Sembreak

Saturday, October 27, 2007

Ano ba yang sembreak na yan? Kahaba-haba pa, dami namang kailangang gawin. Nakakatamad. Buti nalang di na ko kasali sa SIP na yan. English nalang dapat kong gawin. Hindi ko pa tapos basahin yung novel na naassign sakin, pero sinisimulan ko na gawin yung reaction paper. Mythological-Archetypal Approach gagamitin ko.

Wala na kong ibang ginagawa dito sa bahay kundi mag-internet, mag-02jam, kumain ng kumain ng kumain, magbasa ng novel, manood ng tv... Hayy! :| Dapat may Adopt-A-Non-reader Program nalang ngayon eh, para naman maging produktibo sembreak ko. Haha!

Buti nalang pala, umatend ako nung First Aid/ CPR Training. Haha! Naku kung hindi, wala akong mapapala dito sa bahay. Hehe. Masaya naman yung training eh. VICTIM! :P

Music: Nickelback - Rockstar

Favorite Group!

Monday, October 22, 2007

Ito yung naratib ko tungkol sa ginawa naming project sa Filipino:

Sa simula, napagkasunduan ng aming grupo na gawin na lamang pelikula ang napili naming akda – “Lupain ng Taglamig”. Matagal bago kami nakapagsimulang gawin ang plano, kaya naman naisipan namin na gawin na lamang drama sa radyo ang presentasyon. Para sa akin, mas magandang isapelikula ang akdang aming napili, ngunit kulang na talaga sa oras dahil sa dami ng ginagawa.

Sinimulan naming gawin ang proyektong ito noong Sabado, pagkatapos ng Adopt-a-non-reader Program. Hindi nakasama si Fedis Mahilum noong araw na iyon. Siya ang naatasang gumawa ng iskrip ngunit hindi niya naintindihan ang huling bahagi ng akda dahil sa ito’y sadyang masalimuot. Nagtulungan nalang kami sa paggawa ng iskrip noong araw ding iyon, ngunit hindi namin natapos. Umuwi na ang iba, kaya naman kaming mga natira na lamang ang nagrekord ng nasimulang iskrip. Ako ang nagboses sa bida na si Shimamura, sapagkat ako na lamang ang natitirang lalaki sa amin.

Huwebes na ng magawa namin ang pagrerekord. Pinatungan namin ang nairekord namin noong Sabado, sapagkat binago namin ang skrip. Ako dapat ulit ang magboboses kay Shimamura ngunit ako ay nagprisinta na maging narrator na lamang. Ako, bilang narrator, ay madalas magkamali sa aking mga sinasabi. Madalas rin akong matawa gaya ng aking mga kagrupo pag kami’y nagrerekord. Mayroon ring pagkakataon na mali ang pagkakabasa namin sa mga salita kaya naman nagtatagal pa kami. Ang isang maganda sa aming ginawa ay ang paggamit namin ng iba’t ibang tunog gaya ng electric fan, mga paa namin, at iba pa. Ngunit sa kasamaang palad, hindi pa rin namin natapos ang pagrerekord dahil hindi pa rin tapos ang iskrip at isa pa ay dahil gabing-gabi na at malayo pa ang tirahan naming magkakagrupo. Napagpasyahan namin na sa paaralan na lamang ituloy ang pagrerekord. Ngunit hindi naman namin nagawa at sinabing pag-uwi na lamang. Hindi dumating si Anthony Romero na naghahawak ng iskrip kaya hindi rin kami nakagawa.

Kinabukasan, araw ng pasahan ng proyekto, sa paaralan nalang kami nagrekord. Sa kabutihan palad, natapos naman namin ang aming proyekto. Hindi man masyadong maganda ang aming nagawa, masaya pa rin kami.

Nakakalungkot mang sabihin, hindi ko masyadong gusto ang aking grupo. Sa tuwing kami’y magmimiting ay wala kaming nagagawa o natatapos, sapagkat hindi lahat ay umaatend. Walang miting na ang aming grupo ay kumpleto. Maraming hindi pagkakaintindihan sa pagitan ng mga miyembro ng grupo. Pero kahit na ganoon, hindi ako nagsisisi sa lahat ng nangyari sa aming grupo."

Haha! Ganun talaga buhay. May mas malala pa dyan. Yung gawa ng iba ko pang mga kagrupo. :))


Music: Justin Timberlake - Like I Love You

Hanep!

Friday, October 12, 2007

You Scored an A

You got 10/10 questions correct.

It's pretty obvious that you don't make basic grammatical errors.
If anything, you're annoyed when people make simple mistakes on their blogs.
As far as people with bad grammar go, you know they're only human.
And it's humanity and its current condition that truly disturb you sometimes.
The It's Its There Their They're Quiz

Music: R. Kelly - I'm A Flirt

Wuo! Dami!

Thursday, October 11, 2007

Woah! Sa Sunday na ung entrance exam ko sa La Salle. Aw. Di ako nag-aaral. Hayy... Mukhang di na ko makakapag-aral ah. Shooting na namin bukas, ung project sa Filipino. Walang pasok kaya sinamantala. Haha! Tapos sa Saturday naman, yung Adopt-A-Non-Reader program. Aw. Pero ayos lang un. Buti nalang isa nalang tuturuan ko. Kukunin ni Heide yung isa. Haha! Pero kawawa naman yung ibibigay ko. HB pa naman yung aampon :P

At dagdag pa! Yung sa research namin ni Khim! Pano na kaya yun? Hirap-hirap naman kasi eh. (parang marami akong ginagawa eh) Haha! At dagdag pa, yung project sa Economics - Comparative Analysis. Tsaka yung project sa English - reaction paper sa assigned novel, na hanggang ngayon, di ko pa tapos basahin. Aw :(

Pero kaya yan! There are times talaga na dumadaan ang mga ganitong klase ng pagsubok. Wahaha! :-'|

Maiba ko... Happy Birthday, Nuneg!

Currently Listening To: Yellowcard - Gifts and Curses

Adopt A Non-reader

Saturday, October 6, 2007

Meron kaming program na ganito. Community Service, para makumpleto ung 35 hours. Pag di nakumpleto ung 35 hours, di raw makakagraduate. Kasi nga, we have to comfly comply with the requirements. Haha! :P

Two hours lang kami kanina na dapat ay three hours. Ewan ko kung bakit. Sayang nga eh. Nabitin ako. Hindi ko man lamang kasi sila napakain. SILA. Tama! SILA! Dalawa kasi ung inadopt ko. Haha! Nung una kasi, isa lang. Eh may dumating pang iba. Kinuha ko na. Haha! Bait ko talaga :D

Nico Estioco at Nesa Nuylan


Nesa - magaling, magaling! Grade II Section I. Haha! Napakagaling na magbasa at magspell . Hahaha! Mali nga lang ung pronunciation niya nung ibang words. Pero ok na rin un. Basta magaling at mabait. Hehe.

Nico - ito ung pangalawa kong inadopt. Makulit. Grade I Section II. Ang hirap turuan. Di pa masyado marunong magbasa at magsulat. Aw. Pero mabait rin naman kahit papano.

Ay nga pala. Bago ko makalimutan, HAPPY BIRTHDAY, Mark "Porks" Jose at Kimberly "Khim" Anacleto! At tsaka Belated HAPPY BIRTHDAY, Tanya "Tan" Villarin! :D

Currently Listening To: Justin Timberlake - Sexy Back