Outing

Friday, April 28, 2006

Dalawang tulog nalang, outing na namin! hehe! Outing/overnight swimming/reunion namin sa sunday ng 4 pm hanggang monday ng 4 pm. For the first time, nagplano ang mga tao kung saan at kailan mag-aouting, kasi nung mga nakaraang outing namin, hindi pinaplano kung saan at kailan basta mahalaga makapag-outing. Haha! Last week lang ata nakapili ng resort na aming pupuntahan, sa Beachwood, beach and pool resort sa Sariaya, Quezon.

Dati, ang mga pinagpipiliang resort ay yung mga nasa Laiya, San Juan, Batangas. Kaya lang, ung iba, bawal magdala ng pagkain/bawal magluto. Yung iba naman, walang pool. Eh gusto ng marami na may pool para masaya! hehe! kaya dun nalang kami sa Sariaya.

Outing rin ng Interphil Laboratories Inc. sa Beachwood sa Sunday, pero hindi overnight, hanggang 3 pm lang sila, kaya 4 pm kami papasok dun. Pero kami ni mama, sasama sa outing ng Interphil kasi dun siya nagtatrabaho at tsaka meron kaming ticket. Hintayin nalang namin ang Carrido ng 4 pm.

Yun lang! Basta excited na talaga ako sa outing namin, kasi batong-bato na ako dito sa bahay! Hehe!

Music: The Killers - Mr. Brightside

Sana matawa ka

Thursday, April 27, 2006

Ito po yung mga funny texts na tinetext sakin ng mga tao kapag unlimited ung load nila.

From Krizia:
"Duling, bingi at bulag, nanood ng movie...
Duling: bakit dalawa ang screen?
Bingi: bad trip walang sounds!
Bulag: puro kayo reklamo! Kita nyong di pa nag-uumpisa!"

"Dan, from Bicol lives as TNT in Usa. Grocery siya; ask ng cashier: Visa or Master? Nerbyos Dan: Hanap Visa ko! Ride agad siya auto niya't harurot! But he needs to gas up. Sabi attendant: Pay first. Namutla Dan: Patay, PAPERS daw! Run siya phone booth to call home. AutoFone greeted him: AT&T, can I help you? Namutla Dan: Alam na TNT ako! Pawisang labas siya ng booth and asked ng next na Kano: Are you done? Bagsak si Dan sa gulat! Pati name ko alam nila?! Uwi na ako Pilipinas!"

From Cielo:
"Masakit magmahal pag iiwan ka lang...Masakit magmahal ng taong may mahal ng iba...Pero alam mo may mas masakit pa dun...
Pag naiwan ka sa outing lalo na kung nakabihis ka na!"

From Robert:
"Hanep talaga sa Jollibee! Pag pasok pa lang...Welcome to Jollibee, Sir! Pag labas mo naman...Thank You Sir, Come Again! Masarap na komportable pa!
Dun na lagi ako tatae!"

From Mina:
"May nagtanong sakin kung pwede ka daw bang kuning artista...under FPJ Productions, kasama mo sila...
Mico Sotto, Halina Perez, Rico Yan, Nida Blanca....
Ang title ay..."Ikaw nalang hinihintay"

From Abby D:
Nung pinanganak ako...meron akong sungay, maaalis lang yun pag meron akong mabuting kaibigan. Nang makilala kita, hanep ka pare! Binago mo image ko...
Nagkaroon pa ako ng buntot! You're the man!

Marami pang iba eh. Next time nalang. =)

Bonding Moment with Dad

Wednesday, April 26, 2006

Medyo maaga-aga ako gumising ngayon, mga 9 am, kasi sabi ni Mama samahan ko raw si Papa magbayad ng kung anu-ano at tsaka maggrocery. Masunuring bata. 9:30 am kami umalis. Una muna naming pinuntahan eh yung BPI sa may papuntang Pacita. May binayaran, hindi ko alam kung ano. Hehe. Medyo madali lang kami dun, mga 15 minutes lang. Tapos diretso kami ng Value Point para maggrocery. Yun ung pinakamalapit saming grocerihan, pero nakalimutan palang dalhin ni papa ung importanteng bibilhin. Binili lang namin ung mga naalala niya. Bumili naman ako ng mga pagkain, etc. Tapos sabi ni Papa, bakit daw ang dami kong binili. Sabi ko naman, ang unti-unti nga lang nun eh. Hehe! Kaya ayaw kong kasama si papa 'pag namimili eh, napilitan lang ako ngayon, kasi wala nga akong pera pambili ng pagkain eh. Mga 1 hour kaming namili dun kasi natagalan pa dun sa may cashier. Pagkatapos nun, sa Meralco naman. Syempre nagbayad. Ako pa nga pinapapila ni Papa para magbayad eh. Subukan ko raw, eh ayaw ko nga! Kulit eh. Whew! Mga 30 minutes kami dun kasi ang haba nung pila. Tapos nun, dumiretso si Papa sa may tapat ng Meralco para magbayad sa Skycable. Ako naman, bumili ng internet card na GO! 50. Hindi nakapagbayad si Papa kaya siya pa ung nakapaghintay sakin imbis na ako. Tapos nun, umuwi na kami! Yun yung mga nangyari sa mga oras na iyon...'-'

Music: Omnisoul - Waiting (Save Your Life)

Pamatay Na Wrong Lyrics

Tuesday, April 25, 2006

Greatest Love of All
"I decided long ago, never to walk with Edu Manzano..." (I decided long ago, never to walk in anyone's shadow)

Cry by Mandy Moore
"A walk to remember...it was late afternoon!" (I'll always remember, it was late afternoon)

All My Life by K-ci and Jojo
"supposed to be you're like my mother, supposed to be you're like my sister" (close to me you're like my mother...close to me you're like my sister)

Where is the Love by Black Eyed Peas
"People killing, people flying, children hurt an living, crying..." (People killing, people dying; children hurt and you hear them crying)

Leaving on a jet plane by John Denver
"so kiss me and smaffle me... (so kiss me and smile for me...)

My Boo by Usher and Alicia Keys
"It started when we were younger you were nine.." (It started when we were younger you were mine)

If I Ain't Got You by Alicia Keys
"some people want tambourines..." (diamond rings)

Baby One More Time by Britney Spears
"My only nest is killing me... and I.....(My loneliness....)

Thumbthumping by Chumbawumba
"I get knocked down by an elephant, my mommas's gonna bring me down... " (I get knocked down, but I get up again...)

Crush by Jennifer Paige
"i-splash, a little crush.." (it's just.. a little crush..)

Californication by Red Hot Chili Peppers
"Viva Californication...." (Dream of Californication...)

No scrubs by TLC
"A scrub is a guy who thinks he's fine but is also known as a bus stop" (buster)

Waterfalls by TLC
"Don't go jason waterfalls..." (Chasin')

Your Body is a Wonderland by John Mayer
"You're alice in wonderland...You're alice in wonderland I'll use my hands" (Your Body is a Wonderland)

Baa Baa Black Sheep
"Baa baa black sheep, heavy on the road..."

With A Smile by Eraserheads
"lift your hand.. baby dont be scared.. of the things that could go wrong along the way.. (HEAD)

Wag Na Wag Mong Sasabihin by Kitchie Nadal
"maaaaaaaaaag... , magdamag mong sasabihin........"

On Bended Knees by Boyz II Men
"Oh God give me the reason, I’m down...abandon me..."(I'm down on bended knee)

AND FINALLY....

Nothing's Gonna Change My Love For You by Glenn Medeiros
"Nothing's gonna change my love for you... you know naman my love how much I love you..."

From Mina's blog

Music: James Taylor - Whenever I See Your Smiling Face

Graduation

Saturday, April 22, 2006

Graduation nga pala ni Mina kahapon, April 21. Syempre sumama ko, batong-bato na ko dito sa bahay eh. Ang aga ko gumising, mga 4:45 am. Kasi yung graduation niya sa College pf Pharmacy ay 8 am. Ang aga namin dumating sa Manila, mga 6:30. 30 minutes lang biyahe mula sa 'min dito sa San Pedro, Laguna. Hindi kasi trapik eh. Kumain muna kami nila Mama at Papa sa Goto-Me, malapit sa dating dorm ni Mina. Tapos bumili kami ng film, sa kodak. Naglakad na kami papuntang University of the Philippines Manila, school ni Mina, kasama ung pamilya ng isa pa ring graduate. Malapit lang pala ung school nila galing sa dorm niya dati eh. Hehe! Diretso kami sa Auditorium nila. Naabutan namin ung Baccalaureate Mass. Medyo malamig dun. Then start na ng graduation. Ako ung taga-kuha sa kanila ng picture. Picture dito, picture doon. Pagkatapos nung college graduation, diretso kaming Robinsons. Hindi namin kasama sila Mama at Papa. Sunod nalang sila sa 'min, kasi babalikan nila ung sasakyan namin na pinark sa tapat ng dorm ni Mina para dalhin dun sa Rob at tsaka para diretso na kami sa university graduation sa PICC. Kumain kami ni Mina sa foodcourt - Inihaw Express. Pork barbecue with rice. Tapos nandyan na sila Mama. Naligaw daw sila. Wawa naman. Joke! Umorder rin sila, sa Kamay-kainan. Kumain rin kami ni Mina nung inorder nila. Dami kasi nun eh! Hehe!

Diretso na kaming PICC, kung saan gaganapin yung university graduation. Hindi kami nakapagpicture-picture kasi bawal eh. So sad! Nanood lang kami ng napakahabang program. Hehe! 2 pm nag-start. Nakatulog nga ako nung pinapakilala na yung bawat colleges at tsaka ung mga namumuno sa school nila. Nakakaantok kasi eh. Zzzz. Hayy... Hindi lang pala commencement exercises ung ginanap, kundi pati na rin ung investiture nung 7th chancellor nung university nila. Btw, 927 lahat ng grumaduate. Pinakarami sa College of Arts and Sciences, kaya ang tagal nung bigayan ng pekeng diplomas. Haha! Tapos nun, umuwi na kami, pero bumili muna kami sa Andok's Litson sa Makati ng ulam namin. Gutom na gutom na kami eh. 8 na kami nakauwi sa bahay. Kumain muna tapos nanood ng telebisyon, tapos nag-internet. Pagod na pagod ako kahapon. Sunud-sunod kasi ung graduation eh. Pero okay lang kaysa nandito lang ako sa bahay! Congrats Mina! =)

Music: Switchfoot - Stars

Boredom strikes back

Thursday, April 20, 2006

Wala namang kakaibang nangyari sa 'kin sa mga nakaraang araw. Wala akong matinong magawa dito sa bahay namin. Internet, nood ng tv, kumain, matulog... as usual! Nakakatamad na nga dito sa bahay eh! Hindi man lamang ako makaalis ng bahay, wala kasing pera! Huhu! Kaya nga tuwang-tuwa ako 'pag may okasyon sa Batangas/Lucena eh dahil dun lang ako nakakalabas ng maayos. Excited na ko sa outing ng Carrido sa April 30. It's an overnight swimming, kaya lang hindi pa alam kung saan sa Laiya, San Juan. Aww. Hehe! Basta sigurado nang may outing! Yehey! At tsaka isa pa, nagkaroon nga pala ng outing/reunion ang pangkat Einstein kahapon, hindi nga lang ako nakasama kahit na wala naman akong ginagawa dito sa 'min, kasi unti lang naman pumunta eh. Wala pa nga ata sa kalahati. Gusto ko marami and as possible, lahat. =)

O sige hanggang dito nalang po. Sa susunod ulit. Jonathan signing off.

Music: Goo Goo Dolls - Iris

With Mic-mic

Thursday, April 13, 2006

Pang-apat na araw na ng pinsan kong si Mic-mic na nagbakasyon dito sa 'min. Si Micah Abigail a.k.a. Mic-mic ay yung pinsan kong makulit, per0 matalino, syempre Carrido eh! Hehe! Wala naman kami masyado ginagawa dito sa bahay namin kaya tinuruan ko nalang sya maglaro ng mga computer games. Adik na adik na nga dun sa Spider Solitaire at tsaka dun sa Pinball. Kapag pinatigil na kami sa computer ng mga tao dito, nanono0d nalang kami ng TV. Hehe! Ang dali nga lang mapaiyak ni Mic-mic. Bigla ko nalang nakikita sa isang suLok, naiyak na pala. Dahil saken yun. Hehe! Maaga siya nagigising tapos manonood nalang bigla ng TV, kaya nagigising rin ako. Kulit-kulit talaga ng batang ito... pasaway! Pero kahit na ganun, masaya siya kasama. Hehe!

Uwi na nga siya sa sabado eh, April 15. Sasabay siya sa 'min. Punta kasi kami sa Lucena, birthday ni Tetet, isa pang makulit na kalaro ni Mic-mic. =)

Music: Santana feat. Steven Tyler - Just Feel Better

School of Rock

Thursday, April 6, 2006

Artist: School of Rock
Song: Zach's Song

Maybe we was makin' straight A's
But we was stuck in a dumb daze
Don't take much to memorize your lines
I feel like ive been a hypnotized
And then that magic man he come to town
Woo Wee
He spun my head round
He said recess is a session
2 and 2 make 5
and now baby oh im alive
O YEAH i am alive

and if you wanna be a teachers pet
well baby you just better forget it
Rock got no reason (BackGround Lyrics Uh La La La)
Rock got no Rhyme
You better get me to school on time
OH YEAH (yeah)

Oh you know i was on the Honor Roll
Got Good grades
and got no soul
Raise my hand before i would speed my mind
ive been biting my tongue to many times
and then that magic man sent u away
(uh huh)
do what magic man do
not what magic man say (say wat?)
now can i please have the attention of the class
todays assignment *cough cough*
KICK SOME ASS

and if you wanna be a teachers pet
well baby you just better forget it
Rock got no reason
Rock got no Rhyme
You better get me to school on time

and if you wanna be a teachers pet
well baby you just better forget it
Rock got no reason
Rock got no Rhyme
You better get me to school on time
OOOHHHYYYYEEEEAAAHHHHHH (yeah)

This is my final exam
Now you all know who i am
I may not be that perfect son
But ya'll be rocking when im done

(instrumental solo)