USTe

Saturday, September 22, 2007

UST entrance exam na bukas. Kakapasa lang namin ng application form last week, eh ito na agad.

Bukas na ung test, nandito pa rin ako sa harap ng computer. Di pa ko nagrerebyu, maya-maya pa. Hehe. Sabi kasi ni Mina, English daw ung dapat pagtuunan ng pansin, kasi kakaiba daw ung mga salita. Naku! Noseblooding yun! :))

Sana matapos ko yung test. Hindi na ko mag-iiwan ng blanko. Ginawa ko kasi un nung UP eh. Di ko natapos ung reading comprehension. Tsaka may unting blanko sa Math. Aw. Pag naaalala ko un, mas lalo ko lang naiisip na wala na talaga. Huhu :(( Drama eh.

Currently Listening To: Incubus - Love Hurts

1 ang nagtaka:

Locsie said...

nako anak..
kaya mo yan..
madali lang magshade..
haha!