218

Monday, February 18, 2008

Happy Birthday to ME! XD


Maraming salamat sa lahat ng bumati!

Sa aking pamilya. Sa IV-Pythagoras, na bumati sa 'kin bago mag-Flag Ceremony. Sa mga nagtext. Sa mga bumati sa Friendster, Y!M, etc. At sa lahat-lahat ng hindi nakalimot. Ehehe!

Maraming salamat talaga! Napakasaya ko ngayong araw na 'to. :D

galing kay Mina


Music: The Click Five - Happy Birthday :)

Araw ni Valentino

Thursday, February 14, 2008

Ang Araw ng mga Puso ay ang araw ng pagmamahalan -- araw para masabi natin ang ating mga nararamdaman sa mga tao sa ating paligid. Bilang pagdiriwang sa araw na ito, nagkaroon kami ng isang pangkatang gawain na kung saan nagawa naming mailabas ang aming mga saloobin sa mga kaklase. Pinagawa kami ng labindalawang puso na may iba't ibang kulay, at ang bawat kulay ay may angkop na kahulugan.

Dilaw - Patawad.
Asul - Masaya ako 'pag kasama kita
Puti - Salamat!
Pula - Mahalaga ka sa akin.

Natuwa ako sa mga natanggap kong mga Puso dahil sa mga makabuluhang mensahe na nakapaloob dito. Hindi ko talaga inaasahan na bibigyan ako ng iba sa aming mga kaklase dahil hindi naman kami masyadong malapit. Malaking-malaki ang naidulot nitong pagbabago sa aming klase. Tuwang-tuwa ako sapagkat kahit na medyo makulit ako ay napapasaya ko pa rin sila. Inaasahan kong magiging mas maayos pa ang relasyon ko sa aking mga kaklase sa tulong ng gawaing ito.

Mga kaklaseng nagbigay sa akin ng kanilang mga mensahe:
Dilaw: Khim, Arien
Asul: Arien, Neri, Keisha, Roanne, Mark DM, Mikka, Jowina, Heide, Kim S.
Puti: Princess, Arien, Khim, Roanne, Keisha
Pula: Keisha, Alexsa, Roanne, Arien

Maligayang Araw ng mga Puso sa lahat ng mga nagmamahalan! Kahit ano pa mang relasyon 'yan. =)


Music: Avril Lavigne - Nobody's Fool

Prom Pics

Saturday, February 9, 2008




Music: Fall Out Boy - Dance, Dance

Prom

Sunday, February 3, 2008

Nyak! Sa Friday na pala yung JS Prom. Di ako naeexcite. Pero may isusuot na ko. Kabibili lang kanina sa SM Lucena. Dumayo pa talaga dun sa pagbili eh. Ehehe! Wala pa nga lang sapatos. Wala kasi ako mapili eh. Masyado kasi mapili eh. Haha! XD


Tungkol sa sayaw, tutuloy pa kaya kami ni Kim sa Swing? Hmm... Para kasing tinatamad na ko eh. Haha! Pero kung gusto pa ni partner, edi tuloy. Ayos lang. Kaya lang di pa talaga ko naeexcite sa Prom. Masyado pang maaga. Dapat kasi sa February 18 nalang ulit eh, para birthday ko. Haha! Joke lang. Kulit eh.

Btw, regalo ko ah. XP

Ayon lang. Nag-uupdate lang ^_^

Music: Chris Brown - With You