Christmas '07

Thursday, December 27, 2007

At ayun. Ang aking Christmas ngayong 2007. Ehehe. Unang-una, nagsimba kami ng 8 AM. Umuwi ng bahay at nag-ayos ng gamit para saBatangas. Dumiretso na kaming Batangas mga 11 AM. Sa daan, bumili kami sa Starbucks -- Toffee Nut Frapuccino. Kinuhanan ko ng litrato ung expressway -- Calabarzon (sa kaliwa). Marami pang litratong nakuha bago kami nakarating ng Batangas. Puntahan niyo nalang dito.






Ayun. Sa Batangas na kami! Nagkainan muna tapos simula na nung Christmas Party na taun-taong ginaganap sa Carrido. 14 years na daw isinasagawa ang ganitong kasiyahan. *Nosebleed* Ahaha! Nasa kanan yung poster na kung saan nakalagay ang mga pangalan tsaka description ata. Ehehe. Mayroong games at tsaka sayawan. Bigay-todo sa pagsayaw si Marc Christian. Haha! :D






Syempre di mawawala ung exchange gifts. Ang aking monito ay yung bigay-todo sa pagsayaw -- Marc Christian. Ahaha! Tapos ako rin pala ang monito niya. Dahil dun, nakatanggap ako ng chocolates. Kapag nagkapalitan lang ung dalawa, may chocolate na! Ahaha! Muntik na kong ma-toothsieroll.

Ito nga pala yung natanggap ko sa exchange gifts. Pink t-shirt na nagsasabing Have Feelings Too. Haha! Emo eh! :D

Haha! Ayun lang. Pasensya na. Tinatamad lang talaga ko gumawa ng entry. Ahaha! Maiupdate lang :P

Happy Birthday, Papa! :D







Currently Listening To: Bobby Valentino feat. Timbaland - Anonymous

0 ang nagtaka: