Araw ni Valentino

Thursday, February 14, 2008

Ang Araw ng mga Puso ay ang araw ng pagmamahalan -- araw para masabi natin ang ating mga nararamdaman sa mga tao sa ating paligid. Bilang pagdiriwang sa araw na ito, nagkaroon kami ng isang pangkatang gawain na kung saan nagawa naming mailabas ang aming mga saloobin sa mga kaklase. Pinagawa kami ng labindalawang puso na may iba't ibang kulay, at ang bawat kulay ay may angkop na kahulugan.

Dilaw - Patawad.
Asul - Masaya ako 'pag kasama kita
Puti - Salamat!
Pula - Mahalaga ka sa akin.

Natuwa ako sa mga natanggap kong mga Puso dahil sa mga makabuluhang mensahe na nakapaloob dito. Hindi ko talaga inaasahan na bibigyan ako ng iba sa aming mga kaklase dahil hindi naman kami masyadong malapit. Malaking-malaki ang naidulot nitong pagbabago sa aming klase. Tuwang-tuwa ako sapagkat kahit na medyo makulit ako ay napapasaya ko pa rin sila. Inaasahan kong magiging mas maayos pa ang relasyon ko sa aking mga kaklase sa tulong ng gawaing ito.

Mga kaklaseng nagbigay sa akin ng kanilang mga mensahe:
Dilaw: Khim, Arien
Asul: Arien, Neri, Keisha, Roanne, Mark DM, Mikka, Jowina, Heide, Kim S.
Puti: Princess, Arien, Khim, Roanne, Keisha
Pula: Keisha, Alexsa, Roanne, Arien

Maligayang Araw ng mga Puso sa lahat ng mga nagmamahalan! Kahit ano pa mang relasyon 'yan. =)


Music: Avril Lavigne - Nobody's Fool

0 ang nagtaka: