Boom Tarat Tarat

Tuesday, October 31, 2006

Boom Tarat Tarat, Boom Tarat Tarat, Tararat, Tararat, Boom Boom Boom!


Haha! Nakakatuwa kasi tong kantang to eh lalo na yung sayaw. Pinapatugtog to sa Wowowee! Haha! Akala ko nga, unti lang nakakaalam nito eh... yun pala marami-rami rin! Lalo na sa Fleming! Yihee. Kanina nga si Patricia hindi na mapigil yung pagsasayaw eh dahil sa kantang to. Hahaha!

Eto video ng isang batang babae na nagsasayaw ng Boom Tarat Tarat. Kaya lang mali yung steps niya. Haha!




Music: Daniel Powter - Bad Day

Rizal at Papaya

Monday, October 30, 2006

Hayy... salamat at wala na ako masyadong poproblemahin sa mga oras na to. Naganap na ang lahat ng dapat maganap kanina.

Tapos na ako mag-recite sa Filipino tungkol sa pelikulang Jose Rizal. At eto yung tanong sakin:

29. Bakit hiniling ni Jose Rizal na siya ay barilin ng firing squad sa kanyang harap?

Kahit papano naman eh nasagot ko. Haha! Kaya lang hindi ko masyado maipaliwanag :( Pero ayos lang yun. Hehe.

Natapos na rin yung Defense namin sa aming SIP. Absent yung dalawa sa group namin kaya naman hinati-hati nalang namin yung mga parte ng SIP sa mga present. Napunta sakin yung Background of the Study at tsaka yung Scope and Limitation. Naks naman!

THE FEASIBILITY OF THE Carica
papaya, Fam. Caricaceae, Linne.
LEAF EXTRACT AS AN AGENT AGAINST
STAPHYLOCOCCUS AUREUS

BACKGROUND OF THE STUDY
It has been known that Papaya fruit trees are included in our four "power herbs", having a long history and evidence of being a very effective medicinal plant. Papayas like to be warm with both sunshine and reflected heat, thus it could be found throughout the Philippines. Through the years, scientists and researchers have conducted scientific investigations to determine and unveil different uses of the different parts of the papaya fruits and trees but it has been observed that there were only few instances wherein the leaves are recognized.

SCOPE AND LIMITATION
The study will focus on the effectiveness of papaya leaf extract on the prevention of the growth of Staphylococcus aureus. It also involves comparison between the commercial products and the developed treatment for infectious microbial activity of the Staphylococcus aureus.

The investigators do not seek to find bad aspects of the commercial products. And the study does not cover or include the effect of the Carica papaya leaf extract against other bacteria except the Staphylococcus aureus.

Dahil natapos na tong mga toh, hindi ko alam kung papasok ako bukas. Marami kasing hindi papasok bukas at tsaka nakakatamad eh! Hehe! Bahala na nga. Pero ayos lang naman kung papasok ako. Kaunti lang kasi yung tao eh, kaya hindi maingay. Haha! Biro lang...

Music: Eric Benet feat. Tamia - Spend My Life With You

Kagulo

Sunday, October 29, 2006

Hayy... tapos na sembreak! May pasok na bukas. Bukas na nga yung defense namin sa SIP eh. Hindi ko pa masyado naaaral, nakakatamad kasi eh! Haha! Pero maya-maya lang, aaralin ko na yun. ^_^ The Feasibility of Carica papaya as an antibacterial agent against Staphylococcus aureus. -Papaya Group-

Kahapon nakakatuwa eh. May mga nagdrama dito sa bahay. Mga, dahil dalawa sila... si Kuya at si Tito. Haha! Kasi ganito yun... inutusan ko si tito na bumili ng card, eh lasing siya. Kaya yun, napakaingay sa labas tapos narinig siya ni kuya, nagalit. Pinapasok ko na si Tito sa loob ng bahay, nag-iingay na naman siya. Tapos nagalit ulit si kuya, bakit di pa daw natutulog. Tapos yun... galit na galit na si kuya. Pinapalabas niya si Tito pero kanina pinapatulog niya. Nang makalabas na si Tito, nagbasag si kuya ng bote sa harapan nito. Eh ako naman, wala lang. Nanonood lang ako ng Wowowee. Pagkatapos ng basagan, biglang nagdrama si Tito at umiyak. Yihee! Tuwang-tuwa ako ng mga oras na yun eh. Hindi dahil sa awayan, kundi dahil sa dramahan. Haha!

Currently Listening To: Rico J. Puno - Ang Huling El Bimbo

Huwag Kang Matakot

Tuesday, October 24, 2006

Bakit naman matatakot? Meron bang dapat katakutan?! Haha! Joke lang!

Naloloko na ko dito sa bahay... walang magawa! Nakakaasar! Wahhh!!!

Music: Parokya ni Edgar - Mang Jose

One week, atbp.

Friday, October 20, 2006

Hayy... last day na ng klase kanina. Sembreak na! Kaya lang one week rin akong tutunganga sa bahay! Matagal-tagal rin yun! Hahaha! Biro lang. Marami rin naman akong gagawin, kain, tulog, nood ng tv, computer, at marami pang iba. Magbabasa rin ng 12 little things?! Siguro. Hehe!

Tumaas yung resulta ng tests ko sa halos lahat ng subjects, maliban lang sa Trigonometry at Algebra. Hayy... Math nga naman! Line of 2 ako sa parehas na yun eh... out of 50! 27 sa Trigo. Wag na yung algebra... masyadong mababa! Wawa naman ako... :-(

Ano pa ba?! Ayun! Napakaraming projects na pinasa kanina. Yung sa values namin, sinimulan lang kaninang umaga at natapos rin ng hapon. Haha! Maayos-ayos rin naman kahit papano.

Yun lang po. Sige. Babye! ^_^

Tests

Tuesday, October 17, 2006

Nagsimula na yung periodical test kahapon. Ayos lang naman kahit medyo mahirap yung iba. Wahh... Sayang yung problem solving sa Physics! Yung length na nandun ay HALF of eleven, ang nalagay ko eleven! Di kasi nagbabasa ng mabuti eh! Hahaha!

Tapos kanina naman, eto yung mga test: Geometry, English, Filipino at Values. Tinatamad ako magsagot. Simula ba naman kasi Geometry. Hehe! Wahaha!

Currently Listening To: The Foundations: Build Me Up Buttercup

October is UN Month

Saturday, October 14, 2006

October ngayon kaya naman UN month. Daming project/activity na kailangang gawin para sa AP. Kasama dun ung landmark and UN song. Singapore ung nabunot namin na country kaya naman Merlion ung gagawin namin. Ung UN song naman ay tungkol sa social change.

Nasimulan na namin ung mga yun. Yung landmark, ginagawa na namin kila sa Stefanie, gawa sa dyaryo. May nagawa na rin naman kami sa UN song, meron nang lyrics. Ang problema, hindi pa nakakapagrecord. Buti nalang sa Friday pa yun ipapasa. *_*

Eto pa yung mas malala, nakasali ako sa mga kakanta nung kanta. Mamaya matalo lang kami at bumagyo pa. Hehe! Pero ayos lang yun. Diba?

Sige hanggang dito nalang. Bye!


Music: 98 Degrees - Hardest Thing

Tol, superhero ka!

"Lilipad ako para lang sayo... Lilipad ako sa dulo ng mundo... Ang lahat ng ito'y para lang sayo... Dahil ang totoo, ikaw ang aking Super Hero!"

Super Inggo... bagong kinaaadikan. Wahaha! Nakakatuwa talaga kasing panoorin toh eh. Parang bata eh. Kaya lang nitong nakaraang linggo, hindi ko napanood dahil nasa ibang bahay ako at sinimulan na namin ung sa science investigatory project namin at tsaka ung landmark ng singapore. Ayun ung masaklap dun eh. Uhh... too bad naman kung ganun! Weh!

Basta nakakatuwa talaga tong Super Inggo, c pareng Budong, no mga tol?! Hehe! Panoorin nyo nalang, may matututunan pa kayo! Yun lang!

Batchoy

Tests... again!

Andito na naman ako! Wahaha!

Sa monday na ung periodical test. Kailangan kong mag-aral ng maigi para naman mag-improve yung mga score ko dati. Dati kasi halos bagsak ako sa lahat eh. Pero buti nalang walang bagsak sa card! Wahaha! At ang bonus pa, walang line of 7! Puro 80 nga lang! Hehe.

Mga itetest sa monday: Research, Physics, Trigonometry at TLE (Culinary Arts). Dami! Sana makayananan ko 'toh!

The Little Things

Monday, October 9, 2006

According to Mr. Alexander L. Lacson, there are 12 little things every Filipino can do to help the Philippines, our country. These little things are as follows:

  1. Follow traffic rules.
  2. Always ask for an official receipt.
  3. Don't buy smuggled goods.
  4. When talking to others, speak positively about our country.
  5. Respect our traffic officer, policemen, soldier.
  6. Do not litter.
  7. Support your church.
  8. During elections, do your solemn duty.
  9. Pay your employees well.
  10. Pay your taxes.
  11. Adopt a scholar.
  12. Be a good parent.
These little things are just easy to do. These really can help our country in improving in different ways. These could also promote us as people with good manners and that we are well-disciplined, especially in the eyes of the world. We must help our country be a better place to live in with just doings these 12 simple things.

Music: The Beatles - Let It Be