Ang Galing!

Tuesday, February 27, 2007

Ala'y kagaling! Hehe. Kasi ganito yun...


Nung Monday, tinanong kasi ako ni Jesreel Alday kung bakit hindi ako nag-online nung Sunday. Sabi ko naman, pumunta kami ng Batangas kasi may patay. Tapos yun... naalala ko, may nakita kong ALDAY GRAVEL and SAND. Tapos sinabi ko sa kanya. Yun pala, doon yung probinsya nila... sa Brgy. Cahigam Rosario, Bats. at tito niya may-ari nung gravel and sand na yun. Eh kami, sa Baybayin, Rosario. Napakalapit lang nun. Haha! Ang galing! Doon yun sa may Batangas Racing Circuit eh.

Basta doon nga talaga yung probinsya nila. Napatunayan ko na. Hehe. Lol.

Tapos di pa dun natapos yun... tinanong ko sa mama ko kung may alam siyang Alday. Ayun! Marami namang alam. Tito nga ni Jes yung Vice-Mayor dun eh. Kagaling talaga! Biruin mo yun! Hehe. At ayun... ang tawagan na namin, KABABAYAN! Hahaha! Hahaha!


Music: Gavin deGraw - Jealous Guy

1 ang nagtaka:

me-an said...

malay mo distant relative pa natin yan. kasi alam ko kamag-anak rin nina mama si danny alday.. yung vice mayor.. (??