In two days

Thursday, March 29, 2007

Field Trip na sa Saturday. Yihee! Excited na ko sa Dely's Pasalubong. Haha! lol.

Ge. Baka ito ang una at huli naming field trip sa Munsci. Haha!

Currently Listening To: Spongecola - Tuliro

Defense

Sunday, March 25, 2007

Kahapon nga pala yung defense namin sa AP tungkol sa mga issue na napili namin; 8:00 AM - 5:00 PM. Buti pa yung Feynmann, hindi ganun katagal, kasi sila yung unang nagpresent eh. Samantalang kami, wahhh!!! Tagal! Pero ayos lang. Naging maayos naman yung defense namin ni Klyn tungkol sa issue namin. Yihee!

Tatlo yung judges. Pero isa lang yung nagtanong samin, si Sir Umali lang. Si Klyn pa yung sumagot. Ibig sabihin naintindihan nila. Yehey! Haha! ^-^

Ok yun lang. Yung test nalang ng D.O. yung problema, defense sa Research(?). Ewan ko lang kung meron ngang defense sa Research. Hehe.

Romeo and Juliet namin nung Friday. Wala lang. Sinabi ko lang. Haha! Ayoko magkwento eh. lol.

Music: Black Eyed Peas - Bebot

Enchanted

Tulad ng sabi ko, ito na yung ek. Laki nun! Haha! Corny ko, uwi na ko! Ride-all-you-can kami ni Mina tapos sila mama at papa naman, carousel special lang. Haha!

Pumunta kami dun mga 12:30 pm. Bumili agad kami ng souvenirs. Akin yung blue t-shirt at kay Mina yung polo shirt na white.

Una naming sinakyan ni Mina ay yung Wheel of Fate. Napagalitan pa nga kami dun eh. Lumipat kasi ako sa tabi ni Mina para magkasama kami sa picture. Kaya yun. Hehe.

Sunod ay yung Up, up and Away. Wala lang. Sumakay lang. ^_^ Sunod yung Roller Skater, parang kiddie version ng Space Shuttle. Gusto ko nga sa Space Shuttle eh, kaya lang ayaw ni Mina.
Flying Fiesta yung sunod… masaya rin naman kahit papano. Hindi ako umupo sa may gilid baka kasi tumalsik. ^_^

Tapos yung Anchors Away. Sakit sa tiyan nung una. Pero nawala kahit na nakasakay pa rin ako. Ginawa ko lang ay humiga/tumingala. Haha! Galing talaga nun! Sunod naman ay Grand Carousel… kasama namin si Mama. Pwede kasi siya dun. Kaya lang si Papa ayaw. Hehe!
Dumating na si Kuya at tsaka si Igie. Pumunta kami sa Swan Lake at sumakay sa swan. Eto lang ata nasakyan ko dati nung punta ko dito nung August, 1995 eh. Hehe. Malay ko ba nun. Hehe.

Tapos nun, punta kami sa Rialto. Nakalimutan ko na yung pinalabas. Wala masyadong kwenta. Hehe. Tapos nagyaya si Kuya sa Space Shuttle. Eh gusto ko dun kanina pa, ayaw nga lang ni Mina. Ayun, sumakay kami. Wala! Pumikit lang ako! Hahahaha!!! Parang wala lang. Ang galing ko na nun. Nakasakay na ko sa isang roller coaster. Ahaha!

Balik ulit kami ng Flying Fiesta. Doon na ko sa gilid. Di makaimik eh. Para kasing tatalsik dun eh. Haha! Tapos Jungle Log Jam. Magkasama kami ni Mina. Kami ata yung pinakanabasa. Sila Kuya kasi hindi masyadong nabasa dun. Daya! At sayang! Hindi namin nakuha yung picture ko dun. Nakanganga pa naman! Ayaw kasi ni Mama eh. Sayang talaga!

Kumain muna kami. Spiral Hotdog, Popcorn, 7-up. Yihee! At si Kuya, nagdrama pa dun sa tindahan. Landi wala!

Pagkakain, humiwalay na sila kuya sa amin. Nagkita nalang ulit kami nung sasakay na ng Rio Grande. Hindi ako masyado nabasa, unti lang. Hindi kagaya nila Kuya at Igie na basang-basa talaga. Si Mina talaga, hindi nabasa! Galing ng pwesto niya. Hehe.

Tapos nun, humiwalay na ulit sila sa amin. Kami naman ni Mina, sumakay ulit sa Anchors Away. Ganun ulit… tumingala lang ako. Haha!

Tapos nun, Grand Carousel na naman kami. Kaya lang kasama na si Papa. ^-^ Sunod, Roller Skater ulit. Naghiwalay kami ni Mina ng upuan kasi unti lang naman yung mga tao kasi gabi na. Up, up and Away ulit kami. Kami lang ni Mina yung nakasakay kaya naghiwalay rin kami ng upuan. Hehe.

Hayy… 7:45 pm na kami nakauwi. Aga nga eh. Pero ayos lang, masaya rin naman. Enchanting! Haha! At dahil dun, ang baba ko sa periodical test sa Algebra. Wahhh!! Laki siguro ng ibababa ko dun.

Music: Avril Lavigne - I'm With You

EK

Sunday, March 18, 2007

Haha! Kakagaling lang namin ng Enchanted Kingdom. Ayos lang naman. Masaya :) Yihee!

Next time nalang ako magkukwento. Baka bukas, sa susunod, o baka hindi na! Ahaha! Joke lang!

Currently Listening To: Black Eyed Peas - My Humps

EK bago magtest

Friday, March 16, 2007

Pupunta kami ng Enchanted Kingdom sa Sunday dahil Family Day ng Interphil Lab. Sa monday, tuesday at wednesday na yung periodical tests. Kaya lang bago yun, magsasaya muna ko. Haha! :)

Pagkatapos ng isang dekada at mahigit, makakapunta na ulit ako sa EK. 1995/1996 pa ata yung huli kong punta dun eh. Basta yung unang bukas ng Ek. Haha! Wawa naman pala ko. ^_^

Okay. Yun lang. Mag-aaral nalang ako bukas ng maigi. Puro electives yung itetest sa monday. Trigonometry, Physics, Research at Culinary Arts/TLE. Yihee!

Music: Justin Timberlake - What Goes Around, Comes Around

Fourth Quarterly Test

Sunday, March 11, 2007

Periodical Test na nga pala namin sa March 14-16. Kabilis talaga! Walang pasok sa Tuesday dahil mayroong NAT yung ibang year level. Dahil dun, may practice kami bukas ng Romeo and Juliet pagkatapos ng klase. Hindi natuloy yung Romeo and Juliet nung Sabado dahil mayroong interview sa mga papasok na first year. ^_^

Balik ako sa test. Ang bilis talaga! Tapos bukas mayroon pang summative test sa Advance Algebra. Hayy. Basta... mag-aaral nalang ako. Nung second year kasi, ang laki ng binaba ko ng fourth quarter dahil siguro huli na yun at kakatamad na. Hehe. Goodluck nalang sa kin.

Advance Happy Birthday kay Jonnah Espiritu. Bukas yung Birthday :)

Music: Panic! At The Disco - Lying Is The Most Fun A Girl Can Have Without Taking Her Clothes Off

Field Trip

Yihee! Sa wakas, pagkatapos ng tatlong taong pag-aaral sa Munsci, mayroon na ring Field Trip! Yehey! Kakatuwa! First time namin to kaya sasama ko. It will be held on March 31, Saturday from 6 am to 7 pm. The places to be visited are:
  • Leisure Farm in Batangas where students and parents will be lectured on first hand information on farming techniques of herbs, vegetables and ornamental plants.
  • Galinco Bisuit Factory where students will have a firsthand observation in the production of cookies get a taste of the factory's product.
  • Fantasy World where students will have an experience of escape from reality and enjoy the fantasy of Netherlands.
  • Dely's Pasalubong where all participants can buy food stuff for their family members waiting at home.

The fee for each participant including transportation and insurance is P650.

Currently Listening To: Jason Mraz - Geek in the Pink

Cultural Presentation

Saturday, March 3, 2007

Kanina yung Cultural Presentation "Handog" kung saan nagsayaw kami ng La Jota Moncadeña. Iba-iba yung sayaw ng Fleming. Merong La Jota Moncadeña, Polkabal, Bendian at Maglalatik. Dami!

Pumasok ako kanina ng mga mag-eeight na. Dala-dala ko na yung barong, slacks, belt, at sapatos. Kaninang umaga lang ako nagpalit ng bag. Eh nakalimutan kong ilagay yung castanets ko dun sa dala kong bag. Argh! Malas! Naalala ko nalang mga 12 nn na. Hehe!
Tinext ko si Mama na dalhin yung castanets sa school. Kaya lang, nanonood pala sila ng sine, You Got Me. Kakasimula palang nung 12:30. Pinayagan ko sila na manood na basta dala nila yung castanets ko. Haha! Hindi ko kasi sila inimbitahan na manood eh. Hehe! Ayun! Nagsisimula na nung dumating sila. Yihee!

Pampito kami na magprepresent. Medyo kinakabahan ako dahil dun sa palda ni Kim. Ang haba eh. Baka matapakan ko. AT YUN NGA, NATAPAKAN KO NGA! Kakagulat nga eh. Ang daming pumalakpak pagkasayaw namin. Hahaha! Tapos sabi naman ng ate at mama ko na maganda nga daw. Yihee! Dahil siguro yun dun sa Dramatic Scene! ^___^ Dun naman sa iba, ayos lang. Ganda rin!

At yun, sinisi nila ko dahil daw nanonood sila ng sine eh tinetext ko :). At pagkatapos nun, umuwi na kami ng di tinatapos yung programa nang biglang umulan. Kumanta kasi ng Dumbele yung MSHS Chorale eh. Haha! Oh yun lang! Geh.

Ay! bago ko makalimutan, Happy Birthday nga pala ulit kay Alexsa Beltran! Yihee!

Music: Greenday - Wake Me Up When September Ends

How To Save A Life

Thursday, March 1, 2007

Haha! Wala lang. Kakatamad kasi dito sa bahay eh. Hehe.



Music: Cupid - 112

Mga Gawain sa March

March 3: Cultural Presentation. Magsasayaw kami ng La Jota Moncadenia. 65% yun ng grade namin sa MAPEH. Bigatin!

March 8-9: Division Achievement Test.

March 10: Romeo and Juliet. Act V ang naassign sa III-Fleming. Ako yung gaganap na Balthazar. Naks naman! Haha!

March 15-16: Fourth Quarterly Test. Ang bilis! Parang kailan lang. *_*

At ang balita, hanggang April na naman yata ang aming pagpasok sa eskwelahan. Hayy...

Currently Listening To: Duncan Sheik - Half Life