Minsan May Isang P*ta

Thursday, September 18, 2008

Tingin ng mga bobong kapitbahay ko p*ta daw ako. Nagpapagamit, binabayaran. Sabi nila ako daw ang pinakamaganda at pinakasikat sa aming lugar noon. Ang bango-bango ko daw, sariwa at makinis. Di ko nga alam kung sumpa ito, dahil dito naletse ang kinabukasan ko.

Tara makinig ka muna sa kwento ko, yosi muna tayo.

Alam mo, maraming lumapit sa akin, nagkagusto, naakit. Ang hirap pag lahat tingin sa iyo virgin eh. Tinanggap ko naman silang tao, bakit kaya nila ako ginago? Masakit alalahanin, iniisip ko na lang na kase di sila taga rito, siguro talagang ganoon. Tatlong m*lilibog na foreigners ang namyesta sa katawan ko, na-rape daw ako.

Sa tatlong beses akong nagahasa, ang pinakahuli ang di ko malimutan. Parang maski di ko ginusto ang mga nangyari, hinahanap-hanap ko siya. Tinulungan niya kasi akong makalimutan yung mga sadistang Hapon at Kastilaloy. Kasi, ibang-iba ang hagod niya. Umiikot ang mundo ko sa tuwing ginagamit niya ako. Ibang klase siya mag-sorry, lalo pa at kinupkop niya ako at ang mga naging anak ko.

Parating ang dami naming regalo- may chocolates, yosi, at ano ka...may datung pa! Nakakabaliw siya, alam kong ginagamit niya lang ako pero pagamit naman ako nang pagamit. Sa kanya namin natutunan mag-Ingles, di lang magsulat, ha! Magbasa pa! Hanggang ngayon, sa tuwing mabigat ang problema ko, siya ang tinatakbuhan ko. 'Yun nga lang, lahat ng bagay may kapalit. Nung kinasama ko siya, guminhawa buhay namin. Sosyal na sosyal kami.

Ewan ko nga ba, akala ko napapamahal na ako sa kanya. Akala ko tuloy-tuloy na ang kasiyahan namin, yun pala unti-unti niya akong pinapatay. Sa dami ng lason na isinaksak niya sa katawan ko, muntik na akong malaspag. Ang daming nagsabi na ang tanga-tanga ko. Patalsikin ko na daw. Sa tulong ng mga anak ko, napalayas ko ang animal pero ang hirap magsimlula. Masyado na kaming nasanay sa sarap ng buhay. Napkahirap dahil nasanay na kami sa ginhawa at sarap.

Ang di ko inaakala na ang mismong mga anak ko ang tuluyang sisira sa akin. Napakasakit na tanggapin na malinlang. Akala ko makakakita na ako ng magiging kasama ko sa buhay sa mga ahas na ipinakilala ng mga anak ko. Hindi pala. Ang tanga ko talaga. Binugaw ako ng sarili kong mga anak kapalit ng kwarta at pansamantalang ginhawa na nais nilang matamasa.

Wala na akong nagawa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa aking mga anak. Wala akong ibang yaman kundi ganda ko. Pinagamit ko na lang ng pinagamit ang sarili ko, basta maginhawa ko na lang ang mga anak ko. Usap-usapan ako ng mga kapit-bahay ko. May nanghihinayang, namumuhi at naawa. Puta na kasi ang magandang tulad ko.

Alam mo, gusto ko na sanang tumigil sa pagpuputa kaso ang laki talaga ng letseng utang ko eh. Palaki pa nang palaki. Kulang na kulang. Paano na lang ang mga anak ko naiwan sa aking punyetang puder? Baka hindi na ako balikan at bisitahin ng mga nag-abroad kong mga anak. Hindi na importante kung laspagin man ang ganda ko, madama ko lang ang pagmamahal ng mga anak ko. Malaman nila na gagawin ko ang lahatpara sa kanila. Sa tuwing titingin ako sa salamin, alam ko na maganda pa rin naman ako. Meron pa din ang bilib sa akin. Napapag-usapan pa din. Sa tuwing nakikita ko ang mukha ko sa salamin, nakikita ko ang mga anak ko. Tutulo na lang ang mga luha ko ng di ko namamalayan. Ang gagaling nga ng mga anak ko, namamayagpag kahit saan sila magpunta. Mahusay sa kahit anong gawin. Tama man o mali. Proud ako sa kanila. Kaso, sila, kabaligtaran ng nararamdaman para sa akin.

Sa dami ng mga anak ko, ilan lang ang may malasakit sa akin. May malasakit man, nahihilaw. Ni di nga ako kinikilalang ina. Halos lahat sila galit sa isa't isa. Walang gustong magtulungan, naghihilahan pa. Ang dami ko nang pasakit na tinitiis pero wala nang sasakit pa nung sarili kong mga anak pa ang nagbugaw sa akin. Kinapital ang laspag na ganda ko. Masyado silang nasanay sa sarap ng buhay. Minsan sa pagtingin ko sa salamin, ni hindi ko na nga kilala ang sarili ko.

Dadating na naman ang pasko, sana maalala naman ako ng mga anak ko. Ilang buwan pa, magbabagong taon na. Natatakot ako sa taong darating. Ngayon pa lang, usap-usapan na ang sunod-sunod na pagbubugaw ng ilan ng mga anak ko. Sana may magtanggol naman sa akin, ipaglaban naman nila ako. Gusto kong sumigaw:

"INA NINYO NAMAN AKO! MAHALIN NIYO NAMAN AKO!"

Salamat ha, pinakinggan mo ako.
Ay sorry, di ko pala nasabi...

PILIPINAS nga pala ang pangalan ko.


Napulot lang sa Filipino ni Ma'am Bron. :D


Happy Birthday nga pala, Kuya!

Music: New Found Glory - The Glory of Love

Happy Birthday!

Thursday, September 11, 2008

September Birthday Celebrators. Haha!

MunSci
6 - Arjay Canete
8 - Jill Buenaobra
9 - Donuel Mendoza
12 - Keisha Perea
13 - Jesreel Alday
15 - Patrick Austria

UST
2 -Randolf Velasco
6 - Celine Regala
11 - Orien Comelon
16 - Mariv Corong
24 - Mariness Cortez
27 - Louise Limjoco

Maligayang kaarawan mga kaibigan! :)

Music: Elliott Yamin - Can You Feel The Love Tonight

USTET

Binigay yung USTET Results namin nung Tuesday pagkatapos ng interview. Ito yung resulta nung akin:

English - A
Math - S
Science - AA
Over-all - AA

Ikaw na bahalang umintindi. Kaya mo yan. Kurne! Noseblood talaga yang English. Kahirap. Haha!

Happy Birthday nga pala kay Orien Myr. Myrie!!! Hahaha! c:

Music: Switchfoot - Adding To The Noise

Interview with the Guidance Counselor

Ininterview kami ng Guidance Counselor nung Tuesday. Wala lang, para makilala lang kami. Hehe! First ten lang ng klase yung ininterview. Anim lang kaming unang pumunta. Si Badulis yung una. Tapos ako na, kasi di pumunta si Barcelona.
Anong nickname mo?
Nagdodorm ka pala, sinong mga kasama mo?
Hindi ka naman ba nahohomesick?
Sa family, meron bang conflicts?
Kumusta naman ang academics?
Meron ka na bang friends?
First choice mo pala Mechanical Engineering. Anong nangyari?
Anong balak mo pagkagraduate ng Accountancy?
May balak ka palang magshift. Anong course?
Joke lang yung shifting. Maybe kasi nilagay ko dun sa information shit. Kaya nasabi ni Ms. Guidance Counselor yun. Hehe! Nakalimutan ko na yung ibang tanong. Ayan lang mga tumatak sa isipan ko. LOL.

Music: Lifehouse - First Time

Prelim Grades

Saturday, September 6, 2008

Pinakita na yung Prelim Grades namin, haha! Sa katunayan, yung iba, dating-dati pa e. Filipino naman and Theology, hindi pa. Highest ay Math. Malayo na ang agwat sa ibang subject. Hahaha! Ang grade na susunod sa math ay 12 points less than sa grade ko sa math. Haha! Hehehe!

Syempre, di papatalo yung Phil History. :) Lowest ko, at hindi lang yun, ayun ang natatangi kong bagsak na prelim grade. Hindi naman siguro ako bagsak sa Fili at Theo. Sana. Akala ko lowest ako, yun pala mali yung nakarecord sa quiz 1 ko. 7 points agad nadagdag pero bagsak pa rin. Hahahay! Lima o anim lang ata kaming bagsak sa Phil History. Hahaha! Kahiya-hiya. Kaawa-awa. Nadaig pa yung Bio e. Nahatak kasi ng Prelim exam e. Hehe!

Bawi nalang sa FINALS. XD

Happy Birthday nga pala kina Arjay Canete at Celine Regala!

Music: Plies feat. Ne-Yo - Bust It Baby Part II