili kami ng film, sa kodak. Naglakad na kami papuntang University of the Philippines Manila, school ni Mina, kasama ung pamilya ng isa pa ring graduate. Malapit lang pala ung school nila galing sa dorm niya dati eh. Hehe! Diretso kami sa Auditorium nila. Naabutan namin ung Baccalaureate Mass. Medyo malamig dun. Then start na ng graduation. Ako ung taga-kuha sa kanila ng picture. Picture dito, picture doon. Pagkatapos nung college graduation, diretso kaming Robinsons. Hindi namin kasama sila Mama at Papa. Sunod nalang sila sa 'min, kasi babalikan nila ung sasakyan namin na pinark sa tapat ng dorm ni Mina para dalhin dun sa Rob at tsaka para diretso na kami sa university graduation sa PICC. Kumain kami ni Mina sa foodcourt - Inihaw Express. Pork barbecue with rice. Tapos nandyan na sila Mama. Naligaw daw sila. Wawa naman. Joke! Umorder rin sila, sa Kamay-kainan. Kumain rin kami ni Mina nung inorder nila. Dami kasi nun eh! Hehe!

Diretso na kaming PICC, kung saan gaganapin yung university graduation. Hindi kami nakapagpicture-picture kasi bawal eh. So sad! Nanood lang kami ng napakahabang program. Hehe! 2 pm nag-start. Nakatulog nga ako nung pinapakilala na yung bawat colleges at tsaka ung mga namumuno sa school nila. Nakakaantok kasi eh. Zzzz. Hayy... Hindi lang pala commencement exercises ung ginanap, kundi pati na rin ung investiture nung 7th chancellor nung university nila. Btw, 927 lahat ng grumaduate. Pinakarami sa College of Arts and Sciences, kaya ang tagal nung bigayan ng pekeng diplomas. Haha! Tapos nun, umuwi na kami, pero bumili muna kami sa Andok's Litson sa Makati ng ulam namin. Gutom na gutom na kami eh. 8 na kami nakauwi sa bahay. Kumain muna tapos nanood ng telebisyon, tapos nag-internet. Pagod na pagod ako kahapon. Sunud-sunod kasi ung graduation eh. Pero okay lang kaysa nandito lang ako sa bahay! Congrats Mina! =)

Music: Switchfoot - Stars

3 ang nagtaka:

XYZ said...

"pero ok lang kaysa nandito lang ako sa bahay!"

buti ka pa... naiingit aKo sau.. comment ka rin sa blog ko..

http://ahmnotme.blogspot.com

or

http://clickhereand.multiply.com

go junats!

Anonymous said...

and who gave you the permission to post my pic? huh?!!!?

Jonathan said...

ayaw mo nun, sisikat ka...hehe!

joke lang! yihee...