Deadly!

Sunday, January 28, 2007

Your Deadly Sins
Pride: 60%
Sloth: 60%
Gluttony: 40%
Greed: 20%
Lust: 20%
Envy: 0%
Wrath: 0%
Chance You'll Go to Hell: 29%
You will die from faulty botox injection.

Currently Listening To: Duncan Sheik - Half Life

Math Month

Wednesday, January 24, 2007

Busy-bisihan na naman ngayon. Dami kasing kalandiang nangyayari eh. Maliban sa La Jota, meron pang nalalaman yung Math Dept. Nakakaasar nga eh, nabunot ako sa mga kasali sa Jingle Rap... kasi 20 dapat yung kasali sa bawat section. Kaya yun! Ako pa talaga yung unang nabunot. Wahhh!!!

One week na practice. Haha! Hahaha! ^__^ Kaya yun! Meron pang iba, yung banderitas. Sineseryoso talaga yun ng section namin eh. Ang ganda kaya nung banderitas namin. Yihee!

Sa Friday walang klase. MATH DAY! Tulad nung last year. Daming magaganap; egg cage making, newspaper stool making, parlor games, etc. Hindi ako kasali sa mga yun kasi sa JINGLE RAP ako. Wala talaga!

Ge, yun lang. sa susunod nalang ulit. BYE!

Currently Listening To: Rico Blanco - Bye Bye Na

Walang Maisip

Sunday, January 21, 2007

Nakakatamad nang magsulat dito sa blog na 'to. Hehe. Wala lang. Kakatamad lang talaga :(

Sana lang, maipasa ko lahat ng test sa lahat ng subject. Weh. Asa pa ko. Pero sana lang. Pwede rin naman, diba? Malakas naman yung... Ah basta! Hahaha! Tapos eto pa. Daming project. Argh! Kakainis. Buti nalang medyo tapos na yung sa Physics namin. Kaya lang yung sa Algebra. Grrr... Dito pa kasi sa bahay namin ginawa eh. Wala namang nangyari. Lol.

Music: John Mayer - Dreaming With A Broken Heart

M.V. Doulos

Monday, January 15, 2007

Kahapon sa M.V. Doulos, yung barko. Meron dun na book fair. Kaya yun. Bumili ako ng Sudoku at dapat bibili rin ako ng Romeo and Juliet, eh wala kong makita. Hayy... nakakapagod. Ang tagal kasi naming pumila dun eh, tapos pagdating namin sa barko, napakainit pa. Dami kasing tao eh. Huhu.

Eto yung mga picture:


Cool Slideshows

Currently Listening To: Kamikazee - Ambisyoso

100th post

Saturday, January 13, 2007

Saturday na naman! Periodical Test na sa Tuesday, susundan sa Thursday at Friday. Wala kasi kaming pasok sa Wednesday eh. Di ko alam kung bakit, tungkol ata sa mga Fourth Year yun. Test na naman. Naku! Sana maipasa ko na yun lahat. Hehe.

Ge, yun lang. Aral pa ko eh. Haha! Totoo ba yun?!

Music: Sponge Cola - Sa Bingit ng Isang Paalam

Speechless?

Monday, January 8, 2007

Wala akong masabi ngayon.

Ang masasabi ko lang:

  1. Ang panget ng gupit ko! Haha!
  2. Ang hirap ng quizzes sa English. It's all about my friend Hamlet!
  3. Ang hirap ng summative test sa Trigo!
  4. Ano pa ba?! Wala na. Weh.
Music: Lil' Bit - So Sick

PH

Sunday, January 7, 2007

Adik wala! Bumili si Tanya ng DVD ng PH kahapon. Galing kami sa Festival, eh dun sa dinadaanan ng mga jeep, merong mga tinitindang DVD. PH po ay Princess Hours. Haha!

Sabi ni Tanya habang nasa jeep na pag may nakita kaming DVD nun ay bababa siya ng jeep at bibili siya. Yun! May nakita si Dariel, laki kasi ng mata. Haha! Biro lang. Diretso baba si Tanya. Ang ingay nga NILA eh habang naghihintay sa kanya [hindi ako]. At ang nakakatuwa pa eh yung katabi ni Patricia eh nakikingiti. Abot-tenga yung ngiti. Hahaha! Hahaha! Tuwang-tuwa siya dun sa nangyayari. Nakikisali. ^_^

Ayun! Nakabili na si Tanya. Nakahabol pa sa jeep. P250 yung DVD ng PH. Hehe. Sa katunayan napanood na niya yung Princess Hours eh. Hiniram niya sa "kapitbahay" nila. Gusto lang niyang ulit-ulitin. Haha!


Music: Lillix - What I Like About You

First Time

Wednesday, January 3, 2007

Maniniwala ka ba? Nakapagbasa ako ng mahigit 10 pages sa book ng world history. Yung Perry... Haha! First time ko ata ginawa to. Ano kaya nakain ko. Tapos ang bago pa dun... sa kwarto ko ako nagbasa at hindi sa sala, etc. Dun pa sa study table. Akting na akting. Haha! Pero totoo yun. Tungkol sa French Revolution at kay Napoleon yung binasa ko. Pinapabasa kasi sa 'min eh, may short quiz daw. Haha!

Ayos yung nabasa ko. Ngayon lang ako nabighani sa world history. O dahil ngayon lang kasi ako nagbasa. Haha! Dati kasi pinabasa kami ng mahigit 35 pages tungkol ata yun sa Imperialism in South Asia at East Asia. Kaunti lang yung nabasa ko. Unting-unti lang :( Tapos nagkaquiz, LONG QUIZ, wala ako halos maisagot. IMBENTO nalang. Kaya ito, nagbasa ako. Bagong taon na... kaya bagong buhay na rin! Hehe.

Sige. Goodluck nalang sa 'kin sa short quiz sa Social Studies na nararamdaman kong long. Haha! Pati na rin sa Research at Advanced Algebra na may quiz din. Yihee! ^_^

Music: Rent - Take Me Out Tonight

Bad Tagalog Translations for English Movie Titles

Tuesday, January 2, 2007

1. Black hawk down - ibong maitim sa ibaba
2. dead man's chest - dodo ng patay
3. i know what you did last summer - uyy... aminin!
4. love, actually - sa totoo lang, pag-ibig
5. million dollar baby - 50 million pisong sanggol (it depends on the exchange rate of the country)
6. the blair witch project - ang proyekto ng bruhang si blair
7. mary poppins - si mariang may putok
8. snakes on a plane - nag-ahasan sa ere
9. the postman always rings twice - ang kartero kapag dumutdot laging dalawang beses
10. sum of all fears - takot mo, takot ko, takot nating lahat
11. swordfish - talakitok
12. pretty woman - ganda ng lola mo
13. robin hood, men in tights - si robin hood at ang mga felix bakat
14. 4 weddings & a funeral - kahit 4 na beses ka pang magpakasal, mamamatay ka rin
15. the good, the bad and the ugly - ako, ikaw, kayong lahat
16. harry potter and the sorcerer's stone - adik si harry, tumira ng shabu
17. click - isang pindot ka lang
18. brokeback mountain - may nawasak sa likod ng bundok ng tralala /bumigay sa bundok
19. the day of the death - ayaw tumayo (ng mga patay)
20. waterworld - basang-basa
21. there's something about mary - may kwan sa ano ni maria
22. employee of the month - ang sipsip
23. resident evil - ang biyenan
24. kill bill - kilitiin sa bilbil
25. the grudge - lintik lang ang walang ganti
26. nightmare before christmas - binangungot sa noche buena
27. annie hall - ang butas ni annie
28. never been kissed - pangit kasi
29. gone in 60 seconds - 1 round, tulog
30. the fast and the furious - ang bitin, galit
31. too fast, too furious - kapag sobrang bitin, sobrang galit
32. dude, where's my car - dong, anong level ulit tayo nag-park?
33. beauty and the beast - ang asawa ko at ang nanay nya
34. the lord of the rings - ang alahero

Galing kay Mina yun. Hahaha! Hahaha! Sige. Post lang ng post! May pasok na kasi bukas eh. MagBBUSY-BUSIHAN na naman. Haha!

Music: Goo Goo Dolls - Iris

New Year

Muli akong nagbalik! Haha! Happy New Year sa inyo!

Ben Chan
Kris Aquino
Lucy Torres
Alessandra de Rossi
Francine Prieto
James Yap
Richard Gomez
Richard Gutierrez
Jomari Yllana
Diether Ocampo
Wendell Ramos
Sam Milby
John Prats
Jonathan Barcena,
From the whole BENCH family - HAPPY NEW YEAR!

Haha! Bagong taon na, kaya kailangan nang magbagong buhay. Yihee! Sino sa inyo tumalon nung bagong taon?! Ako kasi, oo! Hehe. Para tumangkad. ^_^ Daming paputok sa 'min... sa kapitbahay namin! Uhmm... siguro malaki-laki rin nagastos nila dun. Tuwing bagong taon kasi nagpapakitang-gilas yung mga yun eh :) Kami namang mga kapitbahay nila, nakinood lang sa mga pinapaputok nila. Ganda nga eh!

Habang nagkakasiyahan sila dun, nakinig nalang ako ng year end countdown ng RX at Magic. Adik yung So Sick, parehas na number ONE. Yihee! Pati rin yung Narda, number two naman. ^_^

Sige. Yun lang, mga bagong TAO. Happpppy New Year ulit sa inyong lahat! God Bless. Ingat lagi.

Music: The Rembrandts - I'll Be There For You